"Draaaacoooo!!!" Malakas kong pagtili habang pumapadyak pa sa sahig sa kainisan. Umagang umagang sira na kaagad ang umaga ko. Sobrang sira.
"What happened?!"
"Ano nangyari?!"
"Riri, are you okay?!"
"What the fuck?"
Biglang naglabasan ang mga kaibigan namin na naglilinis sa loob ng bungalow. Napatingin din ang ibang mga taong naglalakad sa labas sa may kalye pero wala akong pake kung madaming nakatingin sa paligid. This boy standing in front of me deserves hell.
Nakita ko si Draco na naka-cross arms pa at may mischievous smirk pa habang naglalakad palapit sa akin kaya sinugod ko siya agad.
"Are you insane?!" I shouted at tumawa ito ng malakas nang makita ang damit ko ngayon.
"What? Aren't crop tops the new trendy clothes?" He asked kaya hinatak ko ang tenga niya at pinikot ito. "Aray aray!"
"Stop!" Sigaw ni Draco pero mas nilakasan ko pa ang pwersa ko.
Hinawakan ko ang buhok ni Draco at sinabunutan siya bago tumalon sa likod niya para pagsusuntukin ang ulo niyo. "What the hell, woman!"
"Oh my god." I heard loud gasps from our friends at agad silang nagtakbuhan papunta sa amin.
"Asteria, calm down!" Hinatak ako ni Alistair at Alonso palayo kay Draco samantalang hinatak ni CM at Velox si Draco.
"You bitch! I swear kakalbuhin kita right now!" I shouted at him. Paano ba naman?! Paggising ko kanina wala na si Draco sa bahay which is good pero halos gumuho ang mundo ko nang makita na punit punit ang laylayan ng kaisa-isa kong spare shirt so I had no choice but to cut the tshirt at naging crop top na tuloy ito.
"Try me, woman! You should be thankful that I don't hit girls!" He spat out at biglang naglapitan ang mga protectors sa amin. Naglabas ng syringe na malaki ang dalawang protectors. Wow great! Kanina pa kami magkahiwalay ni Draco at ngayon lang siya tuturukan nito?
"Don't even think about injecting me with muscle pain. We wouldn't be far from each other kung hindi siya umalis." Sigaw ko sa protectors kaya napatigil sila at mukhang napaisip sa sinabi ko. Why should I be punished if si Draco ang lumayo?
"Ang tagal mong magising. It's better to start the day early para maaga matapos." Draco said in defense to his sudden disappearance.
"And risk us being injected?! At idagdag mo pa na sinira mo ang kaisa isa kong spare na damit?! Oh you are crazy!" I shouted and charged at him kaya nagkagulo na naman ang lahat.
Tumakbo ako at hinatak si Draco para matulak siya pababa ng sahig. Nag-cause pa ng malakas na tunog ang pagkakabagsak ni Draco sa lupa. Inapakan ko ang likod niya at inikot ang braso niya.
"Stop stop! Ouch!" Sigaw nito pero lalo ko lang inikot ang braso niya pero bigla niyang inikot ang katawan niya at sinipa ang mga binti ko kaya bumagsak tuloy ang buong katawan ko sa lupa. And I swear, that hurt as hell. I am going to kill this guy.
"Tigilan niyo na!"
"Jusko kayo!"
"What the hell are you two doing?!"
"Stop na, guys!"
"Just inject them." Napalingon kami kay Flow na nagsalita ng kalmado habang nakatingin lang sa amin at biglang sinugod kami ng mga protectors.
And before we knew it, biglang kumirot ang braso ko kaya napalayo ako kay Draco. Napaluhod naman sa lupa si Draco.
"Aray ang sakit! Ugh!" Napapabaluktot na siya sa sahig pero bakit ganon? OA naman niya eh ako nga parang piniga lang ang braso ko pero nawala din kaagad matapos ang ilang segundo.
![](https://img.wattpad.com/cover/200988237-288-k132845.jpg)
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasíaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...