Sa mundo ng Enchanted World, tama nga sila at laganap ang mga traydor. Hindi lahat mapagkakatiwalaan. Tulad nitong estudyante na pinatay si Master Alhashimi at binihag si Freiza.
Binasag ng lalaki ang bintana kaya mabilisan akong tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang coat niya para mahatak ko siya. Tinulak niya ako ng malakas kaya tumilapon ako at tumama sa desk ni Master. Hindi ko na ininda pa ang sakit sa likod ng tumama sa kahoy at muling sinugod ang lalaki.
Hinatak ko ang coat niya at inikot siya. Susuntukin ko na siya sa leeg ng maharangan niya kamay ko.
"RHEA! TULUNGAN MO SI FREIZA!" Sigaw ko kay Rhea na tulala na ngayon. Nasuntok ng lalaki ang mukha ko pero agad kong tinusok ang mga mata niyang lumalabas sa mask.
"Aray!" Uminda siya sa sakit at napahawak sa mga mata niya. Teka pamilyar ang boses niya! Inapakan ko ang paa niya pero agad niya nasipa ang kaliwang binti ko kaya natumba ako sa sahig. Weakness ko ang left leg ko kaya mabilisan akong napatumba ng apakan pa niya ang kaliwang binti ko. "UGH! SAKIT!" Bago ko pa siya mahatak muli ay tumalon na siya palabas ng bintana. Napatingin ako sa labas. Nasa fifth floor kami kaya paano siya lumanding maayos.
"SUNDAN NIYO SIYA!!!" Sigaw ko kay Rhea at Freiza kaya tumakbo ako palabas ng Faculty Building. Nakita ko si Rhea na tumalon na din sa bintana kaya kasama ko ngayon si Freiza pababa ng hagdan.
"Kaya ni Rhea labanan iyon. Tara bilisan na natin." Sabi ni Freiza pero napatigil siya sa tapat ng emergency button. Binasag niya ang salaming nakaharang doon at pinindot ang red button.
"Tara na!" Sigaw ko at tumakbo na kami palabas ng building. Biglang may malakas na siren na tumunog sa buong Academy.
Nang makarating kami sa likod ng Faculty Building ay nakita naming naglalaban si Rhea at ang lalaki.
Biglang humangin ng malakas at nagulat kami ni Freiza nang magpasukan ang mga Diablo na naka-black cape.
"MGA DIABLO!" Sigaw ni Freiza. Inangat ko ang palad ko.
"Bident, I summon you!" Sigaw ko at mabilis na lumipad ang bident papunta sa akin.
"Game." Sabi ni Freiza na nakangisi pa at tumango ako. Inatake kami ng mga Diablo at agad kong winasiwas ang Bident.
Naglabas ng mga ice spikes si Freiza at pinaulanan ng mga matutulis na yelo ang mga Diablo.
"Stop!" Sigaw ko nang nakaturo sa mga paatake sa amin na apat na Diablo at nanigas sila. Tumakbo si Freiza papunta sa kanila.
"Freeze to death!" Sigaw niya nang hawakan ang dalawa at nagulat ako nang maging yelo ang dalawang iyon.
"AHHHHH!!!!" Napalingon kami sa sumigaw at nanlaki ang mga mata ko.
May anim pang Diablo na sumugod naman sa likuran namin kaya mabilis akong umatake. Hindi lang depensa ngayon kundi attack na ginagawa ko. PINATAY NIYO ANG ISA SA MGA PINAKAMAHALAGA SAKING TAO DITO SA ACADEMY!!!
"Rot in hell." Hasik ko sa humawak sa kamay ko at mabilisang siyang hinampas ng Bident ko. Nanlaki mga mata niya ng mag-double high kick ako kaya napaatras siya. Sinuntok ko ang mukha niya pero nagulat ako nang maglabas sila ng mga daggers at pinaghahagis sa amin kaya gumawa ako ng malaking sphere para hindi kami matamaan pero mabilis ang galaw nila.
"OUCH!" Napahawak ako sa braso ko nang dumaplis ang dagger doon. Umagos ang dugo sa nahiwang balat ko. Tumakbo si Freiza para labanan ang Diablong naghagis ng dagger sa akin.
Hingal na hingal na ako at dehadong dehado kami ni Freiza nito. Ang dami nila. Idagdag mo pang lahat sila ay may daggers and swords.
Nagtinginan kami ni Freiza and we both had that desperation in our eyes.
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...