Bewitched Volume 2

160 7 0
                                    

A/N: So book 2 na dapat to pero dahil super short lang ng v1...papagsama ko nalang hekhek!!

Sa mundong ginagalawan ko ngayon...hindi ko maikakaila na madami nga talagang traydor sa paligid. Tama ang sinabi ni Master Alhashimi at Lola Simone noon na hindi lahat ng mukhang mabuti at mapagkakatiwalaan ay tunay na kabutihan ang nasa looban niya pero hindi din lahat ng kasamaan ay talagang masama.

Noon kinasusuklaman ko ang grupo nila Freiza dahil napaka-mean girls nila pero hindi ko inexpect na busilak din ang loob nila Freiza, Rhea at Katreena. Naging matulungin sila sa pagresolba ng kaso sa nangyaring incident a week ago, in fact isa sila sa may malaking naitulong.

Binawian na ng buhay si Master Alhashimi at napagalaman din sa autopsy niya na hindi lamang saksak ang sanhi ng pagkamatay niya kundi isang nakakamatay na poison na matatagpuan lamang sa kaharian ng mga Diabolo.

Hinahalughog pa din ng buong Academy ang lahat ng mga estudyante para malaman kung sino ang may sala. Ayon kay Rhea ay nakawala raw ang lalaking traydor dahil sa taglay nitong lakas sa pakikipaglaban. Tumakbo daw ito papunta sa forest matapos siyang balian ng buto. Oo, may bali na sa buto sa braso si Rhea pero gagaling din daw ito sa tulong ng gamot ng Academy Hospital na hinaluan ng potions.


Lima ang naging prime suspects sa nangyaring pagpatay kay Master Alhashimi at pagbihag kay Freiza...

1. Si Stormius Katastrephein na nawawala sa House of Reapers ng mangyari ang krimen. Noong tumunog din ang emergency alarm sa buong academy ay hindi rin ito nakita sa open fields. Mas nakakapagtaka pa raw ang puro galos nitong mukha. Idagdag pa ang nakakakilabot na kidlat na bumalot sa katawan ko at iisa lamang daw ang nakakapagrelease ng kidlat at si Kuya Storm iyon.

2. Si Alonso Levitius na wala rin sa House of Reapers ng mangyari ang insidente. Ayon pa sa isang protector ay hindi ito natanaw pang pumasok sa House Faction after dinner time ngunit wala itong galos o kahit anumang sugat na pinagtataka ng karamihan. Natagpuan din siyang walang malay sa gitna ng Haunted Forest na mas nakakataka at suspicious. Idagdag pa na kung kailan siya nagtransfer ay saka nagkaroon ng pagatake kaya hindi siya maitanggal ng council sa listahan ng mga suspects.

3. Si Lucifer Aza na hindi matanggal sa listahan ng mga suspects ng Enchanted Council dahil may matindi itong ugnayan sa mga Diablo. Isa kasi siyang pure blooded Diablo na anak ni Hades Aza, ang highest ranking general ng mga Diablo kaya madaming nagdududa sa kanya. Ngunit nakita naman ng mga protectors at ilang Enchanters na nakipaglaban din ito laban sa mga Diablo noong oras ng atake.

4. Si Gineos Intelligentia na nasabing pinagaaralan ang poisonous plant na pumatay kay Master Alhashimi ng ilang linggo na palang nasa Erudite Laboratory. Isa siya sa pinagdududahan din ng Enchanted Council dahil siya lamang ang bukod tanging estudyante ng Academy na interesadong interesado sa lasong ito kahit matinding pinagbabawalan and pag-eexperiment dito. Napagalaman din na nawala ang mga poisonous plants na pinageexperimentuhan ni Gino sa Laboratory kaya mas tumibay ang mga hinala.

5. Si Emmanuelle Ellai Xavier na hindi daw natagpuan na lumabas nang tumunog ang emergency alarm at hindi nakihalubilo sa mga Enchanters sa open fields nang nagkaroon ng kaguluhan ngunit natagpuan siya sa kwarto niya ng isang protector habang hinahalughog nila ang mga House Faction. Si Kuya Uelle raw ay mahimbing na natutulog sa kwarto. Wala namang natagpuan na kahit anong kakaiba sa katawan nito kaya malabong nakipaglaban ito pero inilagay siya sa watch list of suspects dahil lahat ng wala sa fields ay isasama ng council.

Ginawa ni Headmistress Georgia na bukas sa publiko ang imbestigasyon para lahat raw kami ay alerto at hindi mangmang sa nangyayari sa paligid. Magmula ang nangyari pagsalakay ng mga Diablo ay dumami ang mga protectors na nakabantay sa paligid. Bawat floor ng mga buildings ay may protector na nakabantay. Bawat sulok ng campus ay nagkalat ang mga protector. Naging mas strict din ang Headmistress at Reyna sa mga estudyante. Tanging classroom, laboratory, library, dining hall, training dome at house faction lamang ang pwedeng puntahan.

Para kaming pumasok sa isang asylum kung saan tutunog ang bell at doon lang kami pwede kumilos o umalis kung nasaan man kami. Ultimong pagbabanyo namin ay may protector na nakabantay.

Babalik pa kaya sa normal ang daloy ng mga estudyante? Pero kailan nga ba naging normal ang pamamalagi dito sa Enchanted World? Never ang sagot doon and I, Asteria Mignonette Zagan, will find out who is behind these killings.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon