Nandito ako ngayon sa training dome kung saan naglilinis ako. Apparently, maglilinis ako ng buong Training Building, Ingenium Library, Ingenium Hall at Erudite Building everyday for two week bilang parusa ko. Magsisimula ako ng 6am bago magstart ang 8am classes. Tapos after ng class din ng 3pm maglilinis na naman ako. Galing diba?
Sunday ngayon at buti nalang 9am pa simula ng training class so may time pa ako para maligo at magbihis. Nakashorts lang ako at malaking sweatshirt na pinaresan ko ng white sneakers. Buti nalang din pinatanggal na kahapon ang neck brace ko. Kakaiba talaga healing potions dito. Siguro kung sa Normie World wala na finish na buhay ko.
"Hay! Note to self, huwag magpapadala sa seduction plants sa Haunted Forest." Bulong ko sa sarili ko habang nagmomop.
Biglang may humawak sa magkabilang balikat ko kaya mabilisan kong inikot ang mop na hawak ko at winasiwas. Nagfront flip ako para masipa ko ang nasa likod ko. Bumagsak ako nang paluhod sa sahig na hingal na hingal.
"Aray!" Daing niya kaya mabilisan akong napatingin sakanya. Si Lucifer pala.
"Sorry, reflexes." Sabi ko at napailing siya.
"Grabeng reflex. Anyway, what are you wearing?" Tanong niya habang sinusuri ako from head to toe. Tumayo ako at pinagpag ang tuhod ko. Medyo masakit lang dahil tumama balat ko sa cement floor ng training dome.
"Magbibihis ako after ko maglinis." Sabi ko at tumango lang siya bago pumunta sa bleachers at matulog. Napatingin ako sa wall clock at 7:00am palang naman.
"Aga mo?" Tanong ko pero tumalikod lang siya sa akin na parang sinasabing ayaw niya ko kausapin.
"Sungit." Pinagpatuloy ko lang ang pagmomop ko. At pagpatak ng 7:30pm ay lumabas na ako para maligo at magbihis sa kwarto ko.
"Ma'am Asteria! Saan ho kayo patungo?" Tanong ng isang driver ng golf cart. Oo nga pala pwede gamitin ang golf cart basta may driver.
"Sa House of Reapers." Sabi ko at ngumiti lang ang driver.
"Sige ho ma'am. Sakay na po kayo." Napalingon ako bigla nang may kakaiba akong maramdaman na nakakalikilabot. Nakita ko sa labas ng Academy Hospital si Blaze. Nakasuot na siya ng uniform at nakatingin sa akin. More like titig kaya napayuko nalang ako at mabilisang sumakay.
"Sir Blaze, saan po kayo? Sakay na din po kayo." Kung sswertehin nga naman ako. Nanatili akong nakayuko lamang at hindi tumitingin sakanya.
"House of Reapers." Sagot niya at naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Shocks! Naghhyperventilate ba ako? Sabi ni Kuya Uelle wag ko kausapin o puntahan si Blaze pero nakukunsensya din ako kasi niligtas niya ako kundi baka bihag na ako ng mga Diablos.
"Ma'am baba na ho kayo. Kanina pa po tayo nandito." Sabi ng driver kaya mabilisan kong inangat ang paningin ko at nakitang nasa harapan na nga kami ng House Faction. Wala na rin si Blaze sa tabi ko kaya lumabas na ako ng golf cart.
"Thank you, Kuya." Sagot ko at tumakbo na papasok. At kung sswertehin nga ako nagaabang din siya ng elevator. Ayaw ko naman maghagdan dahil pagod na ako sa kakalinis.
Oh well, papel.
Pag-ding ng elevator ay pumasok na kami parehas at pipindutin ko na sana ang 5 ng pindutin din niya so ending nagkapatong mga daliri namin kaya mabilis ko itong binaba.
"Hindi ka manlang ba magtthank you sa kanya?" Heh! Ayaw manahimik ng kunsensya ko! Ano ba yan!
Sira ata aircon dito at parang pinagpapawisan ako. Ano ba nangyayari? Hindi naman ako nagkape? Wala naman atang kape dito eh. Bakit para akong nagpapalpitate?
"Niligtas ka niya...kausapin mo na..." Kunsensya ko na naman na kinukulit ako.
Nang bumukas ang elevator ay naglakad na palabas si Blaze pero hindi na kinaya ng kunsensya ko....
"Blaze!" Mabilisan kong hinawakan ang kamay niya.
"Hmm?" Humarap siya sa akin at parang nagaabang ng sasabihin ko kaya napakagat ako ng labi.
"T-thank y-you." Sabi ko at napapikit nang marealize na sobrang nanginginig na ako. BAKIT BA AKO KINAKABAHAN!!! OA DIN AKO EH!!!
ding.
Napalingon kaming dalawa sa elevator. Nang bumukas ito at bumungad ang isang lalaki na magulo ang puting buhok nito. Nakayuko ito at ang porma niya ay leather jacket na pinaresan ng ripped jeans at DMs na sapatos.
Inangat niya ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Kulay puti and grey ang buong mata niya as in ALL WHITE AND GREY AS IN WALANG ITIM NA PUPIL OR IRIS. PURELY WHITE AND GREY!
"Hm! New girl." Bati lang niya at nilagpasan na kami ni Blaze.
"Who was that?" Bulong ko at napatingin kay Blaze na nakatingin pala sa kamay namin kaya mabilisan ko itong tinanggal.
"Si Kuya Storm." Sagot niya at naglakad na papunta sa kwarto. Woah! Ano ginagawa noong Storm dito? Ay charot! Syempre school niya to pero woah! Ganoon ang itsura niya? I wonder what he's capable of. Aigoo! Kinilabutan ako ng maalala itsura niya.
Naligo lang ako ng mabilisan at nagbihis bago pumunta ng training dome. Nandoon na ang ilan naming mga kaklase at si Lucifer nama'y tulog pa din sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina.
Pumasok na si Master Snape kasama si Storm.
"Good morning, Enchanters. Stormius Katastrephein will now be your classmate. Since he stopped for three years due to his mission, he will repeat as your batch mate again." Tumango lang ang mga kaklase ko. Napalingon ako kay Hermione at Illumina. Nakayuko nalang si Hermione samantalang gulat na gulat si Illumina. What's so shocking about Storm?
"He's going to be the top in this class, no doubt." Bulong ni Blade na natatawa pa.
"Hello, classmates." Sabi ni Storm at nilagay sa ulo ang suot niyang shades. Naghahalo ang white at gray sa mata niya na nakakatakot. Never have I imagined someone with those eye colors pero hindi nakakatakot tingnan si Storm dahil soft ang features ng mukha niya kaya hindi pang-horror.
Napalingon naman kami kay Freiza na nagtaas ng kamay.
"But his enchant is too powerful for our level. Hindi ba dapat kabatch niya sila Ellai?" Tanong ni Freiza at tumawa lang si Storm.
"Hindi naman enchant ang basehan but year level, stupid." Sabi ni Storm na halatang kinainis ni Freiza at naglakad papunta sa pwesto ko. Sumenyas siya kay Blade na umusog kaya agad naman siyang sinunod ni Blade.
"Hey, new girl." Sabi niya pero umirap lang ako at umiling. Bakit ba dito pa to tumabi?
Dagdag sakit ulo na naman ba to?
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...
