"So iyang nasa harapan ay tinatawag na Enchanted Hat. Iyan lang ang bukod tanging makakapagsabi kung saang faction ka mapupunta miski ang hari't reyna ay hindi pwede iyong diktahan. Iyan ang batas na ginawa ng Enchanted Council." Pageexplain ni Kuya Uelle. Sobrang helpful talaga niya. Hindi ako nagiging mangmang sa mga bagay bagay. Nakaupo kami ngayon sa damuhan ng open fields kung saan isa isang tinatawag ang mga estudyante. Mula A to Z.
"Enchanted Council?" Pagtataka ko.
"Sila ang lawmakers at walang pwede gumalaw sa kanila dahil kamatayan ang hahatol sa susuway sa ginawa nilang laws o sa paggalaw laban sakanila." Sabi niya kaya tumango lang ako.
So far puro Erudite, Stimuli at Elementals palang ang naaassignan. Inaassign din pala ng Enchanted Hat kung sino ang training partner ng estudyante. Galing nga eh. Mukha siyang Wizard Hat pero may bibig at mata kaya nakakapagsalita ito.
"Next, Aza, Lucifer." Napalingon ang lahat sa kinaroroonan noong Lucifer nang ianunsyo ni Headmistress Georgia ang pangalan.
Umakyat lang siya sa stage pero bago pa niya masuot ang Enchanted Hat ay nagsalita na ito agad.
"Lucifer Aza, House of Reapers. No partner yet! Huwag niyo na ako isuot utang na loob." Napangisi lang si Lucifer bago bumaba ng stage. Parang takot na takot naman tong wizard hat este Enchanted Hat sa kanya. Ganon ba kalakas enchant niya? Bakit hindi gumana sa akin.
Sunod sunod nang tinawag ang mga estudyante.
Si Illumina Daenerys pala ay may kambal na si Dark Daenerys ang kaasaran niya kanina. Elemental sila. Si Blade Caspian naman at Hermione Dios ay nabibilang sa Stimulus. Nalaman ko din na iyong white haired na mataray na babae kanina sa class ay Freiza ang pangalan at Reaper din siya. Woah! Lalayuan ko yang babaeng yan.
"Next, Ravana, Blaze." Iyon pala ang pangalan noong lalaki ng red hair na naglalaro ng apoy.
"He's one of the most notorious guys in the campus. I prefer that you don't befriend him." Sabi ni Kuya Uelle pero nakatitig lang ako kay Blaze. Nakapamulsa pa ito sa slacks niya at tumalon pa paakyat ng stage. Psh. Pasikat!
"Noted, Kuya. Not my type of friend." Sabi ko at nginitian lang ako ni Kuya Uelle.
"Good!" Sagot niya kaya nginitian lang siya.
"Blaze Ravana, House of Reaper. No partner yet." So reaper siya? Kahit fire ang enchant niya.
"Bakit hindi siya Elemental?" Tanong ko kay Kuya Uelle.
"Masyadong malakas ang voltage ng Enchant niya na sobrang deadly nito that's why." Napa-O lang bibig ko at napatango sa sagot niya. Nakakatakot...that's for sure!
Pero lubusan akong namangha ng malaman na pwedeng Erudite or Reaper si Kuya Uelle but he chose Reaper. Sobrang talino siguro nitong lalaking to. Maangas pa siyang umupo sa tabi ko kaya binatukan ko lang siya. Wala siyang partner kasi Resident na siya sa hospital so wala na siyang training masyado. Swerte! Pero sabagay hirap mag-med na course.
"Next, Zagan, Asteria." Naglakad na ako papunta sa stage at parang bumibilis tibok ng puso ko sa kaba. Namamawis na din palad ko kaya pinupunas ko ito sa coat ko.
Nginitian ko lang si Headmistress Georgia dahil nakangiti ito sa akin.
"Asteria Mignonette Zagan, House of...Reaper." Napasinghap ang lahat at nabalot ng bulungan ang buong open fields. What? Reaper ako?
"Partners are Lucifer Aza and Blaze Ravana. Congrats and Good luck!" WHAT IN THE WORLD?!
Medyo natagalan pa ako bago bumalik sa ulirat. Tulala akong bumalik sa pwesto namin ni Kuya Uelle at miski siya ay gulat.
Matapos ang lahat ay hinatak na niya ako papunta sa House of Reapers. Hiningal pa ako sa layo ng nilakaran namin.
"I cannot believe it." Bulong niya at sumalampak sa kama niya.
"Neither do I. Pero ano ang Enchant ko?" Pagtataka ko pero nagisip lang siya ng malalim. Naglakad na din ako at umupo sa sofa sa tapat ng kama niya. Kung reaper ako? Does that mean I have an Enchant? A deadly one?
"Ibigsabihin hindi lang Great Shield ang enchant mo dahil pang-stimulus lang iyon hindi pang-reaper. Ano pa kaya?" Pagtataka niya kaya napaisip na din tuloy ako.
"The hat must have been mistaken." Sabi ko pero umiling siya.
"Never nagkamali ang Enchanted Hat. We'll know in due time pero nasa bloodline niyo ito malamang." Sabi niya at biglang siyang may hinanap sa bookshelves niya.
"Bloodline? Ano ba enchant ni Lola?" Pagtataka ko pero umiling siya.
"About your father."
"YOU KNOW MY FATHER?!" Sigaw ko sakanya at umiling siya.
"I can't tell you yet." Humarap siya sa akin at seryoso akong tiningnan.
"Don't ever tell people na I know who your father is. You must keep it a secret until the right time comes." Sabi niya kaya napakunot noo ko.
"Bakit naman bawal banggitin si Papa A—" Nagulat ako nang takpan niya bibig ko.
"Shh! You must never mention his name. NEVER!" Sigaw ni Kuya Uelle na sobrang kinagulat ko. Pagtrainings lang siya sumisigaw. Bakit naman bawal banggitin pangalan ng tatay ko. Pangalan lang nga ang alam ko tungkol sa kanya eh.
Anyway, whenever Kuya Uelle scolds me, it's always for a good cause kahit ako mismo nagtataka ay hahayaan ko nalang siya because I trust him.
"Pero bakit yung Lucifer at Blaze pa partners ko? I swear lahat ng sabi kong iiwasan ko eh kusang lumalapit like what the hell?" Tuloy tuloy kong pagrarant at bahagyang natawa lang si Kuya kaya napairap ako.
May kinuha siyang makapal na book at nilapag ito sa lap ko.
"Dalhin na natin tong isang dosena mong bagahe sa room mo and read that book! Magkakaidea ka kung ano enchant mo dahil sa bloodline ito namamana." Isang dosena!!!
"OA ka sa isang dosena ah!" Sabi ko sakanya at tumawa lang siya.
"Dami dami mo kasi dala and to answer your thoughts, usually training partner mo ay enchanter na magbblend sa enchant mo kumbaga match mo." OA talaga nito. Anim na luggages lang naman dala ko. Dami ko pa nga iniwan sa mansion na damit eh. and match??? Iyong dalawang nakakatakot match ko???
Tiningnan ko nalang ang libro at pinagpag ang alikabok na nandoon. Mukhang hindi masyadong nagagalaw pa ito.
Enchanters of the Dark Arts
by Snape Slytherin
![](https://img.wattpad.com/cover/200988237-288-k132845.jpg)
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasiaAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...