THIRD PERSON'S POV
"Wear this." May pinalutang si Alonso na tatlong shades na saktong tumigil sa tapat ni Asteria, Alistair at Lucifer. Hindi na nagdalawang isip pa ang tatlo at sinuot na agad ito. Alam na nilang para ito takpan ang mga mata nilang pula.
"Okay, remember to stay within the mall at all times and hangga't sa maaari, huwag magisang hihiwalay sa grupo. At least group of threes or fours tayo para na rin sa kaligtasa—" Pinutol agad ni Blaze ang pagpapaalala ni Flow sa grupo.
"Breathe, Flow. Have a little fun for a while. We'll be safe. We are enchanters after all." Sabi naman ni Blaze at napailing nalang si Flow. Deep inside Flow, alam niyang hindi gaanong ligtas magliwaliw sa lupa ng Groverfield because it is more than what meets the eyes.
"Let's go shopping!" Hinatak agad ni Illumina si Hermione at Asteria papasok ng mall. Ganon din ang ginawa ni Rhea, Freiza at Katreena. Makikitang sabik na sabik ang anim na babae sa pagiikot sa mall para makabili ng kung anu-anong mga damit at sapatos.
Sa kabilang banda naman ng mall, makikita na ang mga lalaki naman ay dumeretso na sa arcade para maglaro doon ng kung anu-ano pa.
"Girls!" Mabilisang napalingon si Dark at Blade nang may dumaan na grupo ng mga babaeng magaganda na masayang nagtatawanan habang nag-uusap.
Napailing nalang si Lucifer at dumeretso sa isang race-car arcade.
"Naglalaro ka?" Tanong ni Alonso sa kanya at tumango lang ito kaya sumakay na ang dalawa sa tig-isang sasakyan at naglaro na ng paligsahan.
Sa isang shooting arcade game naman makikita si Blaze, Flow at Alistair kung saan focus na focus ang tatlo sa pakikipaglaban laban sa mga virtual zombies na nasa screen.
"Booyah!" Sigaw ni Blaze ng matalo nila ang mga zombies in no time. Makikita ang husay ng tatlo sa shooting, dala na rin ng tagal nilang pag-ttrain sa academy.
Samantalang si Blade at Dark naman ay nagpapasikat sa basketball rinks kung saan nila nakita ang mga babae na naglalaro din.
Nagangat pa ng braso si Dark para ipagmayabang ang muscles nito sa biceps ng ma-beat ang high score sa basketball shooting game. Tumawa pa ang isang babae nang mapansin ang ginawa ni Dark.
"Uhm hi!" Bati nito kay Dark na halatang kinatuwa ng binata. Sinuntok pa siya ng patago ni Blade dahil natuwa rin ito sa paglapit ng grupo ng mga babae.
"Hey, girls! Ako nga pala si Blade." Pag-introduce nito.
"Dark." Nagabot naman ng kamay si Dark na agad kinuha ng babaeng kanina pa siya tinitingnan ng malagkit.
"Rosalia." Bati ng babae kay Dark. Lumapit pa ang dalawa nitong kasamang babae at nakangiti ng malawak ang mga ito.
"I bet you guys might come from afar pa. Beatrix nga pala." Bati ng isang babae na maiksi ang buhok na hanggang balikat lang.
"Paano niyo naman nasabi?" Tanong ni Blade na nakangisi.
"Men as fine as you, I'm sure mapapansin agad namin kung taga rito kayo. I'm Uno." Sabi naman ng isang babae. Pula ang buhok nito na kulot.
"Tell them your fullname, Uno." Sabi ni Rosalia kaya lumawak lalo ang ngiti ng tatlong babae.
"Yes, Uno. I'm sure they're familiar with that." Sabi naman ni Beatrix bago niya i-cross ang arms niya.
"I'm Maria Juana Stefania Von Clyford." Nanlaki ang mga mata ni Dark at Blade nang marinig ang buong pangalan ng babae at onti onti silang napaatras palayo sa grupo.
"Gotcha!" Mapangtukso na sabi ni Rosalia and within a blink of an eye mabilisang tumakbo ang dalawa.
Sa banda naman ni Alonso at Lucifer, ilang beses na silang nananalo kalaban ang iba pang nasa race arcade at lahat ng kalaban nila'y naiinis na rin sa husay ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Bewitched
ФэнтезиAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...
