Enchanted 7 🧝🏻‍♀️ Unbreakable

252 17 0
                                        

"Asteria, this is an unforgettable message, take care of  yourself. I hope that you will not hate me for doing this. This is for your safety. Tatandaan mo ito, not all darkness are purely evil and not all light are good. Learn to judge through your eyes whether a being is part of the evil ones or the good ones. Senyora Simone, itakas mo siya!" Rinig kong sabi ng isang matandang lalaki.

"Yes, master!"

"ESME HINDI PA TAYO TAPOS! SISIGURADUHIN KONG MASUSUNOG ANG KALULUWA MO SA IMPYERNO!" Sigaw ng isang matandang babae.

"Kung may masusunog dito, sisiguraduhin kong ikaw iyon, Celestina!" Sigaw ng isang matandang lalaki mula sa di kalayuan.

"SIMONE! UMALIS KA NA!" Sigaw ng matandang lalaki na kumakausap sa akin kanina.

Biglang nagiba ang setting ng lugar.

"Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you! Maligayang kaarawan, apo! Blow your cake." Sabi ni Lola at tiningnan ko ang cake na may number 15 na kandila sa ibabaw.

Nandito kami sa mansion. Celebrating my 15th birthday.

"Thank you so much Lola!" Sabi ko. Pumikit ako.

Lord, ingatan niyo ho si Lola parati ha.

Dumilat ako at nakita kong nasa isang bangin na ako at may matandang lalaking nasa tawid ng bangin. Malungkot ang mukha nito pero kinilabutan ako nang makita ang pula nitong mata at pulang buhok.

"Asteria....." pamilyar ang boses nito at bigla nalang siyang nasunog.

Nagulat ako nang bumiyak ang lupang inaapakan ko at parang nalalaglag ako sa bangin.

"WAAAAHHH TULONG!!!" Sigaw ko habang tinataas ang kamay ko para makahawak sa kung anumang pwedeng hawakan pero biglang humangin sa mukha ko.

Parang bumulong si Lola sa tenga ko habang nalalaglag ako sa bangin.

"Malapit na ang takdang panahon."

Napabangon ako bigla na hingal na hingal. What did I just dream of?! Sobrang gulo ng mga scenarios and all.

"Are you okay?!" Biglang may pumasok sa kwarto at nakita kong si Kuya Uelle pala. Bakas ang pagaalala sa mukha niya.

"Yes. Nightmare." Sabi ko at ginala ko ang mga mata ko. Nasa kwarto ko na pala ako.

"There's water on your lamp table. Rinig ko ngang sumisigaw ka kaya napatakbo ako." Sabi niya at umupo sa paanan ko. Hinawakan niya ang noo ko at tumango siya. Kinuha ko ang baso para uminom na ng tubig.

"Wala ka nang sinat. Good." Sabi niya. At bigla kong naalala ang nangyari sa training.

"WAIT! Ano nangyari sa training? Nahimatay ba ako? Like what happened?" Dere-deretso kong tanong kaya ngumiti lang si Kuya Uelle.

"Nahimatay ka after mo gamitin ang Enchant mo at dahil baguhan ka pa dito, naubos ang energy mo dahil sa lakas ng voltage na lumabas sa Enchant mo. We call it Enchant Drainage." Sabi niya.

"Huh? So lumabas na Enchant ko?" Pagtataka ko. Tumayo lamang siya at pumunta sa study desk ko. Kinuha niya ang maliit na salamin doon at tinapat sa mukha ko.

"WAAAAAHHH!!" Napatili ako nang makita ang sarili ko sa salamin kaya humalagpak sa tawa si Kuya Uelle kaya sinipa ko siya.

Bakit ganon itsura ko?! Bakit ganon mga mata ko?!

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon