Enchanted 10 🧝🏻‍♀️ More Confusion

240 10 0
                                        

"Riri, sabay tayo maglulunch break mamaya ha." Tumango lang ako kay Kuya Uelle bago pumasok ng room at umupo sa designated chair ko. Dahil sa nangyari noong isang araw lagi na akong sinasamahan ni Kuya Uelle kahit saan ako magpunta. Hindi din ako pinapasok kahapon para magheal muna iyong sugat ko sa leeg.

Apparently, naka-neck brace ako ngayon dahil bawal ko masyadong igalaw ang leeg ko dahil iyong poison na nasa dagger ni Hades ay nakakaapekto sa muscles na pupunta sa bones.

"Kaano ano mo si Kuya Ellai? Parang alagang alaga ka niya eh?" Bulong sa akin ni Illumina pero nginitian ko lang siya. Naappreciate ko din na hindi ako sinisi ng mga kaibigan ko sa nangyari kahit alam kong kasalanan ko kung anong nangyari kay Blaze. It's normal daw. These kinds of events are normal at hindi maiiwasan kaya daw sila nagttraining nang puspusan.

Akala ko nung una ay aawayin nila ako pero kabaliktaran ang nangyari. The students showed pity on me.

"Hmmm parang kuya ko siya." Sagot ko at huminga ng malalim si Illumina. Something tells me na may gusto si Illumina kay Kuya Uelle pero hindi na ako magcocomment about that.

Bumukas ang pintuan at biglang nagtayuan ang lahat kaya sumunod lang ako at nagbow na kaming lahat. Syempre si Prince Flow lang naman ang pumasok kasama ang mga kaibigan niyang lalaki.

Nang makaupo na sila sa pwesto nila ay umupo na din kami. Kaklase ko pala si Flow at Blade. Eh si Dark at Lucifer lang naman kasi ang pumapasok sa class. Tibay din nitong si Blade eh.

"Factotum, get me water now." Utos ni Lucifer kaya napakamot ng ulo si Blade bago tumakbo palabas ng room. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko.

"Loko ka talaga, Lucifer. Pinagttripan mo ba si Caspian?" Tanong ni Flow at ngumisi lang si Lucifer.

Pumasok na si Master Alhashimi at nagsipagupuan na ang lahat.

"Asteria Zagan, proceed to the board room. Including the student councils." Sabi ni Master kaya agad kaming tumayo at lumabas ng room. Kuya Uelle already told me about what may happen.

Habang naglalakad kami nakayuko lang ako. Buti nalang wala nang tao sa hallways. Kasama ko ngayon si Flow, Hermione, Freiza at Lucifer.

Sinabit naman ni Hermione ang braso niya sa akin kaya napatingin ako sakanya. Nginitian lang niya ako as if saying that everything will be alright kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Nang makarating kami sa Board Room sa Faculty Building ay nagsipagupuan na kami sa long table.

Nakaupo na doon ang ibang mga masters kasama si Headmistress Georgia. Nakita ko ding nandoon si Kuya Uelle at ang ibang council members. May nakaupo naman sa kabisera na babaeng puting puti ang buhok at may korona pa na suot....

Queen Celestina?

"You are all called here to decide on what will be the disciplinary action to be made for Asteria Mignonette Zagan sa kadahilanang sinuway niya ang utos na mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa Haunted Forest. There will also be a second agenda for the meeting after we have decided on the disciplinary action." Bigkas ni Headmistress Georgia na hindi makatingin sa akin. Alam kong parang naiilang siya.

"Zagan?" Biglang nagsalita ang reyna. Sure akong siya iyon. Hindi rin maikakaila ang pagkakahawig nila ni Flow. Sa buhok at mata.

"Expulsion. When was a Zagan welcome in this Kingdom? That is preposterous!" Hinampas ng isang Master ang lamesa kaya nagulat naman kami. Lumingon siya sa akin at parang sinusuri ako.

"Expulsion will not be a good basis and the Enchanted Council might pin us down since she was also the reason how we caught two trespassing Diablos which...." Hindi na tinuloy ni Headmistress ang sasabihin niya nang magsalita si Master Snape.

"Deserves a reward." Bulong nito na nakangisi. Kitang kita na nagtiim bagang ang matandang gusto ako paalisin.

"Just because she is a Zagan does not also mean that she needs to be expelled. The Enchanted Council will just doubt our Academy for being unfair and biased." Dugtong pa ni Kuya Uelle kaya napailing ang ilang masters. Karamihan ay yung matatanda na. Ano ba meron sa mga Zagan? It was like a poisonous word for them, a forbidden name.

"Who are your parents, Asteria Zagan?" Biglang nagsalita na ang reyna kaya napakunot noo ko. Sasabihin ko ba? Naalala ko ang sinabi ni Kuya Uelle. Napalingon ako sakanya at umiling siya.

Nagbibihis na ako para sa class nang bumukas ang pintuan ko.

"Don't you know how to knock, Kuya?" Pagsusungit ko sakanya pero dumeretso siya sa sofa sa kwarto ko at umupo.

"It is the time when they will ask you about your parents so never ever mention your father's name. Sabihin mo lang ang sinabi ng lola mo. Na kinupkop ka ng Lola mo dahil naaksidente ang parents mo sa isang car crash. Diba iyon naman ang nangyari ayon sa Lola mo?" Sabi niya kaya tumango lang ako.

"Ano ba mangyayari mamaya, Kuya?" Tanong ko. Kahapon kasi sabi nila Illumina at Hermione na forbidden place ang Haunted Forest at usually may sanction o punishment ang nagpupunta doon.

"Well, magkakaroon ng disciplinary meeting kasama ang masters, council, Headmistress pati na si Queen Celestina ay nandoon dahil may nangyaring masama." Sabi niya na parang nagiisip pa ng malalim. Naalala ko na naman si Blaze.

"S-si Blaze? Kamusta?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.

"We're not exactly friends pero lumayo ka na sakanya tingnan mo nangyari sayo nang sumama ka sa kanya." Sabi ni Kuya Uelle at hindi na ako hinintay sumagot pa nang tumayo siya. Kasalanan ko din naman kasi. Hindi naman si Blaze ang nagdala sa akin sa Haunted Forest.

"I'll wait for you outside your door. Bilisan mo na."

"I don't have parents po. Namatay sila sa isang car crash ayon kay Lola." Sagot ko at tumango naman si Kuya Uelle as if saying na that was the right answer.

"And your Lola is Senyora Simone Agnaz, right?" Tanong ng reyna na nakangiti pa sa akin kaya tumango ako.

"Yes po." I answered at nakita kong biglang nagseryoso ang mukha niya.

"Senyora Simone is a single woman for decades. Wala siyang naging asawa o anak so how are you related?" Tanong naman ng isang matandang master. Napakunot naman noo ko. Walang naging asawa at anak si Lola? Eh sabi niya nanay siya ng tatay ko na patay na. What? Baka naman ibang Senyora Simone sinasabi nila?

"Who are you?" Halos pabulong na tanong ng reyna na nanliliit ang mga mata na tila ba'y sinusuri ako.

I don't know who I am now. Hindi ko na talaga alam. Anong sinasabi nilang walang asawa at anak si Lola? I seriously need answers from her.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon