Enchanted 2.11 🧝🏻‍♀️Mysteries of Asteria

131 5 0
                                    

"Asteria...." Lola? Ginala ko ang mga mata ko sa garden namin. Nasaan si lola?

"Lola?" I asked over and over and over again pero no one replied. Inikot ko na ang buong garden at mansion namin pero hindi ko mahanap si lola. Miski ang mga katulong at mga guards namin na lagi akong binabantayan ay hindi ko mahanap.

"Asteria?" Nagulat ako nang bigla akong may maramdaman na hangin sa kaliwang tenga ko kaya agad akong napausog at harap.

There I saw my lola standing in front of me.

"Lola!" Tumakbo ako at niyakap siya pero parang siyang multo na hindi ko mahanap. Tumatagos ang kamay at braso ko sa katawan niya. I could feel nothing but wind. "Lola? Bakit hindi kita mahawakan?"

"I asked of help from a indeception enchanter. Listen, Asteria." Napakunot ang noo ko. What? Hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi ni Lola.

At bakit nga ba ako nasa mansion? Paano ako napadpad dito?

"Paano—Bakit...err...Ano nangyayari lola?" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay.

"Wag. Wag ka muna magduda kung bakit ka nandito sa lugar. Doubts will make you wake up from your deep slumber." What? Wala talaga akong maintindihan. Lalo lang akong naguguluhan pero isa lang pilit na gustong lumabas sa bibig ko. Ang magtanong tungkol sa lahat ng nangyayari simula ng pumasok ako ng Enchanted Academy. Kasagutan!

"Lola, ano muna nangyayari? Ang dami niyong tinago sa akin. Tungkol sa sarili ko. Tungkol sa pamilya ko. God, lola! I'm a freaking princess and one of the highest!" I said at mukhang nagulat si Lola sa sinabi ko.

"One of the highest? Ikaw dapat ang highest of royal blood." Ngumiwi naman ako at umiling.

"May kakambal ako lola. Ali—" Tinapat ni lola kamay niya sa mukha ko at umiling.

"Don't mention names, hija. Baka ma-summon mo siya sa panaginip mo and what? You have a twin?" She asked at bakas ang kalituhan sa mukha niya. So hindi din niya alam?

"Yes, lola. He's in the academy. And the council already reigned us as the lost princess and prince." Napairap naman ako nang isipin ang nangyari sa...elections? Teka! Oo nga pala, kanina lang ay nasa elections ako and then nawalan ako ng malay tapos oh my god....

"Lola, si Kuya Ue—basta yung trainer ko na binigay niyo. Mamamatay siya." Me referring to Kuya Uelle. Halos maiyak na ako sa thought palang na isa sa pinakamalapit saking tao ay mamamatay tao.

"As I heard na nahuli na ang culprit. I assigned him to be your trainer because I know, even if he is a traitorous person, he only seeks for you to be alive. His family's life is on the line, captured by...your father. His life mission was to protect you and bring out the...sword in you. And all I want is for you to survive and to live, apo." Napakunot naman noo ko. Ano sinasabi ni Lola? She knew na masama si Kuya Uelle and yet, she chose him as my trainer. This is seriously messed up.

"Now that the sword in you was released, anytime pwedeng salakayin ng mga Diablos ang Academy para kunin ka. And you will claim the throne of the Diabolo Queen." Napakunot naman noo ko at napangiwi. What? Me?

"Me and my twin?" I asked at napapikit ng mariin si lola.

"Pero you have twin nga pala, hija. Boy or girl?" She asked and I answered 'boy' right away at doon na siya onti onting napangiti.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon