Enchanted 16 🧝🏻‍♀️The Maze

198 10 0
                                        

"Ano kaya pakulo ngayon ni Master Isigani?" Pagtataka ni Illumina. Well, lahat kami kasi nandito kami ngayon sa Open Fields. Napagalaman din na ang iba daw Spell Class ni Master ay nandirito para daw sa Practical Examination namin. Siguro mga 40-50 kami ngayon katumbas kasi nito ang dalawang class.

"Whatever it is, I think it's related to battles." Sabi ni Hermione. We can never go wrong with Hermione's gut feelings kapag about sa Academy.

At biglang humarap na kaming lahat sa stage ng dumating si Master kasama ang benteng protectors. Ano na naman kaya ito?

"Good morning, Enchanters! Para sa exam niyo sa akin...you will be going to the mystical maze!" Sabi ni Master Isigani na parang excited na excited. Mystical Maze? Parang hindi ko pa iyon naririnig o nakikita.

"Pupunta kayo ng Mystical Maze para kunin ang Chalice of Time. Hahatiin ko kayo sa dalawang teams 20 in each team. First team will be led by Prince Flow Zahar Kaia and the other team will be led by Stormius Katastrephein." Tumayo na sa harapan si Flow at Kuya Storm. May nilabas na tablet si Master Isigani.

"For Flow's team. Lucifer Aza, Dark Daenerys, Hermione Dios, Blade Caspian, Rhea Cavere, Katreena Greenfields, Blaze Ravana..." at pinagpatuloy pa ni Master Isigani ang pagtawag ng mga pangalan. Aaminin ko, mukhang nakakatakot ang team nila lalo na't dalawang reaper ang kasama nila na si Blaze at Lucifer pa na kilalang magagaling sa battles but then again...napatingin ako kay Kuya Storm na naka-dark wayfarers pa. Mayabang! Charot! Magaling din naman si Kuya Storm. Sabi nga nila'y isa siya sa pinakamagaling at kung usapang enchant to enchant battle ay wala pang tumatalo kay Kuya Storm.

At nang matapos ang listahan sa team ni Flow ay hindi natawag pangalan ko kaya alam kong mapupunta ako sa team ni Kuya Storm. Maraming nagbulungan na mukhang natatakot na sa team nila Flow.

"For Stormius' team, Illumina Daenerys, Freiza Polaris, Asteria Zagan..." Tiningnan ko ang team ko. Tanging si Kuya Storm at Illumina lang kilala ko. Si Freiza naman kilala ko pero lagi lang ako niyan tinatarayan.

"The main goal to determine who the winner is by getting the Chalice of Time first. Tandaan niyo kapag may umupak na sa kung nasaan nakatago ito, magbubukas ang mga televisions sa buong maze para makita ng lahat kung sino ang nagwagi. Okay! Time for the rules...1, you can use your enchant to battle one another." Agad nagpalakpakan at naghiyawan ng iannounce iyon na parang excited na ang lahat. May ilan din namang mukhang natatakot.

Habang nagsasalita si Master Isigani ay nilapitan na kami ng mga protectors at binigyan ng mga Laser Guns. Napansin ko na red tag ang sa amin at blue tag ang sa team ni Flow. Naghahalo ang kaba at excitement sa dibdib ko ngayon. Tinuruan kasi ako ni Kuya Uelle dati sa mga tungkol sa maze. Hindi ko alam na magagamit ko pala talaga siya.

"2, no killings. Once na matamaan niyo na siya ng laser, stop battling. Protectors will be around to watch you guys over pero rule number 3, don't talk to the protectors. Last but definitely not the least, nobody must go out the Mystical Maze. Breaking these 4 rules will result into a disciplinary action or worse. Goodluck and you have 10 minutes before you go to the maze. Remember, that this will serve as your practical exam." Agad naman kaming nagkumpulan at mukhang determinado si Kuya Storm.

"There are usually two hiding points. Sa Fountain of the Joan of Arc or sa Hidden Ruby Garden." Sabi niya at narinig naman naming ngumisi si Freiza.

"How would you be sure?" Tanong ni Freiza.

"Because I have done this a couple of times. Baka nakakalimutan niyo na repeater ako but don't get too confident. Hindi lang team ni Flow kalaban natin dito." Pinutol naman agad ni Illumina ang sasabihin niya.

"What do you mean?!" Nanlalaki ang mga mata ni Illumina at kumapit pa siya sa akin.

"Pwede ba patapusin niyo ko! Aish! May mga deadly plants sa paligid or poisonous ones. May luring plants din na pipilitin kayo lumabas ng Maze. Tandaan niyo kapag may bumulong sa inyo na "dito ang daan" It's a luring plant so do not follow at all costs. You can only trust one another. Let's do this by two's para madali nating mahanap kung saang hiding point. Nagiiba kasi ang maze so miski ako hindi ko alam. Find that fountain or the garden. Remember, stick to your partner at all times! Etiendes?" Nagtanguan naman kami at may ilan na parang kinakabahan na at natatakot. Aaminin ko, isa ako doon sa kinakabahan at natatakot!

"Asteria, you're with me. Polaris and Daenerys." At ayun nagsimula na ang endless protest ng dalawang si Freiza at Illumina dahil ayaw nila maging partner ang isa't isa syempre.

"Learn to talk using your minds. Nasakanila ang enchanter of the unheard." Sabi ni Storm at napatingin kami kay Rhea. Nagkukumpulan din ang team ni Flow. And I must say, lahat sila mukhang malalakas at magagaling.

"Storm's team follow me." Bigkas ng isang protector na may bitbit na red flag. Tama nga ako! Huminga ako ng malalim ng mga ilang beses. Kinakabahan na nga ako pero excited din ako. MALABO DIN AKO! Pagbigyan niyo na.

May pinasukan kami na parang isang tunnel na may nagbabantay na dalawang protector. Pansin ko naman na may nakapalibot sa amin na mga sampung protectors. Siguro nga'y delikado dito sa Maze at bantay na bantay sila. Although, parang prepared na prepared si Master Isigani dito.

Nakakakilabot ang dinadaanan naming tunnel dahil puro cement walls na pabilog at floating candles lang ang nasa paligid para kaming papasok sa isang horror house. Naramdaman kong may kumapit sa braso ko at si Illumina lang pala. Nagulat pa ako.

"Ginulat mo ko!" Pinalo ko si Illumina ng mahina at tumawa lang siya pero natigil kami nang magsalita si Kuya Storm.

"Sa kabilang side ang team nila Flow so we have time to warm up bago magmeet ang teams. Malaki ang maze pero malaki posibilidad na magkita tayo." Sabi niya kaya tumango lang kaming lahat. Lumalabas ang pagkakuya at leadership niya ngayon ah. Tinanggal niya ang shades niya at hinagis lang sa kung saan bago kami makalabas ng tunnel. Lagi namang nakashades si Kuya Storm at hindi din naman siya sinisita ng mga Masters.

Namangha kaming lahat sa ganda ng maze. At least ngayon, hindi lang ako ang hindi pamilyar sa lugar dito. Lahat sila ginagala ang mga mata sa paligid.

May matataas na berdeng bush walls na pilapalibutan ng mga makukulay na mga bulaklak. Maririnig mo din ang mga pagkanta ng mga ibon sa paligid. At may mga paru-paro din na nagliliparan sa ere.

Humarap sa amin si Kuya Storm at parang may nakakalokong ngiti. This doesn't look good.

"To add more thrill. Walang titili ha! I repeat walang titili so cover your mouths ladies!" Sigaw sa amin ni Kuya Storm kaya tinakpan nalang namin bibig namin.

"Ano na naman pakulo ni Kuya Storm?" Bulong ni Illumina pero nagkibit balikat lang ako.

"LIGHTNING AND THUNDER!" Sigaw ni Kuya Storm at tinaas ang kamay niya sa ere. Nagulat kaming lahat nang kumulog at kidlat ng malakas. Sinabayan pa ng malakas na ulan.

"WAAAAAHH!!!" Bigla kaming may narinig na tilian sa isang banda ng maze.

"And we found the enemies." Sabi ni Kuya Storm na nakangisi pa.

"Daebak!"

"Kuya Storm!"

"Ang galing."

"Naisipan mo pa yun?"

Sabay sabay naming mga bigkas dahil sa pagkamangha sa ginaw niya. Ang galing ni Kuya Storm pero sana hindi nalang umulan kasi basang basa na agad kami at naging maputik ang lupa.

Ano kaya mangyayari sa practical exam namin na ito? Naghahalo pa din ang kaba at excitement sa akin.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon