Enchanted 2.18 🧝🏻‍♀️ Problem with Authority

99 6 0
                                    

"I can't believe na I'm stuck with the leader of the devil group for five days." I said, loudly and clearly, making sure that every word is crystal clear to Draco who's now scanning the list of the things that are assigned to us.

"The Enchanted Council always does crazy things if they have a bigger agenda." Napakunot ako sa sinabi ni Draco. What does he mean by that? Nandito kami ngayon sa supermarket because we were in charge of meal duties. Ang iba ay sa hardwares, paint shops, junk shops, furniture shops at mayroon pa sa mga pharmaceuticals for the medicines.

Tapos kami, food duties which is completely and utterly boring kung ganito ka walang kwenta kasama mo. Ako lang nagtitingin sa listahan at nagtutulak. Para siyang dagdag lang sa space at hangin sa paligid na walang kwentang bagay.

"And what agenda would—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nawala sa tabi ko si Draco. Napakamot nalang ako ng ulo ko out of frustration. "Ugh! This is going to be hard!"

Inikot ko na ang halos buong supermarket pero hindi ko na siya bigla mahanap pa. Where is that guy? And then a crazy thought invaded my mind.

I closed my eyes and tried to focus on my surroundings. Cinclear ko ang mind ko para mabasa ang mga nasa isipan ng mga tao. Suddenly, my mind was invaded with all sorts of thoughts of other people around the supermarket like cravings,

cooking,

ingredients,

meals,

food,

meat,

vegetables,

chips,

gwapong lalaki—

"Ano raw?!" Napangiwi ako nang biglang may pumasok sa isip ko na image ni Draco na nakaupo sa isang stool sa may side ng supermarket na may mga binebentang meals to eat.

"Ang gwapo naman niya!" Rinig kong sabi ng isang babae. Ew!

Binuksan ko ang mga mata ko at nagmartsa papunta sa kung saan ko nakita si Draco and then bingo! Prenteng prente siyang nakaupo sa isang high chair habang kumakain ng ice cream.

"Are you insane? Where's our cart? Ang mga pagkain?" Tuloy tuloy kong tanong sa kanya at nagkibit balikat lang ito habang tutok na tutok sa ice cream niya. Wala pa kami sa kalahati ng sandamakmak na kailangan bilhin at winala pa niya ang cart namin. This guy is unbelievable.

"I don't know." He said, calmly. I swear to God, I wanted to pull every hair that he has out with my bare fingers. Sobrang nakakainis, nakakafrustrate, nakakairita. Bakit ba ako napartner sa gagong to?

"Who's the red head girl." Bulong ng isang babae pero nababasa ko ang thoughts nila kaya naririnig ko ito.

"May girlfriend na pala sayang." Napatingin ako sa mga babaeng naguusap sa gilid namin at tinitigan ko siya ng masama na halatang kinagulat niya. Dalawa silang babae na naroon na nakatingin lang sa amin pero napatakip sa bibig ang isa nang tingnan ko sila ng masama.

"Leave this supermarket now." Hasik ko at bigla silang kumaripas ng takbo palayo.

"Are you a compulsionist also?" Napatingin ako kay Draco at napairap.

"No. So where's the cart?" I asked again and he pointed to a guy na tumatakbo habang may dala dalang push cart na punong puno nang kung anu ano.

"Compelled him to look for everything in the list within 5 minutes or else babalian ko siya ng buto if he's slow." Napapikit ako ng mariin at iningat ang kamay ko na tinapat sa leeg niya without touching him talaga. Gusto ko siyang sakalin, right now.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon