Great Princess Asteria Mignonette Zagan.
Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari sa Mystical Maze. Pagkatapos ng nangyaring labanan ay dumeretso na ako sa kwarto ko para maligo dahil puro putik at basang basa na ako from head to toe.
Pero gusto ko lang din talaga makatakas kay Blaze. What just happened?
Nagbihis lang ako ng isang sleeveless top at maluwag na jogging pants na gamit ko kadalasan na pantulog.
"RIRI, WHAT DID I JUST HEAR?" Malakas na bumukas ang pintuan at niluwa si Kuya Uelle kasama si Kuya Storm. Napakagat ako ng labi nang marealize ko kung tungkol saan ito.
"Sorry, Riri. I just couldn't resist telling Ellai." Sabi ni Storm at prenteng prenteng umupo sa sofa ko. Inirapan ko lang siya at sinenyasan na susuntukin ko siya na kinatawa naman niya.
"Don't you know how to knock, Kuyas?" Pagsusungit ko sakanila pero tinuro lang ni Kuya Storm si Kuya Uelle na bakas ang pagkairita.
"So ano nga? That Blaze Ravana likes you, Riri? He screams trouble." Sabi ni Kuya Uelle na naghyhysterical na ngayon kaya nilapitan ko siya para alugin ang katawan niya. Naka doctor's gown pa siya. Mukhang binulabog ni Kuya Storm sa Academy Hospital.
"Malay ko, Kuya. Wala naman siyang sinabi. Jusko! Masyado kang nagpapaniwala sa mga chismis." Sabi ko at tinanggal niya ang kamay kong umaalog sa kanya.
"He's trouble. The whole campus knows that he's trouble. Hay nako, Riri!" Napahilamos ng mukha si Kuya Uelle kaya natawa naman kami.
"OA mo pre." Sabi ni Kuya Storm kaya tinadyakan ni Kuya Uelle ang binti nito.
"Ano ka ba, Kuya! It's not like I told him to like me. Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba?" Sabi ko na natatawa pa. Oo, bukod kay Lola at Stacey, may iniwan pa ako sa Maynila. Ang childhood friend ko na crush ko. Landi din diba? Syempre hindi yun mawawala.
"Alam ko. At ngayon na ang panahon para dalhin ko dito si Alonso." Sabi ni Kuya Uelle kaya natawa naman kami ni Kuya Storm. Dalhin dito sa Enchanted World.
"Nagpapatawa ka ba, Ellai? Pano mo dadalhin dito si Alonso eh for Enchanters lang ang lugar na ito." Sabi ni Kuya Storm in between laughters.
"Akala niyo ba Normie siya?" Tumango naman agad kami ni Kuya Storm sa tanong ni Kuya Uelle. Wait, don't tell me Enchanter si Alonso? Na kilala ko na mula pagkabata pa? Isa kasi siya sa mga kapitbahay ko sa Village na naging malapit kong kaibigan. Pero wait lang!
"Teka! Paano mo nakilala si Alonso, Kuya Storm?!" Sigaw ko kay Kuya Storm. Napansin ko din na napatingin kay Kuya Storm si Kuya Uelle.
"Ah-eh nakwento lang ni Ellai. Tama oo nakwento niya." Tiningnan ko naman ng masama si Kuya Uelle. Chismosa din pala itong si Kuya Uelle.
"Aasikasuhin ko na papeles ni Alonso para malipat na siya dito. Para naman may bantay ka na kabatch mo. Ito kasing si Stormius walang kwentang bantay." Sabi ni Kuya Uelle so totoo nga? Hinawakan ko kamay niya para pigilan siya sa pagalis.
"Enchanter si Alonso?!" Tanong ko at tumango lamang si Kuya Uelle bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Si Alonso na simula bata pa ako'y kilala ko na eh isang Enchanter din?
"Tara na, Riri. Gutom na ako." At tinulak na ako ni Kuya Storm palabas ng kwarto ko.
Pagsakay namin ng elevator ay sasarado na sana ang pintuan nito nang biglang bumukas ulit ito.
Nanlaki mga mata ko nang pumasok si Blaze at Lucifer.
Parang ang init naman bigla sa elevator. Lagi nalang bang sira ang aircon nito?
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...