"Ang nakaflash na hologram ngayon ay ang Coastal Park kung saan gaganapin ang feeding program ni Great Master." Namangha pa ako sa galing ng technology nila. Nandito kami ngayon sa isang van papunta sa Manila kung saan may malaking lamesa sa gitna at pabilog ang upuan. Pero hindi lang ito normal na lamesa. May biglang lumitaw sa ibabaw nito na hologram ng buong Coastal Park kung saan parang 4D mong makikita ang buong lugar.
Nagassign lang ng postings kada sulok si Master Nodame pero hindi niya nabanggit ang pangalan ko. Nakasuot kaming lahat ngayon ng all-black suit para magblend in daw kami sa security team. May suot din kaming lahat na earpiece.
"Tandaan niyo, dalawang tao ang babantayan niyo. Si Great Master Levitius at si Stacey Reamillo. Makikita niyo rin sa paligid si Reamillo dahil siya ang event organizer. And you, Asteria, will stay here inside this van. Gagamitin natin ang mind reading enchant mo para malaman kung nasaan ang mga attackers. Naintindihan niyo ba, Enchanters?" Lahat kami ay tumango. Napako ang mga mata ko sa mapa na nasa harapan namin ngayon.
Bakit pati si Stacey nadamay pa? Sabi naman nila Headmistress pwede daw kasi na close family friend ang mga Reamillo at siya din ang Event Organizer.
"Asteria, ito ang cerebral. Suotin mo yan para macontrol mo ang mind reading." Tiningnan ko ang inaabot ni Master Nodame na parang silver helmet na may mga wires.
"It doesn't just control the thoughts of others pero magkakaroon ka din ng somewhat visual representations, I believe, since you are no ordinary mind reader." Sabi niya at sinuot na niya agad sa akin ang helmet.
"Remember, Asteria. Find words related to killing, kidnapping, assassination or whatever."
"Yes po." Sagot ko at nginitian niya ako.
"I'll turn it on now." Pagkasabing pagkasabi noon ni Master ay bigla akong napapikit nang maghalo halo ang mga boses sa isip ko. Para siyang isang malaking tsunami of thoughts na sabay sabay na nagcrash sa utak ko. Nilulunod ako ng mga thoughts, words and pictures na naghahalo halo.
"Wow." Sobrang naamaze ako nang hindi lang boses naririnig ko kundi nakikita ko din ang mga itsura ng kausap ng mga tao o ang mga nakikita nila.
May mga nakita ako na nasa park, sa condominiums sa tapat ng park, sa mall at kung saang saang lugar na nasa paligid lang. These are the thoughts of people. This is what I can do. And I love this!
"Dark! Doon ka nga. Huwag ka masyadong malapit para mas malawak makita natin." Sabi ni Illumina na hinampas pa si Dark.
"Aish! Dapat magkasama tayo in case of emergency." At nagsimula na ang endless arguments ng kambal. Napairap nalang ako, internally.
Biglang napadpad naman vision ko kung nasaan si Flow kasama pala niya si Katreena at Blaze.
Natatanaw ko ang buong park. Oo nga pala, sa stage sila naassign.
"Hay ang sarap talaga sa feeling makita ang mga masasayang mukha ng mga tao." Nagulat ako sa nababasa kong isipan ngayon. Si Stacey.
Focus, Asteria. Kailangan ko hanapin kung nasaan ang attacker.
"Asteria..." Napatayo ako nang may marinig akong pamilyar na boses pero mas kinagulat ko nang lumabas ang imahe ng van kung nasaan kami nakapark. Napadilat ako at tiningnan kung saan nanggagaling ang anggulo na iyon.
"What did you hear, Asteria?" Gulat na tanong ni Master Nodame. That's weird. Nakita ko na sa isang madilim na eskinita iyon na napapagitnaan ng dalawang mataas na condominium.
"Magiingat ka at baka makuha ka nila." Nanlaki lalo mga mata ko. Hindi ko nababasa isip niya kundi kinakausap niya ko gamit ang mga isipan namin. Sino yun? Bakit parang pamilyar boses niya?
BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasyAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...