Chapter 3

2.3K 87 18
                                        

Shaiane pov..

               "Sandali lang!!" Turan ko sa kong sino mang marahang kumakatok sa pintuan nang aking kuwarto. Abala kasi ako sa pag iimpake nang mga gamit na dadalhin ko para sa limang araw na pag sama ko kay Jhake sa Bontoc ba yun! Tatlong araw na lang ay leave na nito pero, ang totoo nyan, hindi ko pa pinapaalam sa kanya ang plano kong ito at sigurado ako masusurpresa sya sa oras na malaman nya. Sinara ko muna ang aking  maleta at pasimple kong inusog sa gilid nang kama.








            Wala sa loob kong tumungo sa may pintuan, pagka tapos ay bahagya ko lang itong binuksan. Kahit sa mga kasamahan ko kasi sa bahay ay wala pa akong pinagsabihan tungkol dito--
"Oh- Essang!?" Nagtataka kong wika sa nabungaran kong naka tayo dito sa may pintuan. Isa sya sa mga kasama ko dito sa bahay. Expect ko kasi si Yaya Dolores, sya naman yung laging nag che-check sa akin.







            "Shaiane.. Ahm- Nasa ibaba ang Mama mo at---"







              "Si Mama?" Pag uulit ko.. Ni hindi ko na sya pin tapos sa kanyang sinasabi.Bigla kasi akong nakaramdam nang tuwa na at pagtataka sa tagal kasi nang panahon, ngayon lang uli ako naisipang dalawin nang aking Mama.








               "O-oo, pero hindi sya nag iisa Shaiane.. kasama nya ang Tita mo!" Seryoso nitong sabi.. Si Tita Ingrid? Lalo tuloy akong nagtaka. Na kina kunot nang aking noo. Wala naman akong ibang kilalang Tita kundi ang kapatid lang ni Daddy, nakaka tandang kapatid nya nito. At hanggang ngayon wala pang asawa. Ewan ko ba kong may balak pa itong lumagay sa tahimik. Si Mama kasi solong anak lang naman sya at tubong bicol at doon ang negosyo, kasama naman nang akinh lolo. Ganito ka watak watak ang pamilya ko... Hindi talaga mawala wala yung pag tataka ko, kong bakit sila biglaang napa sugod dito.  Ever since hindi naman magka sundo ang dalawang iyon.








            "Okay, sige bababa na ako.." Yun lang ang naging tugon ko kay Essang. Na agad naman nitong kina tango sabay tumalikod na ito tsaka humakbang palayo.. Naka isip na napa sunod na din lang ako kaagad pagka sara ko nang pintuan nang aking kuwarto. Na curious kasi ako bigla, kong anong importanteng pakay nung dalawa.







               Nasa hagdanan na ako papa naog nang naririnig kong nag uusap yung dalawa.. hindi lang masyadong klaro pero alam kong nagtatalo sila at narinig ko pang binanggit ni Tita Ingrid ang pangalan ko.  "Ten years na ang naka lipas Susanne ano pa bang kinaka bahala mo." Turan ni Tita. About sa naging karamdaman ko na naman ba ang issue dito!!  Kelan ba yun matatapos.. napa buga nalang ako nang hangin.








             "Ahm- Mama? Tita Ingrid!?" Kunway, nasasabik kong bati na may halong pagtataka, nang tuluyan na akong maka baba nang hagdanan. Naunang tumayo si Tita Ingrid mula sa pagkaka upo sa mahabang couch at bakas ang tuwa sa kanya nang makita nito ako. Samantalang nang pasimple akong nagbaling kay Mama ay pormal lang ang awra nitong matamang naka titig sa akin.







             Niyakap nito ako nang mahigpit, pero saglit lang iyon tsaka ako bumaling kay Mama.  Ako naman ang syang yumakap kaya lang hindi man lang nito ako ginantihan..
"Ahm- napa dalaw ho kayo?" Magiliw kong tanong habang naka titig ako sa aking Mama. Nang bumalik na sila sa pagkaka upo. Naupo din ako sa bakanteng upuan. Bigla namang sumulpot si Yaya Dolores kasama ang isang kasambahay at nag hain sila nang meryenda sa center table.







           "Hindi din lang kami magtatagal nang Tita mo.." Seryosong wika ni Mama. Habang si Tita Ingrid ay napapa hugot nang malalim na paghinga. "Ito kasing Tita mo--"







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon