Chapter 4

2K 75 1
                                    

Kathleen pov..

                 Marahan kung itinulak ang pintuan dito sa may kusina nang bahay namin para maka iwas at hindi maka gawa nang anumang ingay. Hating gabi na kasi ako naka uwi at ayoko nang maistorbo ang mahimbing na tulog nang aking Mama. Talagang sadya kong dito  sa may kusina dumaan dahil gutom na gutom na ako, hindi pa ako kumakain nang dinner. Maliwanag naman dito dahil hindi talaga kami nagpapatay nang ilaw sa kitchen..







              Nagka aberya kasi yung isang makinarya sa palayan  kaya pinag puyatan naming kumpunihin nang mga tao sa farm, para may magamit bukas.







          Hindi pwedeng ipagpaliban yun, tyak malilintikan ako ni Mama.  Dahan dahan ko nang muling sinara ang pinto nang tuluyan na akong maka pasok dito sa loob-- "Meow, Meow.."







             "Anak nang--- ssshhh kitty huwag kang maingay!!" Saway ko sa alaga kong pusa na bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Matanda na si kitty at may kalakihang pusa, pero ni minsan hindi pa sya nabubuntis. Napa ngiwi tuloy ako sabay pilig ko sa aking ulo. Buti naman at tumahimik na ito, kaya naman naghalungkat na ako nang makakain sa mga naka takip nang plato dito sa ibabaw nang lamesa.







           Naka sunod naman sa akin si kitty at panay hagod nang katawan nito sa suot kong sapatos hanggang sa binti ko.. "Kumain kana ba kitty hmnn?" Kunway tanong ko na kinaka usap  na parang tao. Sabagay, itong si kitty nakaka intindi kasi nang salita.. Abala naman ako sa paglalagay  nang ulam at kanin sa favorite kong plato. Napa ngiwi nalang ako nang tumunog ang aking sikmura dahil sa sobrang gutom.







             Umayos na ako nang upo sa mahabang lamesa.. Akmang susubo na sana ako--





             "Anak! Ginabi ka na naman.." Biglang sulpot ni Mama na napa hugot pa nang malalim na paghinga. Hindi ko man lang naramdaman na bumaba sya nang hagdanan. Pinagmamasdan ko lang ito nang marahan itong humakbang patungo sa kinaroroonan ko habang yakap yakap ang sarili,na parang ginaw na ginaw samantalang balot na balot naman ang kanyang katawan. Naka suot pa nang makapal na bonet.. Sabagay malamig talaga dito sa lugar namin.  Pinag patuloy ko namang kumain dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom.






            "Nag enjoy lang po ako sa farm mag stay Ma.. kakuwentuhan yung mga kaibigan ko, hindi ko namalayan yung oras.." Simulat sapol doon na sa farm naka tuon ang oras at atensyon ko. Wala din naman ibang mag aasikaso nang mga yun kundi ako lang..  hindi ko nalang binanggit sa kanya na may aberya kanina.. "Bakit hindi pa po kayo natutulog?" Tanong ko pa nang marahan itong naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.

         





           " Eih, hirap akong dalawin nang antok...Excited lang ako Anak kasi uuwi dito ang kapatid mo!" Wika nito na kina hinto ko sa pagnguya at pag subo sa pagka bigla ko sa sinabi nya.. Kapatid-- si Jhake? Himala, pagka tapos nang matagal na panahon ngayon lang nya naisipan na kami ay puntahan si Mama. Alam ko namang kinalimutan na kami nang tuluyan, sila nang aming Ama. Dahil walong taong gulang palang ako noong umalis si Papa tangay si Jhake at tumatak iyon sa isipan ko hanggang ngayon. Hindi naman sa nagtanim ako nang galit kay Papa kaya lang ilang taon na eh. Nasanay na akong si Mama nalang ang magulang ko na ako yung kasama nya. Masaya naman kami na kaming dalawa lang--







             "Sa makalawa na ang kaarawan ko diba at señor citizen na ako. Gusto ko lang na bago man lang ako mawala sa mundong ito ay makita ko naman ang kapatid mo--"








"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon