Chapter 32

1.6K 95 19
                                    

Shaiane pov..

            Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto, magpapanic na sana ako nang biglang naalala. Nasa lugar pala ako kung saan nagsimulang malito ang aking puso. Sa lugar kung saan nalaman kong may katotohanan pala ang mga nasa panaginip ko. Nakilala ang mga taong kilalang kilala nang aking puso, kahit walang bakas para sila ay aking matandaan. Lalong lalo na si Kathleen..







            Napahugot ako nang hininga, maya maya ay kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit, ganun ko nalang kabilis na minahal. Dahil noon pa man iniibig ko na syang tunay.







              Kumilos ako sa higaan at marahang hinila ang gamit nitong unan na nasa aking tabi. Tsaka ko niyapos iyon nang sobrang higpit. Kusang napapikit nang masamyo ko doon ang gamit na pabango ni Kathleen at lalo ko lang kina-ngiti. Dahil, halos magdamag nito akong yakap yakap- na para bang sinasabing wala akong dapat ipangamba. Magiging panatag ang loob ko sa piling nito.







             Sobrang sarap sa pakiramdam nang matulog at gumising sa umaga. Dahil alam mong may isang taong po-protektahan ka sa lahat nang oras. Yung mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin ay unti unting nabibigyan nang kasagutan. Kahit pa, wala pa akong naalala sa aking nakaraan- pero para sa akin hindi na yun mahalaga. Dahil ang importante, nakalaya na ako sa parang isang hawla. Kung saan ako ikinulong nang matagal na panahon nang sarili kong Ina.






             Unti-unting naglaho ang mga ngiting yun nang sumagi sa isipan ko si Mommy. Yung mga kaganapan sa araw sana nang kasal namin ni Jhake. Mga nangyaring eskandalo, mga rebelasyon at pag-aming hinding hindi ko inaasahang- makakaya gawin lahat nang iyon nang sarili kong magulang.. Kaya tama lang din ang desisyon kong si Kathleen ang aking pinili at tuluyang sumama sa kanya--.







            Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang pag-ingit nang pintuan. Agad na napabaling doon at kita kong bumukas ang pintuan at--. ''Hi- goodmorning!" Masiglang bati nang babaeng kailan man hindi ako sinukuan. Awtomatikong bumilis ang tibok nang aking puso.







             Kahit pa napaka-imposbleng magkikita pa kaming muli, hindi sya kailanman nawalan nang pag-asa. Naniniwala na ako sa kasabihang- tadhana ang siyang gagawa nang paraan. ''Goodmorning too.." Ganting bati ko dito. Pagkatapos, marahang kumilos upang tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga.







             May dala dala siyang isang tray na may lamang pagkain. Tapos, dalawang tasa nang mainit na inumin dahil umuusok-usok pa iyon. Pagkatapos, muling napatingin as may pinto nang mapansin ko yung dalagitang kasa-kasama nila dito sa bahay. Nakatayo sa may gilid at bahagyang napangiti nang mapansing sa kanya ako nakatingin.. Napatango pa sya bago sinarang muli ang pintuan nang kuwarto.







             "Dinalhan na kita nang breakfast at tamang tama dahil mukhang kagigising mo lang." Wika nito. Habang maingat na ipinatong ang naturang tray sa ibabaw nang lamesitang nasa gilid nang kama. Ang dami naman niyan- o baka breakfast naming dalawa. Muli ay nakaramdaman nang kagalakan ang aking puso.







               "Hot choco para sa isang napakagandang dilag.." Abot nito sa akin sa isang mug. Sus! Nambola. Napakagat tuloy ako nang pang-ibabang labi upang pigilan ang aking pagngiti. ''Paborito mo yan diba!" Dugtong pa niyang turan. Tama sya, favorite ko nga ito mas gusto ko pa kesa sa gatas. Pero teka- papaano kaya nito nalaman.







               Oo nga pala, si Cindy nga pala ako. Nangingiti nalang ulit ako sa sarili ko. Kahit marami akong bagay na nakalimutan sa nakaraan, pagdating sa pagkaing gustong gusto ko at maging sa inumin. Ewan ko ba, pero mukhang umiiral yung instinct na tinatawag. ''Salamat.." Sincere ko namang turan. Tsaka, maagap ko itong kinuha mula sa kanya. Sumimsim nang kaunti, bago nilapag muli sa may table.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon