Chapter 24

1.6K 75 4
                                        

Shaiane pov..


                   "Okay na si Tita, kailangan na lang niyang magpahinga.." May sumagot mula sa aking likuran. Sabay naramdaman ang brasong umakbay sa aking balikat. Boses palang kilala ko na, walang iba kundi ang aking boyfriend na si Jhake- nakababatang kapatid nang babaeng nasa harapan namin nang sandaling iyon.







               Ginugulo ang buhay ko o namin-- napa hugot ako nang malalim na paghinga. Pati puso at isip ko ginugulo na din nito simula nang nakilala ko sya..







               "Mabuti kong ganun!" Napa buga nang hangin niyang tugon.  "Sapat na sa akin na malaman kong okay na sya.." Dagdag pa niya. Halos  hindi ito maka tingin sa amin  ni Jhake nang diretso. Hanggang sa tuluyan na syang tumalikod at nagsimulang humakbang papalayo.  Nakaramdam naman ako nang pagkirot sa aking puso nang hindi ko magpaliwanag. Kathleen..  Hugot ko nang malalim na paghinga.






              Gusto ko syang habulin, pigilan-- kaya lang- para saan? Tanong ko bigla  sa aking sarili. Bakit ko naman iyon gagawin- samantalang pinagtatabuyan ko na nga sya.. ''Babe okay ka lang ba?'' Puna ni Jhake nang sunod sunod akong napa hinga nang malalim.






             Okay ka nga lang ba Shaiane? Pati ako, napa tanong sa aking sarili. I don't know- Hindi ko maintindihan kong ano ba ang nangyayari,sobrang gulo na nang utak ko. Napa hilot tuloy ako nang sentido. Paano naging Ina ni C-cindy ang aking Mommy? Hindi pala-- ang dapat na unang tanong doon papaano nakilala ni Kathleen si Mommy..







               Malamang dahil kay Cindy! Kasi nga-- ang Mommy mo at Mommy ni Cindy ay iisa. Argh!! Para tuloy akong tangang nakikipag talo sa sarili ko.  Bakit hindi ang Mommy mo ang tanungin mo?    Turan pa  nang utak ko. Oo nga no! Si Mommy lang ang makakasagot nang lahat nang ito--






               "Pinapasabi pala ni Tita, puntahan nalang natin si Tita Ingrid at sya na daw ang bahala sa kanyang sarili." Biglang nagsalitang muli si Jhake na kina baling ko sa kanya. Si Mommy mas inaalala pa talaga  ang tungkol doon. Samantalang yung kalagayan nya-- yung  kami na labis ang pag-aalala sa nangyari..






              May pakiramdam talaga akong- may tinatagong  sekreto sa akin ang aking Ina, lalo at unti unti kong napagtatali ang mga pangyayari.. ''Gising ba sya- ano ba sabi nang doctor?" Pasimple kong tanong.  Sinabihan kasi kami nang doctor kanina na lumabas sandali nang kuwarto. Hindi naman ako mapakali, kaya nauna ako lumabas, balak ko sanang tumungo  muna nang garden nang hospital para magpahangin.  Pero nakita ko si Kathleen na nakikipag talo sa guwardya.






                Sinabihan ko kasi yung guard  na huwag itong papapasukin kahit magpumilit pa siya.  In case lang na susunod ito at hindi nga ako nagkamali dahil sumunod nga ito dito. "Babe, sabi ni Tita okay na sya.." Tugon naman nito. "Sabi din nang doctor stressed lang kaya huwag ka nang mag-alala sa kanya!" Turan pa.   Tsaka marahang hinagod hagod ang aking likod.






              Hindi na ako kumibo dahil madami at kong ano ano nang tumatakbo sa isip ko. "So, puntahan na natin si Tita mo Ingrid para makabalik din tayo kaagad dito" Muling turan ni na mabilis kong kina baling sa kanya.






              "Pwede ba Jhake! Tigilan mo muna ako sa kakakulit mo sa bagay na yan!" Hindi ako nakapag pigil nang bigla nalang nag init ang ulo ko. Hindi ko nga iniintindi ang bagay na yun! Napagtaasan ko tuloy sya nang boses sa kauna-unahang pagkakataon. Sumasakit na kasi yung ulo ko sa dami nang iniisip. Napa awang naman ang labi nito at nagtatakang napa titig sa aking mukha.





"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon