Chapter 7

1.7K 84 8
                                    

Shaiane pov..

                   "H-huwag mo akong hawakan..." Napa singhap at sabay bawi nang kamay ko sa pagka gulat nang marahan akong itulak ni Kathleen.. Nang akmang hahawakan ko na sana ang suot nitong kwentas.. "Ahm- mabuti pa u-umakyat kana sa taas at magpahinga..." Parang natataranta nyang turan, sabay iwas nito sa akin nang tingin. Pagka tapos ay nagmamadaling dumistansya sa akin, pinagmamasdan ko syang humakbang patungo sa may sala at pabagsak na naupo sya sa may sofa.








                Kita ko ding napa hilot sya sa kanyang sentido, na kina ngiwi ko. Dahil pakiramdam ko nagkaroon ako nang malaking kasalanan sa kanya, na hindi ko maunawaan kong bakit! Sa simpleng pag hawak ko lang sana--- necklace lang naman yun-- "Shaiane please... Iwan mo na ako dito!" Pagtataboy pa nya sa akin. Ano bang problema? Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero nasaktan ako sa pagtataboy nito. Bakit ba nya ako biglang pinagtatabuyan, magkakape pa nga kami..






                 Hindi nalang sana ako kikibo at aalis nalang. Kaya parang ang bigat sa loob ko kong gagawin ko ang bagay na iyon. Napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga bago nagsalita. "I'm sorry, nagagandahan kasi- ako sa necklace mo." Sabay talikod ko na sa kanya, nagpasya akong tumungo nang kusina para gumawa nang kape sa aming dalawa. Lalo lang kasi akong hindi makaka tulog kong may isang taong may pagdaramdam sa akin. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko, kanina lang kami nagkakilala pero, pakiramdam ko kilalang kilala--- Mabilis ko namang pinilig ang aking ulo nang nakaramdam ako nang pag kirot sa aking sentido.







            Biglang nagbalik sa alala ko yung diskusyon namin ni Mama, kung papaano sya napapayag na sumama ako kay Jhake patungo dito.







             "Hindi!! Hindi ako makaka payag na pumunta ka sa lugar na iyon.." May diin paring kontra ni Mama sa gusto kong pagsama sa lugar nang Mama ni Jhake. Hindi ko parin talaga maintindihan kong bakit- kung anong dahilan.. Ni pagtungo ko sa Maynila para tulungan si Tita Ingrid na mag asikaso sa naiwang negosyo ni Dad kontra parin sya. Anong gusto nya, buburuhin nalang nya ako sa lugar na ito!







              "Gusto ko lang naman pong makilala ang mga magulang ni Jhake.." May pagmamaka awa ang himig kong turan. Kahit nga yung pagtungo namin noon sa Bulacan, lingid yun sa kaalaman ni Mama dahil alam kong kokontra na naman sya..







          "Yun naman pala Susanne, ang gusto lang namang mangyari nitong bata, makilala ang pamilya nang nobyo nya.." Alam kong sa akin parin sang ayon si Tita Ingrid. "Gusto mo nang mag asawa ang anak mo, pero sa inaasta mo naman ngayon parang--"







             "Okay fine!" Biglang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi nang Mama ko. Talaga! Ibig sabihin payag na sya-- "Gusto kong kausapin si Jhake tungkol sa bagay na ito." Nang nagbaling ako kay Tita ay pasimple pa itong napa kindat sa akin na kina ngiti ko naman biglang ganti..







              Ang bango naman.. turan ko sa sarili ko nang maamoy ko ang kapeng ginagawa ko. Na nagpa balik sa aking ulirat, sinabayan ko pa nang pag pikit nang aking mga mata..Ni hindi ko na nagawang itanong kay Jhake kung anong napag usapan nila ni Mama. Pagka tapos kasi nilang mag usap na sila lang dalawa nang araw na yun, umalis na din sila Mama at Tita Ingrid. Ni hindi na binanggit ni Mama sa akin ang tungkol doon. Hindi ko nalang pinagtuunan iyon nang pansin, ang importante sa akin, andito na ako. Nakilala ko na ang totoong Ina nang boyfriend ko at-- yung ate nito..







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon