Chapter 31

1.6K 93 14
                                        

Kathleen pov..

                ''Shaiane anak.. A-ano bang nangyayari saiyo- Ako ang Mommy mo! Kaya sa akin ka lang dapat maniwala.." Naghi- hysterical nang turan ni Mommy Sussane. Habang si Jhake naman ay napapa tulala nalang nang sandaling iyon.  Naramdaman kong mas humigpit pa lalo ang paghawak ni Cindy sa braso ko. Ngayon kumpirmado nang si Cindy nga sya, hindi na ako makakapayag na ilayo at itatago pa syang muli sa akin-







                "Jhake, ano pa bang ginagawa mo! Kunin mo ang fiance mo sa babaeng yan!" Halos pagsigawan niyang utos sa kapatid ko. "Huwag kang makakapayag na tuluyan niyang ma brain wash ang anak ko!!" At nanggigigil pa nyang tinulak tulak ang kapatid ko.. Kung manduhan nito ay ganun nalang- akala mong, hindi nakaharap ang aming Ama, ang kinikilala na nitong Ina at ako na kapatid mismo!! Pati nga yung Judge hindi makakibo nang sandaling iyon.







                ''Sige subukan mong lumapit!" Banta ko naman kay Jhake. Hindi nila ako basta masisindak nang  akmang aabutin sana si Cindy. Matalim ang tinging pinukol ko dito, sabay mabilis na iniwas itong isa at dinala sa likod ko. Magkamatayan man pero poprotektahan ko sya sa abot nang aking makakaya. "Hindi na sya bata para gawing sunod-sunuran sa ayaw at sa gusto niyo! At lalong hindi sya isang robot, na kayang kaya ninyong manipulahin--"






                "Ni hindi ka na nga niya maalala.." Putol ni Mommy Sussane sa sinasabi ko. " Kaya tigilan mo na ang anak ko! Pinoprotektahan ko lang siya sa mga katulad mong salot!!  Huwag mo sanang kalilimutang- nang dahil saiyo kamuntik na siyang mamatay!!" Duro nito sa akin.








              "Please lang tama na!! Tigilan niyo na sana to!" Lahat yata kami ay natigilan nang biglang magsalita nang ganun si Cindy.  Pagkatapos ay muli itong humakbang papunta sa aking harapan. Dahilan upang kumabog nang husto ang dibdib ko at biglang binalot nang matinding takot. Hindi ako natatakot sa kapatid ko, lalong lalo na sa Mommy nito. Ang kinakatakot ko ay yung makikinig sya sa sinasabi nang kanyang Ina, samantalang huling huli na nga- pero ayaw paring magpatalo.







             "Gulong gulo na ako- ang isip ko, lahat nang mga nangyayari!" Panimula nito. "Itong puso ko sobrang nalilito na.. Hindi ko na alam kung sino ba ang dapat kung paniwalaan!" Hindi nakaligtas sa paningin ko nang sandaling nagbago ang ekspresyon nang mukha nang Mommy niya.  Amino'y kaawa-awa ang sitwasyon nito ngayon..







                ''Sa totoo lang- ni isa sa inyo ay walang dapat pagkatiwalaan!" Isa isa kaming tinapunan nang tingin na aking kinasinghap.. "Sa pagkakataong to' wala akong ibang sinusunod kundi  ang sinasabi nito." Sabay turo sa kanyang dibdib habang walang humpay na naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata.. Sunod sunod akong napalunok nang tuluyan syang humarap sa akin. At tinitigan ako sa mga mata.







               "Tara na.." Mahina nitong wika..  Ha?  Bigla nalang akong napatulala. Hanggang sa naramdaman ko nalang nang sandaling pinagsalikop nito ang palad naming dalawa. Napa kurap kurap ang aking mga mata- tama ba yung aking narinig? Totoo bang- ako ang pinipili nitong--







                "Hahayaan mo nalang ba akong mamatay?" Halos sabay pa kaming nagbaling kay Mommy Sussane nang bigla nalang itong magsalita nang ganun.  Hawak ang dibdib at kunwat nahihirapang huminga.. Tsk! Pero gaya nang sabi ko, hindi ako basta basta sumusugod nalang nang walang dalang armas. Mabilis na hinagilap sa loob nang aking bag ang mga dokumentong nagsasabi at nagpapatunay na wala talaga itong sakit. 







             Na lahat nang ito ay gawa gawa lamang, para mapa sunod si Cindy sa lahat nang gusto niya.. "Sinong mamamatay!?" Lakas loob kung wika. "Wala naman talagang may taning ang buhay!!" Nanggigigil na ako sa inis sa totoo lang, matapos kung ilabas ang mga papeles at walang alinlangang inabot ko iyon kay Cindy. 








"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon