Shaiane pov..
"Shaiane Cabrera.. Will you Marry me!" Bigla nalang kumabog ang dibdib ko. Napalunok nang sunod sunod, bago napa awang ang labing napa titig kay Jhake.. Kasalukuyang naka luhod ito sa aking harapan, hawak ang isang diamond ring sa kanan niyang kamay. Kumikinang sa sobrang ganda at sigurado akong maganda din ang halaga..
Lahat naman tayo ay nangangarap nang ganito, lalo na sa mga kababaihang katulad ko. Balang araw may isa lalaking luluhod sa aking harapan at aalukin ako nang kasal katulad ngayon---
"Ito na marahil ang pinaka magandang regalong matatanggap ko bago man lang ako mawala sa mundong ito.." Awtomatiko akong napa baling sa Mommy ko. Pasimpleng napa singhap nang bigla itong nagsalita at alam kong may pinapahiwatig ang kanyang sinasabi.. Napaka aliwas ang mukha nito at nababakas doon ang labis nakasiyahan. Mommy.. Wika ko naman sa aking sarili.
"Say yes anak.." Pangungumbinse pa nito sa akin. Ngunit hindi niya iyon isina tinig, kundi naintindihan ko lang sa bawat pagbuka nang kanyang bibig. Habang prente syang nakatayo sa kaliwang gilid ko may, mga ilang hakbang lang pagitan nang distansya niya sa akin.
Isang linggo na ang nakalipas, mula nang isinugod namin siya sa hospital. At magmula sa araw na iyon nagpasya akong manatili muna dito sa bahay. Kahit pa ilang beses na akong sinabihang umuwi na ako nang Palawan para daw may kasama si Jhake doon. Na siyang inutusan kong mag-asikaso pansamantala sa naiwan kong negosyo. Isa pa, kailangan din siya doon gawa na din sa pinapatayo kong building na ilang buwan nalang ay matatapos na.
Para na din hindi maghinala si Mommy na plano talaga namin ito ni Jhake kung bakit ako nagpa iwan. Nagdahilan nalang akong may unfinish business pa kami ni Tita Ingrid. Which is, totoo naman dahil medyo hindi pa kami clear doon sa huli naming pag-uusap.
Hindi ko lang talaga inaasahang biglang mapa sugod si Jhake ngayon. At lalong wala akong ka-ide ideang aalukin niya ako nang kasal!? Dahil hindi pa naman namin ito napag-uusapan. Marami pa kaming kailangang asikasuhin kesa--
"Magiging panatag ang loob ko kung malalagay na kayong dalawa sa tahimik. Pasasaan ba at doon din ang punta ninyong dalawa.." Muling nagsalita si Mommy. Bigla naman akong napa pikit nang mariin, mahal ko si Jhake at wala na akong hahanapin pa sa lalaking ito. Kaso-- Kaso ano? May iba ka pa bang inaasahang mag-aalok saiyo niyan!?" Tuya naman nang aking isipan.
Sumagi nalang si Kathleen sa isip ko na kina mulat tuloy nang aking mga mata. At kina pilig nang aking ulo.. "Yes!" Wala sa loob kong bigkas. Sabay hugot nang malalim na paghinga. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Jhake sa aking kaliwang palad. Naramdaman kong manahan niyang isinusuot ang singsing doon at bigla ko nalang kina iwas nang tingin sa hindi malaman na dahilan.
Dapat ba, kumontra ako-- at sinabing kakamatay lang ni Dad para planuhin kaagad ang aming kasal? Ngunit, bigla kong naalala ang sitwasyon-- ang kalagayan nang mommy ko ngayon!! Kusang naglakbay ang aking isipan, pabalik sa isang linggong nakalipas.
"Ipapamana ba saiyo ang lahat nang naiwang negosyo nang Daddy mo kong may kapatid kang iba?" Taas kilay na turan nang aking Tita. Napa hilot tuloy ako nang sentido, bigla kasing sumakit ang aking ulo. "Yan lang ba ang pinunta mo dito? Ang itanong ang bagay na yan." Naiiling pa niyang turan.
BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...