Chapter 38

1.3K 62 5
                                    

Shaiane pov..

               Nanlulumo akong napa-upo sa may gilid nang kama. Habang marahang ini-scroll ang aking cellphone at inisa-isang pinakatitigan ang mga ipinasang mga larawan nang di kilalang may-ari nang messenger account. Sa palagay ko, isa lang itong dummy account'.






              Ilang ulit na akong nagpababalik-balik para tingnan nang maiigi ang limang larawang halos iisang anggulo lang naman. Mga larawan kong saan- kapwa hubo't hubad ang nobya kong si Kathleen at ang kaibigan nitong si Minerva.  Kapwa nakahiga sa hindi pamilyar na kama, tila himbing na himbing sa pagtulog. Mukhang pagod na pagod habang ang huli ay naka-akap pa nang husto sa aking nobya. Dahilan upang ako'y napapasinghap..






          Pagkatapos nun, mariin akong napahilot nang sentido, tsaka inilapag ang cellphone na tabi ko. Huwag mo na kasing tignan!! Saway ko pa sarili, akmang dadamputin ko na naman sanang muli. Wala na bang katapusang problema?? Hugot kong pang muli nang malalim na paghinga. Tsaka mariing ipinikit ang aking mga mata.






            At talagang, itinaon pa' kung kailan sobrang stress na ako, nang kung sino mang may kagagawan nito! Ewan ko, pero sa lahat nang mga nangyayari ngayon- pakiramdam ko pilit talaga kaming pinaghihiwalay ni Kathleen. At dami nang kinakaharap ko ngayong suliranin- hindi ko alam kong kakayin ko pa.






             Kagaya nalang sa sitwasyon ni Mommy- nakapa imposibleng  sya parin ang may pakana nito. Baka naman si Jhake? O malay mo baka naman totoong may namamagitan sa dalawa.. Awtomatiko akong napamulat nang mga mata nang bigla nalang iyon sumagi sa aking isipan.







            Bago nalamang si Cindy at ako ay iisa, si Minerva na ang naging kasa-kasama nito- karamay.. At ramdam kong may pagtatangi talaga sya kay Kate. Papaano kong isa din sya sa mga gumagawa nang paraan tuluyan kaming magkasiraan!? GodHindi ko na alam kung anong dapat gawin- lalo at ramdam ko ding lumamig bigla ang pakikitungo nang Mama ni Kate sa akin.







           Hanggang sa napako ang mga mata ko sa brown envelop na ibinigay nang  ex-boyfriend ko kanina. Dahilan upang lalo lang akong nakaramdam nang panghihina. Dumagdag din yan sa aking mga agam-agam. Iniisip ko palang kung ano na naman kayang kakaibang bagay ang nasa loob nang envelop na yan! Lalo akong nanghihina, lalong sumasakit ang aking ulo.







                Subalit, wala akong choice kundi buksan ang naturang envelop dahil tiyak kong hindi din lang ako mapakali. Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ko ito dahan dahang binuksan. Kinapa ko muna ang laman niyon dahil ayokong tingnan. Pagkatapos, biglang napasinghap at muling napahugot nang malalim na paghinga..






             Mukhang mga pictures din lang ang  laman niyon nang tila nahuhulaan ko na, kaya hindi ko nalang itinuloy.. Jhake, hindi ka parin ba titigil!






            Muling isinara ang envelop, pagkatapos nanggigigil na nai-kuyom ang dalawa kong kamao.  I hate you Jhake, mukhang gusto mo talaga akong sagarin!!  Tiim bagang ko pang turan sa sarili, tsaka biglang napatayo mula sa pagkaka-upo. Argh!! Ayoko na talaga!! Nakakapagod na. Sabunot ko pa sa aking anit.






             Kinuha kong muli ang aking cellphone  pagkatapos at hindi na nagdalawang-isip pa. Kaagad na nag dial nang numero sabay napapa-hinga nang marahas. At awtomatikong napa-pikit matapos marinig na kaagad  na naging ang phone number ni Kathleen.






           "B-babe!" Bigkas nito nang mabilis sinagot ang tawag ko. Pero napaghahalatang kabado siya nang sandaling iyon.  Base na din sa tono nang boses nito. "Buti naman at naalala mo na akong tawagan." May pagdaramdam sa himig nito pagkatapos. Dahilan upang kusang nagmulat ang aking mga mata, sabay kunot-noo.






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon