Shaiane pov..
Napa singhap ako nang husto at hindi makapaniwala sa pinagtapat niya nang sandaling ito. Habang sya ay seryoso paring naka titig sa aking mukha. I-ibig sabihin-- umpisa palang s-si Cindy na ang nakikita nya sa akin! Tapos-- may nangyari pa sa aming dalawa! Oh my god.. Shaiane ano ba itong pinasok mo!
Kaya ba, pilit akong pinapa iwas nang Mama nya sa kanya dahil--
"Anong nangyayari dito??" Biglang bumukas ang pintuan na sabay pa naming kina baling ni Kathleen doon. Humahangos ang Mama nitong nagpalipat lipat nang tingin sa aming dalawa."Alam na nya lahat-- Pinagtapat ko na sa kanya ang totoo, ang lahat lahat!" Hugot ni Kathleen nang malalim na paghinga.. Sabay napa iwas nang tingin. Kita ko naman ang reaksyon nang mukha nang Mama nito na parang takot na takot na hindi ko mawari kung bakit--
"Kathleen--" Tawag sa anak nang bigla nalang itong nag walk out yung isa sa sarili nyang kuwarto. Naiwan tuloy kaming dalawa nang hindi malaman kong anong gagawin. Pagka tapos ay muli nagbaling ang atensyon nito sa akin. "Pagpasensyahan mo na sana ang anak ko Shaiane, hanggang ngayon kasi masakit parin para sa kanya ang mga nangyari sa kanyang-- nobya.'' Hugot nito nang malalim na pag hinga.
Umawang ang labi ko, pero hindi ko naman malaman kong ano bang dapat sabihin nang sandaling ito.. Hindi ko parin kasi lubos maisip na, paanong naging kamukha ko ang mamayapang niyang girlfriend-- tapos yung pangalan pa nya-- sya yung laging nasa panaginip ko. Nagkataon lang ba ang lahat! O may ibig sabihin, isang pangitain na-
"Totoo ho bang-- sya ang pumatay sa sarili nyang girlfriend!" Lakas loob kong turan na tila nanunumbat pa ang tono nang pananalita ko.. Hindi kasi tanggap nang kalooban ko na kanyang gawin yun ni Kathleen. Kaya lang, sa kanya na mismo nang nanggaling! Paano nya nagawa ang bagay na yun!?
Napa singhap nalang ako lalo nang marahan itong napa tango sa harapan ko.. So, totoo nga!! God..Napa takip tuloy ako nang bibig gamit ang dalawa kong palad nang bigla akong nakaramdam nang panlalamig nang buo kong katawan. -- paano nagawa ni Kathleen na patayin ang sarili nyang girlfriend--
"Shaiane..." Marahan syang humakbang palapit sa kinaroroonan ko.. na kina kabog naman nang husto nang dibdib ko. A-ano bang klaseng pamilya meron sila o ibig kong sabihin-- ano ano pa kayang sekretong tinatago nila!?
"Huwag kang matakot anak, hindi masamang tao ang anak ko, hindi nya kagustuhan ang mga nangyari..." Pangungumbinse nito nang makita sigurong nababalutan ako nang takot nang sandaling ito. Masisisi ba nila ako? Sino namang hindi magugulat at matatakot kong may kasama lang kriminal sa loob nang isang bahay..
Todo iling tuloy ako at wala sa loob nang bahagya akong napa atras. Lalo nang sumagi sa isip ko nagawa ko pang ipaubaya ang sarili ko sa isang kriminal? Gosh!! Bigla nalang sumakit ang aking sentido.. Sumakit na naman na para bang binibiyak ang aking bungo na kina hawak ko tuloy sa aking ulo.
Bigla nalang nagdilim ang paningin ko at pakiramdam ko nauubusan ako nang lakas... SHAIANE!!!
"Hindi-- hindi sya masamang tao, maniwala ka.." Wika nang isang babaeng--- malaki ang pagkaka hawig sa akin.. Na kinaramdam ko nang matinding takot, kilabot na kitang kita sa reaksyon nang aking mukha. Lalo na nang parang repleksyon ko lang sa salamin ang nakikita ko. Umiiyak ang babae at pilit akong kinukumbinse.
BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...