Chapter 12

1.7K 86 2
                                    

Shaiane pov..

"Katie my love!!!" Mariin akong napa pikit nang biglang may napa tili nang malakas kong saan.. Dahilan para mapa hinto sa nais ko sanang sabihin kay Kathleen. Ba yan kasi! Panira naman, kung sino man yang istorbo-- andun na e,handa na sana akong ibahagi sa kanya ang tungkol sa buhay ko.. para ba kasing may nag-uudyok sa bahagi nang utak ko na maari ko syang pagkatiwalaan--






"Dude...late ka yata ngayon.." Dagdag pang panira. Turan nang utak ko.. Dun ako muling napa mulat nang mata nang may boses lalaking nagsalita.. At dismayadong napa hugot nang malalim na paghinga nang nagmulat ako ay wala na pala si Kathleen sa harapan ko. Hayun nga- busy na sa pakikipag usap sa dalawa niyang kaibigan. Yung Jun ba yun at yung-- malanding kabute na basta nalang sumusulpot. Na lihim kong kina buga nang hangin.






"Ah- sinama ko kasi si Shaiane, gusto daw nyang maglibot libot dito sa farm." Baling naman ni Kathleen sa akin sabay ngiti.. Kaya napa sunod naman nang tingin sa gawi ko, yung dalawa.






Si Jun ay kaagad akong binati kumaway na sinabayan din nang pag ngiti. Samantalang yung Minerva na tudo kapit sa kaliwang braso ni Kathleen ay pasimpleng tinaasan ako nang isang kilay. Problema ba nya-- wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Deadma nalang ako..






"Hi guys!" Magiliw ko paring pagbati kahit na uma attitude yung isa.. Kita ko kung paano nito hilahin ang braso ni Kathleen pero lihim na nagdiwang ang aking kalooban nang pasimpleng namang inalis ang pagkaka angkla nang kamay ni Minerva sa braso nang huli. Pagka tapos ay muli itong lumapit sa kinaroroonan ko.






"Teka-- pala!" Hugot nito nang malalim na paghinga nang naka balik na sya sa harapan ko. "Ano ba yung sinasabi mo sa akin kanina, tungkol sa panaginip ba yun?" Seryosong tanong nito nang biglang naalala yung sinasabi ko sa kanya. Ah,e- napa awang naman ang labi ko.






Akala ko hindi na nya yun napagtuunan nang pansin.. Kaya lang-- Napa sulyap muna ako saglit sa mga kaibigan nya na ilang hakbang lang distansya sa amin.






"Wa-wala yun--" Medyo nauutal kong bigkas. Nagbago na kasi ang isip ko, mas mainam siguro kong- sarilinin ko nalang muna ang tungkol doon. Hindi pa siguro ito yung time para may ibang taong makaalam. "Kalimutan mo na yung sinabi ko." Dugtong ko pa sabay ngiti. na kina kunot noo nito bigla. Pero maya maya lang ay napa tango na ito nang marahan.






"Alright." Sang-ayon pa nya. Sabay hugot nang pag hinga.. Lihim tuloy akong napa ngiwi nang pakiramdam ko ay nadismaya ito sa akin.






Kat-- "So, tara na.." Magsasalita pa sana ako nang bigla na syang nag aya! Pagka tapos, ay basta nalang nitong hinawakan ang isang palad ko at pinagsalikop sa kamay nito. Hindi ko man inasahan ang gagawin niyang iyon.. Pero may kakaiba akong naramdaman, para bang- nakaramdam nang kasiyahan ang puso ko nang hindi ko maipaliwanag kong bakit.






Nakaramdam ako nang kapanatagan tuwing hawak nya  ako nang mahigpit, parang safe na safe ako kapag kasama ko sya. Na kaya nya akong ipagtanggol kahit kanino.. pero hindi ko nalang pinahalata na nagtaka talaga ako sa kilos nito. Nagpa tianod nalang, nang hilahin na nya ang kamay ko at nagsimula na kaming humakbang.







Naunang naglakad yung dalawang kaibigan ni Kathleen at halatang inis sa akin yung Minerva. Hindi ko alam kong bakit sobrang init nang dugo nito sa akin. Hindi ko nalang yun pinagtuunan nang pansin, dahil naagaw na nang atensyon ang kagandahan nang lugar na ito.






Unang nasilayan palang nang aking paningin ang lugar na ito ay manghang mangha na talaga ako, nabihag nito ang aking puso. Hinding hindi pagsasawaan nang aking paningin. Ngayon palang ay parang ayoko nang umalis- Parang mas gusto ko nang manatili sa lugar na ito kesa sa aking nakagisnan. Napa hugot tuloy ako nang malalim na paghinga.






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon