Chapter 29

1.4K 74 19
                                    

Shaiane pov..

                  Ikinulong nito ang magkabila kong pisngi nang kanyang mga palad. Sunod nun, naramdaman ko nalang ang pagsayad ang malambot nitong labi sa labi ko..Awtomatiko namang pumikit ang aking mga mata at kasabay nun ay nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam. Parang may malamig na hanging humaplos sa aking puso.. Huli kong naramdaman ang ganito, nung gabing may nangyari sa aming dalawa.  Nung nagpa-ubaya ako at walang alinlangang pinagkaloob ko ang sarili ko.







                  Ginawaran ako nang masuyong halik, halik na para bang sinasabing hindi ko naman kinakailangang tumugon nang sandaling iyon.. Tama sya, hindi dapat ako makasal kay Jhake, kung hindi naman talaga buo ang loob kung gawin ang bagay na yun. Kung ang sarili ko nga mismo may pagdududa  tungkol sa pagmamahal ko sa kanya.. Hindi ko pwedeng isakripisyo ang aking kaligayahan para lang sa isang kahilingang--







                 Si Mommy.. Bigla akong natauhan nang basta nalang lumitaw ang imahe ni Mommy sa aking isipan. Hinang hina at nagmamakaawang sundin ko ang nais nito. Dahilan upang mabilis akong napa mulat nang mga mata. Bahagya ko ding naitulak si Kathleen. Nagtataka tuloy syang napatitig sa akin, matapos nitong ilayo ang mga labi sa akin.








                  Sunod sunod akong napa iling at nagugluhan habang magkahinang ang aming mga mata..  Muli naman nitong ikinulong ang aking mukha nang kanyang dalawang palad "Shaiane... Wala na tayong oras, kailangan na nating umalis bago pa may makakita sa atin. Bago pa tayo maabutan dito." Nagpapanic na nitong turan. Pagkatapos, bumaba nang isang kamay nito at hinawakan  nang mahigpit ang isa kong kamay. Ibig kong sabihin, pinagsalikop nito ang aming palad.








                Napaiyak nalang ako nang sandaling iyon.. Sobrang nahihirapan akong magdesisyon, hindi ko na alam kung alin ang tama at mali. Paano si Mommy, tiyak kong magagalit sya nang husto sa gagawin ko. Paano kung dahil dito bigla nalang syang bawian nang buhay.  Hindi yata kakayanin nang konsensya ko--







 
               Nagkatinginan kaming dalawa at kapwa natigilan nang marinig ang sunod sunod na pagkatok sa may pintuan. "God, ito na nga bang sinasabi ko." Pagkuway napo-frustrate nyang turan. At naramdaman kung mas humigpit pa ang paghawak nito sa akin.








                   Gumalaw kasi yung doorknob, naghintay kong sino ang magbubukas ang pintuan. Kaya lang mukhang nakalock yata iyon! Maaaring hindi sinasadyang napindot yung lock kanina nang make-up artist paglabas niya nang pinto.. 







                  

                 Napasinghap nang muli na namang binayo ang pintuan. Mas malakas na kasi iyon at-- "Kathleen magtago ka dali!!" Nagpapanic ko na ding utos dito. Pagkatapos, nagsensyas na doon muna siya sa may gilid nang pinto. Nahirapan pa ako nang ayaw nitong sumunod sa akin. Nung sinabi kong sisilipin ko lang kung sino yung nasa labas tsaka lahat sya napabuntong hiningang humakbang patungo sa may sulok.








                    Grabe yung kabog nang dibdib ko nang marahan na akong humakbang patungo sa may pinto.. Huminga muna ako nang malalim bago dahan dahang pinihit ang knob at para akong tinakasan nang dugo nang mabungaran si Mommy na nakatayo sa labas nang pinto. "Bakit ang tagal tagal mong buksan!? Halata ang pagka irita sa himig nitong turan. Nasa isip din kaya nitong may balak akong umurong sa araw nang aking kasal!







                  Kanina wala, talagang buo nang loob kong matali kay Jhake habang buhay.  Kaya lang, nung nakita ko Kathleen biglang nalito ang damdamin ko at nakaramdam ang kirot sa aking puso.  Bakit- may kakaiba akong pakiramdam sa tuwing malapit sya sa akin. Tuwing tumititig ako sa kanyang mga mata- hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. "Shaiane ano bang nangyayari saiyo,  bakit parang wala ka sa huwesyo!!"








"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon