Chapter 8

1.6K 78 0
                                    

Shaiane pov..

                 "Hindi totoong may malubhang karamdaman si Mama?'' Napa hinto ako sa paghakbang nang maulinigan ko ang boses ni Jhake sa may labas nang pintuan sa likod nang kanilang bahay. Tila may pinagtatalunan kung sino mang kausap nito.







              Hinahanap ko din kasi ito dahil bigla nalang syang nawala sa paningin ko. Medyo marami na din syang nainum na alak, yung alak na sila dito mismo ang gumawa. Isa pa naiilang din kasi akong makiharap sa mga bisita, lalo at hindi ko maintindihan ang lengguahe nila.







                 Marahan naman akong humakbang patungo sa pinanggalingan nang boses,  yung hindi ako makaka gawa nang kahit konting ingay man lang. Pagka tapos ay bahagya akong sumilip sa naka awang na pintuan. Siniguro kong hindi ako makikita-- "Gustong gusto kang makita nang Mama, kaya nagawa nyang magsinungaling sayo!" Kita kong magka harap sila ni Kathleen na nakatayo at. Seryosong nag uusap..







               Kitang kita ko din kung paano napa kuyom ang dalawang palad ni Jhake nang sandaling ito. "Pero nagsinungaling parin sya sa akin ate!"  May diing turan nang aking nobyo. Samantalang si Kathleen ay nanatili paring kalmado. "Hindi naman nya kailangang gawin ito, pinag aalala niyo ako nang husto!!"







              "Pinagsabihan ko din naman sya, pero ang gusto lang naman mangyari ni Mama makita at makasama ka man lang namin. Ngayong 60th birthday nya. Yun lang!" So, ibig sabihin-- wala ngang malubhang karamdaman ang kanilang Ina--






             ''Mabuti pa, aalis na din kami kaagad bukas ni Shaiane, ang dami kong na pending na trabaho dahil dito..'' Pagalit paring wika ni Jhake. Na kina kabog naman bigla nang aking dibdib.  K-kami uuwi na kaagad-- A-ayoko, gusto ko pa dito. Gusto kong masulit yung araw na andirito ako. Bigla tuloy nag panic ang kalooban ko nang hindi ko maunawaan.







           "Jhake, huwag naman sanang ganyan.. pagbigyan mo na ang Mama kahit isang linggo lang!" Tila may pagmamakaawa namang himig ni Kathleen nang sandaling ito. Kina hawak ko sa dibdib ko. Kita ko kung papaano sya napa hilot sa kanyang sentido. Sa pagkakataong ito, mas nauunawan ko ang pinupunto nya.






            Naiintindihan ko kong bakit nagawa nang Mama nila ang bagay na iyon. Isa pa, kahit kakakilala ko palang ang pamilyang ito ni Jhake, ramdam ko ang kabutihang loob. Lalo na ang kanilang Ina..





                "Pag iisipan ko.." Hugot ni Jhake nang malalim na paghinga. Pagka tapos ay basta nalang nitong tinalikuran ang kanyang ate na kina buga naman nang hangin nitong isa. Napapa iling nalang ako sa inasal naang boyfriend kong nasaktan ang ego. Aalis na din sana ako kaya lang, biglang parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Basta nalang akong naka titig kay Kathleen na halatang problemado--







            "Shaiane...Alam kong kanina ka pa andyan!" Ha-- ano? Paano nya nalamang-- lalo lang tuloy akong natuod sa kinaroroonan ko sabay kagat nang pang ibaba kong labi sa sobrang hiya ko nang sandaling ito.  Lalo na nang marahan syang pumihit paharap sa direksyon ko. "Sundan mo na si Jhake, mukhang  kailangan nya nang makaka usap." Hugot pa nito nang malalim na paghinga.





               Marahan naman akong lumabas mula sa pinagkukublian ko at humakbang palapit sa kanya habang naka titig ako sa kanyang mukha. Mula kagabi, nang bigla nalang nya akong iniwan sa may kitchen parang iniiwasan na nya ako.. dahil ba sa sinabi kong gusto ko sya- gusto ko syang maging kaibigan, maging mas malapit pa sa isa't isa.. Ewan, pakiramdam ko lang siguro dahil alam ko namang abalang abala sya sa pag aasikaso sa party ngayon..






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon