Chapter 36

1.3K 61 14
                                    

Kathleen pov..

Napapamura nalang ako sa sarili, habang paulit-ulit na pinagsusuntok ang aking ulo. Pilit kong inaalala ang mga nangyari, kaya lang- kahit anong gawin ko wala talaga akong matandaan! Ang huli ko lang naalala, yung pag-uusap naming dalawa nitong si Minerva. Tapos- tapos arghh!!! Napo-frustrate kong sinabunutan ang aking anit.






Kahit man lang sana, yung papaano kami nakarating nang kuwartong dalawa ang maalala ko pero wala talaga! Napapaluha nalang ako nang sandaling iyon, pilit na kinakalma ang sarili. Nang medyo nahimasmasan, nagpasya akong isa-isang pinulot ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig. My goodness! Papaanong gawin kong paliwanag kay Shaiane, kung iisa lang naman ang puno't dulo nang lahat. Ang pumayag akong makipag-inuman sa babaeng--






Napatiim ang aking bagang, pagbaling ko kay Minerva na sobrang himbing parin sa pagtulog. Tsk! Gustong gusto ko syang sugurin nang sandaling iyon, pero laking pagtitimpi ko sa sarili.. Nanginginig ang dalawang kamay ko sa galit, pero nagawa ko paring tapusin nang maayos ang pagbibihis. Tsaka ko ito muling binalingan, pinakatitigan ko sya nang maigi. Napapatiim bagang nalang ako.







Minsan na nitong sinubukang akitin ako, kaya may posibilidad na plinano niya lahat nang ito! Naikuyom ko ang aking mga palad, pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ako dapat nagtiwala sa kanya! Ayoko paring makasakit nang kapwa lalo na at baka mamaya bigla nalang magdilim ang aking paningin. Kaya ang ginagawa ko, mariin kong pinikit ang aking mga mata. Napapabuga nang hangin pagkatapos..







"Minerva! Bumangon ka na diyan!!" Gigil kong utos. Nang hindi na ako nakapag pigil. Naghintay nang ilang minuto, pero mukhang himbing na himbing parin sya sa pagtulog. "Minerva!!" Hiyaw ko na nang sandaling iyon.. Hindi nakatiis nang ako'y dumukwang dito, tinapik nang may kalakasan sa expose nitong balikat. Alam kong wala din itong saplot, dahil katulad ko nagkalat din ang mga kasuotan nito. Iniiwasan ko nalang iyong tignan, dahil lalo lang madagdagan ang galit ko sa kanya.









Hindi ko tinigilan ang pagtapik-tapik, hanggang sa marahan na syang gumalaw. Pagkatapos, napapa-ungol ito nang nahina. "Minerva, bumangon ka na dyan at kailangan ko nang paliwanag mo!!" Nagngangalit kong bigkas. Matapos umayos nang tayo at nagpamewang sa harapan nito. Muli naman itong napa-ungol, maya maya ay marahan na syang nagmulat nang mga mata. Kinukusot kusot pa nito nang kanyang daliri, tila tamad na tamad na kumilos at marahang bumangon mula sa pagkakahiga.








Napa-iwas pa ako agad nang tingin, dahil dumaosdos sa may sikmura nito ang kumot na tanging nakatakip sa kanyang kahubdan. Kaya na-expose ang itaas na bahagi nang kanyang katawan "Ayusin mo nga yang itsura mo!" Ma-awtoridad ko pang utos dito. Sabay napa-hinga nang marahas.







"Aray- ang sakit nang ulo ko.." Rinig kong daing niya. Habang hindi parin binabalik ang tingin ko sa kanya. Para syang latang lata na hindi maintindihan- "Asan ba ako? Tapos, sobrang sakit nang--." Bigla nalang itong napatili nang malakas. "A-anong ginagawa ko dito?? At b-bakit wala akong saplot!?" Nagpapanic nyang wika pagkatapos.








"Bakit, hindi yang sarili mo ang tanungin mo!! Bakit tayo parehong walang saplot at nasa iisang kama!? Hindi ako tanga Minerva! Anong ginawa mo?? Akala ko pa naman kaibigan kita, yun pala- may masama ka palang binabalak!?" Tiim bagang kong turan nang sandaling iyon. Pagkatapos, matalim ang tinging pinukol ko dito nang muli ko syang binalingan. Kipkip nito ang kumot at sunod sunod na naglandas ang kanyang mga luha.








"W-wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!" Depensa kaagad nito sa sarili. Tsaka sya, sunod sunod na napapa-iling. Walang alam? Kalokohan!! Kontra naman agad nang aking isipan. Talagang plano nitong sirain kami ni Shaiane.. Wala syang pinagkaiba kay Mommy Susanne! Tuluyan na itong napahagulgol nang sandaling iyon.








"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon