Chapter 22

1.4K 74 16
                                    

Kathleen pov..

                Ewan ko kong bakit kating kati akong lumuwas nang Maynila pagkatapos naming mag-usap ni Mommy Susanne.Tila may nag-uudyok sa akin na sa kanya ko mahahanap lahat nang kasagutang bumabagabag sa aking isipan. Hindi lang iyon, gusto kong nakita si Cindy. Marami akong gustong sabihin--







           Ngunit ang hindi ko inasahan ay  kung sinong bubungad sa akin sa nang bumukas pintuan. Sobrang gulat ko, na hindi mawari at labis na naguluhan kong tama ba yung bahay na napuntahan ko. Dahil halos sampong taon na rin- hindi lang yata kundi higit pa, nang huli akong nakatapak nang Maynila. Maging ito man ay tila na shock nang magtama ang aming mga mata. Imbes na tumuloy ako sa loob, bigla nalang akong napa atras. Samantalang itong si Jhake ay parang nakakita nang multo nang muli nitong sinara ang pinto. Mukhang gulat din sya nang husto.







            Anong ginagawa ni Jhake sa loob nang pamamahay nang magulang nang aking girlfriend!? Isang malaking katanungan sa aking isipan, habang sobrang  kabog nang aking dibdib ko.. Mariin ko tuloy isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok nang biglang pumasok sa isipan ko si Shaiane.  Kasama nya itong umalis nang Bontoc kaya ibig sabihin lang nun- magkasama din sila ngayon sa loob!  Pero bakit? Bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan sana mali yung kutob ko, sumasakit tuloy bigla ang ulo ko. Meron bang hindi sinasabi sa akin si Mommy--








             "K-kathleen anak!!" Awtomatiko akong napa baling sa may pinto. Pagka rinig ko sa pamilyar boses at taong aking sadya kaya ako naparito. Na kahit puyat at pagod ay hindi ko na ininda makarating lang akong safe dito.







               Mukhang hindi naman ito na surpresa nang makita nya ako. Tila ako pa nga itong nagtaka, kaya napa awang nalang ang labi ko dahil naka ngiti itong naka titig sa akin. Parang sabik na sabik na masilayan akong sa matagal na panahon. Ngunit ang umagaw sa aking atensyon, sa yakap yakap nitong maliit na puting banga--  Cindy.







               Lalo lang  kumabog nang husto ang dibdib ko at kusang nangilid ang aking mga luha. Tila nabura kaagad sa isip ko yung  encounter namin nang aking kapatid kong si Jhake at kung bakit sya andirito-
"Pasensya kana anak kong hindi ko na nabanggit saiyo na kinuha ko ang- labi nang anak ko.." Naka awang parin ang labi ko nang marahan syang humakbang palapit sa kinaroroonan ko.







               Pagka tapos ay bigla nalang itong napa hikbi nang tuluyan syang naka lapit. Naka titig lang ako sa kanya at kita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata. Pansin ko din na parang bumagsak ang katawan nito, kumpara sa dati. At parang  pamumutla ang kanyang mukha.






               Okay lang ba ito--  "Kukunin mo na ba ang anak ko sa akin!" Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin nya.. Pagka tapos- tuluyan na itong napahagulgol. Bigla tuloy akong nakaramdaman nang pagtataka at awa na din. Sa totoo lang, hindi ko talaga maiwasang magdamdam sa kanyang ginawa. Kinuha nito si Cindy na wala man lang abiso sa akin.







              Napasinhap nalang ako nang dahan dahan nitong nilahad ang puting banga sa harapan ko. "Kung-- ito ang magpapasaya saiyo.. Sige na ipapaubaya ko na ang pangangalaga sa abo nang anak ko. Alam ko naman kong gaano mo sya minahal." Turan nito habang walang humpay ang kanyang paghikbi. Para bang mauubusan sya nang hangin.






           W-wala naman akong balak kunin si Cindy, gusto ko lang naman itong makita. At- gusto ko lang  sana syang makausap. After nun ay babalik na ako nang mountain province.. ''M-mommy, hindi ko naman po inaagaw a-ang anak ninyo.." Lakas loob ko namang wika pero andun parin yung kaba ko. Pagka tapos ay mariin kong pinikit ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang puso ko nang sandaling ito. Pilit sumisiksik si Shaiane..Parang sobrang hugkang ang aking kaluluwa.






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon