Shaiane pov..
Sya na nga yung nang halik, sya pa itong may ganang umiwas! Nakaka inis na talaga sya.. Muli akong napa hawak sa labi ko, ni hindi ko na mabilang kong ilang beses ko na itong ginawa. Basta, kusa nalang napapa gawi yung kamay ko at napapa hawak ang daliri ko sa malambot kong labi. Minsan kina kagat kagat ko pa.
Sa totoo lang, inaamin ko sa sarili ko- ang husay nyang humalik at sobrang nakaka hiya sa kanya dahil dalang dala ako. Ni hindi ko na nga naisip na may boyfriend na ako- na isang babae ang humahalik sa akin nang sandaling iyon.
Walang humpay ang pagmamaktol ko habang nasa loob na ako nang kuwarto..malalim na ang gabi. Naka higa sa kama dilat na dilat ang aking at pabiling biling, dahil matapos ang kaganapang yun- ramdam kong naging mailap na si Kathleen. Kahit na inasikaso nya ako nung nag lunch kami sa bahay nila Jun- iba na din treatment nya sa akin. Basta iba!
Argh!! Bakit kasi nya ako hinalikan? Paulit ulit ko na ring tinanong ito sa aking sarili. Tapos ako naman- bakit ako nagpa tangay, bakit sobrang pamilyar sa akin nang halik na yun--
Bigla nalang akong napa balikwas nang bangon mula sa pagkaka higa.Bigla kasi akong may maalala- bakit ayaw nyang tinatawag ko sya sa pangalang KATE!? Kate.. napaka pamilyar din sa akin ang pangalang iyon.. Puro nalang bakit yung katanungan nasa isipan ko!
Napapa hilot tuloy ako nang sentido nang maramdaman kong bahagyang kumirot iyon. Matulog kana! Para na akong tangang kinaka usap ang sarili ko. Halos maki-usap na ako.. Humugot ako nang malalim na paghinga at muli na akong humiga. Pagka tapos binalot ang katawan ko nang comforter tsaka mariin kong pinikit ang aking mga mata.
Goodnight self! Goodnight Jhake I miss you.. Turan ko sa aking sarili pero parang hindi ramdam nang puso ko ang huli kong sinabi. Dahil pagka pikit nang aking mga mata, naka ngiting mukha ni Kathleen ang nakita ko.
Pilit ko naman itong benalewala.. Dahil- may kakaiba talaga akong naramdaman tuwing nakikita ko ang mailap nitong pag ngiti.
Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi nang paglabas ko palang nang gate nang university ay maaliwalas nang mukha nang pinakamamahal ko ang sumalubong sa akin.. Naka sandal ang likod nya kay pogi, pogi kasi ang tawag namin sa kanyang motorsiklo.
"Babe.." Malayo palang ay gustong gusto ko na syang salubungin nang mahigpit na yakap.. miss na miss ko sya kahit na ilang oras palang na hindi ko nasilayan ang kanyang mukha.
"Babe, hindi na ako maka hinga.." Reklamo nito nang halos lingkisin ko na ito sa sobrang higpit nang yakap ko. Hmnn, mahal na mahal ko lang ang babaeng ito at hindi na ako magmamahal pa kundi sya lang.. hanggang kamatayan man.
"I love you so much Kate.." Buong puso kong bigkas bago ko sya marahang pinakawalan. Hinding hindi ko pagsasawaang sabihin iyon sa kanya nang paulit ulit. Minu- minuto, segu-segundo..
"I love you too babe.." Malambing nyang tugon. Na kina titig ko sa napaka ganda nyang mukha at kina kina kagat ko nang pang ibaba kong labi. Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili nang ginawaran ko ito nang matamis na halik sa labi. Wala akong paki alam kong may mga kapwa kaming mga estudyante na hindi maiwasang mapa baling ang tingin sa aming dalawa.
Nagmamahalan lang kaming dalawa at wala akong paki alam sa mga matang mapang husga sa paligid. "Babe let's go.." Aya na nito sabay suot sa akin nang helmet. Maingat niya itong inilagay sa aking ulo. Ang swerte swerte ko talaga sa taong ito.

BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...