Kathleen pov..
"Hi Kath!" Napapitlag ako nang bigla nalang sumulpot si Minerva. Andito kasi ako sa lumang bahay, may kaunti nalang akong inaayos at pu-pwede na kaming maglipat dito ni Shaiane. Pina-rush ko na nga ang pagkukumpi para saktong pagbalik nito galing Maynila, dito na kami didiretso.. Napahinga ako nang malalim, bago pasimpleng napasulyap kay Minerva.
''Ayos ah, dito kana na ba titira niyan!? Bubukod kana.." Usisa nito na parang may halong excitement ang kanyang himig.. Habang abalang inililibot ang paningin sa kabuuan nang loob nang bahay.. Muli akong nag-iwas nang tingin, nang maalalang hindi ko pa pala ito nakakausap. Tungkol doon pagbibigay ko nang chance sa kanya about sa feelings nito sa akin.
Kailangan ko nang masabi ang totoo sa kanya para hindi na sya umasa pa. Bumalik na sa akin si Cindy ang nag-iisang nagmamay-ari nang aking puso. Sa dami kasi nang nangyari, nawala na yun sa isip ko ang tungkol sa bagay na yun.. Nang matuon ang buong atensyon ko kay Shaiane..
"Atleast mas malapit kana, anytime pwedeng pwede kitang dalawin.. At tsaka, makakapag bonding tayo nila Jun." Wika nito sa masiglang himig nang muling nagsalita. Lihim akong napabuga nang hangin.
''Ahm- ano. Hindi naman sa ganun, pansamantala lang sana." Tipid ko nalang na tugon dito. Pilit syang iniiwasan at kunwa'y inabala ko ang sarili. Tinitignang maigi kong may dapat pa bang iayos o ilipat na mga kagamitan. Pero, mukhang okay na siguro to'!
"Ano pang ginagawa natin, tara at mag-inuman na tayo!" Ha? Gulat tuloy ako nang bigla nitong hinablot ang aking braso. Hinila hila hanggang makarating kami sa may sala, para ipakita yung dala-dala nitong isang bote nang brandy. Diyos ko po! Napadasal nalang ako sa loob-loob ko. Nakapatong iyon sa ibabaw center table, inabot tsaka binuksan matapos akong paupuin sa may couch.
"Minerva, kita mong may ginagawa pa ako!" Reklamo ko. Medyo naiirita pa ako nang walang sabing naupo sa tabi ko. Halos idikit ang katawan sa akin. Matapos pang tawanan ang sinabi ko. Tsaka sinabing huwag akong aalis sa aking kinauupuan at muling napatayo. Nagmamadaling tumungong kusina para kumuha nang bago.
Naiwan akong napapahilot nang sentido.. Sabay sunod-sunod na nagpakawala nang marahas na buntong hininga.. Biglang napa-isip na mainam sigurong at makausap ko sya nang masinsinan. Nang maipaliwanag sa kanya nang husto ang lahat.
Pagbalik nito ay may dala na syang dalawang wine glass. Naupong muli sa aking tabi at tila may pagmamadaling nagsalin nang alak sa dalawang baso. Inabot sa akin yung mas maraming laman, yung halos mapuno na yung baso.. "Cheers!!" Masiglan pang wika pagkatapos. Sabay nagsenyas para inumin ko na yung nasa baso ko.
Nginitian ko sya nang tipid, bago sumimsim nang brandy, nang medyo nananantya pa yung aking panlasa. Purong purong alak kasi yun, mamaya mabigla yung aking sikmura. Uminum din sya na lihim kong kinailing, dahil halos sumayad lang kaunti ang bibig nito sa baso. "Na miss kita Kath, alam mo yun- kahit gustong gusto kitang puntahan sa bahay ninyo. Syempre andun parin yung hiya ko kay Aling Karina.." Litanya nito.
"Kahit na ramdam ko namang gustong gusto niya ako para saiyo e." Dagdag pa niya at confident itong turan sa sarili. Napatikhim tuloy ako nang tila may bumara sa lalamunan ko. Wala sa loob nang basta nalang tinangga ang laman nang hawak hawak kong baso. Napangiwi nang mainit na sumayad ang naturang likido sa aking lalamunan.. Tsk!

BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomantizmGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...