Kathleen pov..
Mariin akong napakagat nang pang-ibabang labi, nang maramdamang nag-iinit ang sulok nang aking mga mata. Pilit na pinipigilan ang nagbabadyang mga luha. Habang nakatitig sa mga inosenteng mukha nang dalawang matandang nasa harapan ko ngayon. Kitang kita ko ang kanilang labis na kagalakan at pananabik nang makita ako. Kaya lang, hindi ko alam kong papaano- paano sisimulang sabihin at ipaliwanag ang totoong pakay ko- kung bakit andirito ako ngayon.
"Kathy, halika apo, pasok ka dito sa loob.." Pagkuway. Masiglang alok sa akin ni Lola Esmeralda. Nanatili lang kasi akong nakatayo sa harapan nang pinto at hindi makakilos nang sandaling iyon. Napalunok ako nang mariin, bago pasimpleng nagbaling sa aking likuran. Saglit na tinitigan ang kasama kong, halatang labis ang kabang nararamdaman."Uhm, ang totoo po niyan- m-may kasama po kasi ako e.." Naalangan ko namang turan. Nang muling humarap sa mag-asawang, bakas na sa itsura ang labis nang katandaan. Pero pilit paring nilalabanan at nakikipagsapalaran sa bawat hamon nang buhay. Ni wala man lang kaalam-alam, kong anong nangyayari sa paligid. Kung anong kalagayan ngayon nang nag-iisa nilang anak.. Lihim tuloy akong napa buntong hininga. Sabay mabilis na nag-iwas nang mukha.
Napapahinga nang malalim, bago muling humarap sa kanila. "Ah- huwag po sana kayong magugulat kung--." Natigilan nang muli kong balingan si Cindy. Awtomatikong napangiti pero bakas parin ang pag-aalangan sa kanya. Marahang kumapit sa kanan kong braso, matapos kong ilahad ang isang palad ko. Bago pa man kami nagtungo dito, ini-isa isa ko nang ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Tsaka, nabanggit na din pala ni Tita Ingrid nito ang tungkol sa kanyang grandparents.
"La- Lolo, s-si Cindy po, ang inyong nag-iisang APO.." Hugot ko nang malalim na paghinga. Bago ko dahan dahang hinarap si Cindy na ngayo'y, mahigpit paring naka-hawak sa akin.. Halos pareho lang ang naging reaksyon nang dalawang matanda! Para silang nakakita nang taong sa pag-aakalang matagal nang pumanaw at tsaka muling nabuhay.
"C-cindy apo?" Hindi makapaniwalang wika ni Lola Esmeralda. Na syang unang lumapit nang sandaling iyon.. Naka-awang ang mga labi, dahil nababakasan parin nang pagkabigla ang kanyang mukha.. Halos, hindi maka-galaw ang nanginginig at kulubot na niyang mga daliri sa kamay. Nang masuyong ina-abot ang mukha ni Shaiane..
Kasabay nang pagdampi nang mga palad nito sa mukha nang pinakamamahal ko. Ang tuluyang paglaglag ang mga butil nang luhang kanina ko pa pinipigilan..
"L-lola..." Lalo na nang marinig ko ang garalgal na himig ni Cindy, tsaka napapa-singhap. Pagkatapos, walang pag-alinlangang niyakap nang mahigpit si Lola Esmeralda ang apo. Napahagulgol nang husto, dahilan upang lalo din akong napa-iyak. Luha nang kagalakan. Maya maya ay marahan na ding lumapit ang kanyang Abuelo na si lolo Carmelito. At nakisalo sa yakap sa matagal nang nawalay na apo..
Samantalang ako, wala ding humpay sa paghabulan ang aking mga luha. Sabay pahid, gamit ang aking mga daliri at kusang napapangiti. Dahil hindi mapagsidlan ang sayang aking nararamdaman nang sandaling ito. Sa dami nang pinagdaanan ni Shaiane sa piling ko, sa pagiging makasarili nang INA nito. Lalo na itong huli, nang muntik na namang kina-kitil nang kanyang buhay. Dahil sa mga pinaghalo-halong gamot na pina-inum sa kanya nang sira-ulo kong kapatid na si Jhake!!
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam sa kanya nang awa. Hindi ko din mapigilang mapatiim ang aking bagang! Tuwing naalala ko ang lahat nang nangyari- sa mga pinaggagawa ni Jhake sa kanya.. Kahit kapatid ko pa iyon, kailangang pagbayaran nito sa batas ang kanyang ginawa!! Kaya naman, nasa bilangguan na sya ngayon.
BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...