Chapter 21

1.5K 80 21
                                    

Shaiane pov..

            Hindi ko na pinatapos pakinggan ang kanilang pag-uusap at maingat na nilisan ang lugar. Bumalik muli nang kuwarto na tila wala sa sariling marahan na naupo sa gilid nang kama. Matamang napapa-isip nang malalim kung anong dahilan ni Mommy at gusto kaming makasal kaagad ni Jhake--






                  "Babe!!" Halata ang pagka gulat sa mukha ni Jhake. Pagka bukas nito nang pinto at nadatnan akong gising.. Nagkunyari nalang akong hindi ko yun pinagtuunan nang pansin at marahang nag inat nang dalawang braso. Para isipin nitong kagigising ko lang.






           "Nagising akong wala ka.." Malambing kong turan nang bumaling ako sa kanya.. Habang nanatili itong naka tayo sa may pintuan. "Nanaginip kasi ako, tapos akala ko totoo!" Kunway seryoso kong wika. Dahilan upang bigla siyang napa iwas nang tingin.







               "Ahm- babe.." Tikhim nito pagkatapos. "M-magpahinga kana ulit." Naalangang utos nito.."Nagpahangin lang ako sandali sa labas- n-namahay kasi ako." Paliwanag pa niya kahit hindi ko naman sya inuusisa. Halatang, wala sya sa huwisyo, sobrang lalim ang kanyang iniisip. Kung, inaalala nya ang tungkol sa sinabi sa kanya nang Mommy ko- bahala na ito kong sino ang susundin niya. Basta ako, gusto ko naman ang ideang iyon- ang magpakasal kaming dalawa. Bubuo nang masayang pamilya--







                 "Mahal na mahal kita Shaiane.." Bigla nitong wika. Na kina titig ko sa kanyang mga mata.. Napa titig na tila binabasa ang nilalaman nang kanyang isipan nang sandaling ito.. Ramdam kong sincere sya sa kanyang sinabi, pero habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. Lumitaw ang imahe ni Kathleen sa aking isipan na mabilis kong kinapilig nang aking ulo.







              Ngayon ko lang napagtanto na parehong pareho sila nang matang magkapatid.. "Halika nga dito!" Malambing  kong tawag sa kanya. Sinabayan ko pa nang matamis na ngiti. Bigla namang nagliwanag ang kanyang mukha, pagka tapos mabilis siyang kumilos. Lumapit sa akin at lumuhod sa aking harapan.







                "B-babe.."Bigkas ko.. Nabigla lang kasi ako, bakit  siya napa luhod. Kumabog din bigla ang dibdib ko sa ideang pumasok sa utak ko na magpo- propose na ba sya!? Kaya lang naisip ko din, saan naman sya kukuha singsing.







               Inangat ko ang kanang palad ko, pagka tapos ay masuyong hinaplos ang kanyang kaliwang pisngi. Habang nakatingala sya at tigtig na titig ito sa aking mukha. A-ano kaya kong magpakasal na nga kaming dalawa, total doon din naman papunta ang aming relasyon-






             Mariin siyang napapikit habang ninamnam ang palad kong marahang hinahaplos ang pisngi nito. Nagkaroon tuloy ako nang pagkakataong titigan ang kabuuan nang kanyang mukha. Kaya lang-- bigla nalang akong napa iwas nang tingin, dahil kusang lumilitaw ang mukha ni Kathleen sa aking isipan.







                I hate her so much.. Pati tuloy sa sarili ko nagagalit na ako, kung bakit sumasagi pa siya sa isipan ko--
"Shaiane.." Biglang nagsalita si Jhake. "Okay ka lang!" Pasimple akong nagbaling muli sa kanya at mukhang kanina pa sya naka tingin sa akin..







                "Y-yeah, okay lang ako.." Ngiti ko namang tugon. "Iniisip ko lang yung- pag uusapan namin ni tita Ingrid bukas..I- mean mamaya pala.." Alibi ko nalang.  Rinig ko naman ang paghugot nito nang malalim na paghinga. Pinagmamasdan ko ito nang marahan na siyang umalis mula sa pagkakaluhod, tumayo na sya sa harapan ko. Pagka tapos, marahang kumilos at hinawakan ang magkabila kong palad.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon