Kathleen pov..
"Kathleen!!" Sigaw ni Mama. Nagkaroon nang kumosyon sa loob nang aming tahanan. Matapos kong undayan nang malakas na suntok sa panga ang aking kapatid. Maagap namang hinila ni Minerva sa isa kong braso upang pigilan. Akmang pasusundan ko pa sana nang isa pang sakap.
Sa sobrang lakas kamuntik nang nabuwal si Jhake. Buti at maagap syang naalalayan ni Shaiane nang hinawakan siya nito sa isang braso. Sapo ang pangang nasaktan nang matalim ang tinging pinukol nito sa akin. "Ano bang problema ninyong dalawa!?" Tila nanenermon na himig ni Mama. Dahilan upang awtomatiko akong mapa baling dito. Kita ko ang sakit sa mga mata nito,ngunit pilit lang nitong itinatago.
Hindi ako manhid lalo namang hindi ako tanga! Nang harap harapang sabihin ni Jhake kay Mama na hindi ito parte sa gaganaping kasalan. Dahil mas pinili nito ang kanyang step Mom!? Kulang pa yung sapak na binigay ko, kumpara sa sakit na dinulot nito sa damdamin nang aming Ina..
"Kung iyon lang pala ang sasabihin mo, makaka alis na kayo!" Taboy ko sa kanilang dalawa. "Hinding hindi mo kami makikita sa araw nang kasal mo. Isaksak mo yan sa baga mo Jhake!!" Tiim bagang ko pang bigkas. Sabay kuyom muli nang dalawa kong kamao.
"Anak, naiintindihan ko ang pinupunto nang kapatid mo. Siya na ang kinalakhan nitong Ina." Tukoy ni Mama sa madrasta ni Jhake. "Isa pa, hindi kami kasal nang- Papa ninyo." Malungkot pa nitong paliwanag.. Kaya pala apelyedo ni Mama dala dala ko. Pero, kahit na! Bali-baligtarin man natin ang sitwasyon si Mama parin ang nagluwal sa kanya sa mundong ito.
"Buti nga, nag-abala pa kaming personal na ipaalam sa inyo--"
"Jhake!!" Maagap na saway ni Shaiane dito. At talagang somosobra na siya, nakaka ubos na nang pasensya... Naramdaman ko ang mga brasong yumapos sa akin mula sa likuran. Si Minerva, pilit akong pinapakalma.
So, kailangan ba! Kami pa itong magpasalamat sa kanya ganun ba!? Sobrang kapal talaga nang pagmumukha nang kapatid ko. Mas mainam pa nga noong wala pa kaming komunikasyon sa kanya. Tahimik ang buhay namin ni Mama- tahimik ang mundo ko. Ngayon, nagkagulo gulo na pati ang aking puso-. Mabilis kong pinilig ang aking ulo.
"Magsi-upo nga kayo.." Malumanay ngunit ma-awtoridad na utos ni Mama pagka tapos.. Mabilis na tumalima si Shaiane at iginiyang paupuin si Jhake sa may mahabang sofa. "Hindi na kayo mga bata para pagtalunan ang mga ganyang bagay.." Dugtong pa nito. Nang pasimple din akong inakay ni Minerva at tumungo sa may single couch. Pina upo ako nito tsaka siya naupo sa tabi ko.
Maluwang naman yung espasyo nang upuan at kasya kaming dalawa. Lalo at pareho kaming may kapayatan. Hindi nakaligtas sa mga mata ko nang pasimple kaming tapunan nang tingin ni Shaiane. Ngunit, pilit ko nalang itong inignora. Hindi ko na dapat iyon pagtuunan pa nang pansin, lalo na at iniiwasan kong magawi sa suot nitong engagement ring. Dahil tuwing nakikita ko ito, hindi maiwasang makaramdam nang kirot ang traydor kong puso.
"Sa makalawa na ang kasal ninyong dalawa.." Basag ni Mama sa nakabibinging katahimikan.. Rinig ko pa ang paghinga nito nang malalim. Wala kasing gustong magsalita nang sandaling iyon. "Masyado niyo yatang minamadali." Kita kong tila may gustong sabihin si Shaiane. Ngunit parang naalangan siya nang sandaling iyon..
BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...