Kathleen pov..
Matagal ko nang hindi ginagawa ito, pero mukhang kailangan ko ito ngayon. Kaya naman pagka tapos naming mag usap ni Mama, umalis muna ako saglit gamit muli ang motorsiklo para lang bumili nang isang kahang sigarilyo. Hithit buga lang ang ginagawa ko habang napapa buga nang hangin dito sa labas nang aming bahay.. bahagya pa akong nahilo dahil hindi na ako sanay.
Naka tatlong stick na ako pero hindi parin mawala wala yung kaba sa dibdib ko. Na nagsimula ito kanina nang magtama ang aming mga mata ni Shaiane. Hindi sya si Cindy.. Paulit ulit ko namang turan sa aking sarili, habang nilalaro ko ang usok sa aking bibig. Bigla pa akong napa tingala at napa angat nang tingin maramdaman kong tila may mga matang nakamasid sa akin.
Dun ko napansin ang naka bukas na bintana nang isang kuwarto sa tapat ko, na kina kunot nang aking noo. Bukas ang ilaw at bahagyang naka lihis ang kurtina. Kaya lang lalong napa kunot ang aking noo nang wala naman akong makitang tao doon.. napa iling nalang ako at muling nag labas nang isang stick nang sigarilyo. Guni guni ko lang marahil iyon..Kaagad kong sinindihan gamit ang hawak hawak kong lighter. Pagka tapos ay mabilis na muling hinithit ito.
Napapa mura pa ako sa isip ko dahil kung ano, anong pumasok sa utak ko nang sandaling ito. Hindi ko maiwasang mapa isip kong, sa iisang kuwarto lang ba matutulog si Jhake at---
"Hi Kathleen.." Napa singhap nalang ako nang biglang may tumatawag sa pangalan ko, sa pagka bigla ay napa hawak nalang ako sa aking dibdib.. Kate-lyn kasi ang dinig kong pag bigkas nito na kina kabog nang dibdib ko. Nagtataka tuloy ako dahil hindi ko man lang narinig ang pag bukas nang pintuan.. Pero nagpasya akong hindi siya nilingon, nanatili lang akong naka talikod sa gawi nya at alam kong nasa malapit na sya.
"Bakit gising ka pa.." Pormal kong wika sabay hithit nang husto sa hawak kong yosi. Narinig ko naman ang pag hugot nito nang malapit na paghinga. At ang hindi ko inasahan ay ang basta nalang nya hinablot ang hawak kong stick. Dahilan para mapa baling ako sa kanya..at kita kong hinithit nya iyon. Na walang ka arte arte to think na sumayad na iyon sa labi ko. Bigla tuloy syang napa ubo nang malakas pagka tapos.. at basta nalang hinagis ang yosi sa damuhan
Inubo sya nang husto at halatang hindi naman kasi ito sanay sa paninigarilyo.. "Yan kasi!" Naiiling ko naman turan na may halong panenermon.."Gusto mo pa!" Pang aasar ko pa na kina baling nito sa akin sabay iling, na kina ngisi ko naman.. "Pasok kana sa loob, maginaw dito.." Pasimple ko pang taboy sa kanya. Dahil sa totoo lang, hindi magandang idea yung ganito sya kalapit sa akin.
"Ahm- hindi kasi ako maka tulog.. namahay yung katawan ko! Nasanay na kasi ako sa kuwarto ko sa b-bahay.. Ngayon lang ako nag beyahe nang ganito kalayo.." Hugot nito nang malalim na paghinga.. pagka tapos ay bahagya parin syang napapa ubo. Sabay halukipkip pa nito na halatang ramdam ang ginaw, kahit na sobrang kapal ang suot nitong pantulog.. Gusto ko sanang itanong sa kanya si Jhake-- "Kakatukin ko sana si Jhake sa kabilang room nang masilip kita sa bintana kaya nagpasya na akong bumaba. Gusto ko lang nang may maka usap, baka kasi tulog na din sya. Napagod magdrive mula bulacan hanggang dito..." Tukoy uli nito sa kapatid ko, na tila nabasa ang nasa isip ko.
Medyo lumuwag naman ang aking paghinga nang hindi ko mawari, nang malamang hindi sila nag stay ni Jhake s sa iisang kuwarto. Na dapat wala na akong pakialam sa bagay na yun, dahil natural yun, mag nobyo nga sila..

BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...