Chapter 23

1.5K 93 19
                                    

Kathleen pov..

                   "Tita!!" Mabilis na dinaluhan ni Jhake si Mommy Susanne na naka handusay sa may sahig. Kinarga niya ito na parang bulak lang sa sobrang gaan, pagkatapos- nagmamadaling dinala patungo sa kanyang sasakyan. Gosh! Sobrang na shock ako sa nasaksihan nang dalawang mata ko. Pero mukhang mas malala pa ang naging reaksyon ni  Shaiane, dahil natulala nalang ito ni hindi magalaw sa kanyang kinatatayuan.






            "Ate bilis na tulungan mo ako.." Hinihingal na sobrang pagpapanic na mando sa akin nang aking kapatid-- Ha? A-ano bang gagawin--   natataranta yung isip ko kaya lang hirap namang kumilos ang  mga paa ko.







             M-may sakit si m-mommy Susanne, hindi lang basta sakit kundi malala na iyon. Paano kong ngayon pa sya sinumpong at-- oh God! Huwag naman po sanang magkatotoo ang tumatakbo sa isip ko nang sandaling ito.  Dalangin ko.. "Ate please.. bilis na!" Untag muli sa akin ni Jhake habang tagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Parang wala ako sa sariling napa hakbang  palapit sa kinaroroonan nito.  Nagsenyas itong buksan ko ang pintuan sa backseat at kahit nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang nerbyos, pinilit ko paring  binuksan iyon..







            Wala paring malay si Mommy Susanne habang buhat buhat sya ni Jhake. Maingat at marahan nya itong pinahiga sa may upuan. Pansin kong namumutla nang husto ang kanyang itsura.. Ewan kong magigising pa, para kasing hindi na humihinga! Sobrang kabog nang dibdib ko habang kagat kagat ang daliri ko sa kamay. A-ano nang susunod na gagawin--







           "Babe let's go!! Kailangan na nating madala si Tita nang hospital.." Si Shaiane naman ang kanyang binalingan at lalong  nataranta, base na rin sa boses  at ekspresyon nang kanyang mukha. Ngunit tila wala paring balak kumilos itong isa.







              "Babe!!"  Untag nyang muli. Doon biglang napakurap kurap ang mga mata ni Shaiane, pero hindi parin sya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Rinig ko ang mahinang pagmumura ni Jhake, sa sobrang frustration na rin siguro. Pagka tapos, mabibigat ang habang nitong nilapitan at inakay si Shaiane.







               Naka sunod naman ang paningin  ko habang  habang akay akay ni Jhake ang kanyang nobya-- nang biglang napa hinto ang huli nang saktong tumapat sila sa akin. "Anong ginawa mo sa kanya!?" Tiim bagang niyang hiyaw  sa mukha ko na aking kinagulat. Lalo na nang sobrang talim ang tinging pinukol nito sa akin.. A-ako, bakit ako ang sinisisi niya sa nangyari, wala naman akong kinalaman kong--







            "Nag-usap lang kayo diba, pagkatapos nun-- pagbalik nya sa loob nang bahay namumutla na sya. Ni hindi na sya maka-usap nang maayos.. Anong ginawa mo?? Tinakot mo ba o pinagbantaan mo ba ang m-mommy--"






           "Babe, sayang ang oras. Mamaya na pag-usapan yan!! Kailangan na natin madala kaagad si Tita sa hospital.."  Madaling utos muli ni Jhake dahilan upang biglang naputol ang sinasabi nito sa akin. Napalunok ako nang sunod sunod habang nanginginig na pati ang  buo kong katawan. Bakit ba nya ako pinagbibintangan sa wala naman akong kinalaman. Ang totoo, sobra sobra ang pag-aalala  sa kalagayan ni Mommy Susanne.








            "Kaya mo ngang patayin ang sarili mong girlfriend diba, paano kong sa ibang tao pa kaya!!" Makahulugan pa nyang turan nang muli syang bumaling sa akin bago sya tuluyang pumasok nang sasakyan.  Pagka tapos, pabalyang sinara ang pintuan sa may backseat na kina pitlag ko pa. Siya ang umalalay kay  Mommy Susanne na sana ako dapat ang gagawa nun. Kaso-- wala man lang akong nagawa.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon