Chapter 19

1.5K 76 2
                                    

Kathleen pov..


               Papaano nangyari yun!! Cindy..  Kumabog nang husto ang dibdib ko, labis na natataranta at nagmamadali akong umalis. Tinungo ang pinaglibingan sa namayapa kung girlfriend. Yung kaba ko, yung kutob ko- may iba akong pakiramdam nang sandaling iyon..





          Lakad  takbo ang ginawa ko paakyat nang bundok, di alintana kahit halos kanda tisod at kanda subsob na ako sa mabatong daanaan. Pero wala na akong pakialam, hindi ko iyon ininda, dahil ang nasa isip ko lang ay makita at malaman ang totoo.. Hindi ako maniniwala hangga't hindi nakikita nang dalawang mata ko.







             Cindy.. Hingal na hingal man sa   pagod sa pagpanik sige parin. Buong isang bundok kasi ang sakop nang sementeryo dito sa lugar nang yumao kong girlfriend..  Kaagad kong hinagilap ang pinaglibingan sa kanya, hanggang sa marating ko na at--






          No!! Hindi ito maari..  Triple ang kabog nang aking dibdib at para akong naubusan nang lakas nang basta nalang napaluhod sa harapan nang isang bakante nang lote."Cindy..'' Bigkas ko. Nanginginig ang buo kong katawan at sunod sunod na naglandas ang luha sa aking mga mata. A-alam ko dito lang  iyon e, dito ang- hindi ako maaring magkamali.







           Mariin kong isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok sa frustration..  B-bakit hindi man lang nila sinabi sa akin na ganito ang kanilang gagawin. Sa tinagal tagal nang panahon na dito nakahimlay si Cindy paano nila nagawang ilayo sa akin.. Napahagulgol na ako nang tuluyan.






          Alam nang pamilya ni Cindy kong gaano ko sya kamahal at nagpapasalamat din ako sa kanila nang husto dahil kahit ganun yung nangyari.. Tinanggap parin nila ako--





           -flashback






           "Ma.." Daing ko. Kumilos ako kaya lang ramdam ko ang sakit at bigat nang buo kong katawan. Lalo na ang kanan kong braso. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay na recognize ko parin ang aking Ina na naka upo sa aking gilid. At nababakas ang pag-alala sa kanyang mukha.






           "Nauuhaw ako.." Muli kong bigkas. At napalunok nang maramdaman ko ang panunuyo nang aking lalamunanAsan ba ako at bakit--






                 "Kathleen anak??" Natatarantang turan ni Mama. Mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo at maluha luhang masuyong hinaplos ang aking pisngi. Ramdam ko ang init nang kanyang palad na kina ngilid din lang luha ang aking mga mata. Muli kong ibinuka ang bibig ko kaya lang tila nauubusan ako nang lakas.






            "Anak, maraming salamat sa Maykapal at gising kana.." Tuluyan na syang napahagugol na kinapag taka ko naman. Bakit-- ano bang nangyari? "Limang araw ka nang walang malay at sabi nang doctor tila milagro nalang kung magigising ka pa!" Litanya nito na para bang nababasa kong anong nasa isip ko ang sandaling iyon.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon