Chapter 37

1.2K 68 19
                                    

Shaiane pov..


                 "B-bitawan niyo ako! Hindi ako baliw.." Hiyaw ni Mommy. Nagwawala nang husto at pilit na nagpupumiglas sa apat na kataong humahawak sa kanya. Awtomatiko naman akong napa-iwas nang tingin matapos makitang pwersahang nilalagyan nang posas ang kanyang mga kamay.






           "Hoy ikaw, psstt babae!" Muli akong napabaling sa kanya. Napapasinghap nalang, dahil ako pala ang kanyang tinatawag at dinuduro-duro nang sandaling iyon. "Tulungan mo naman ako..'' Biglang nagbago ang ekspresyon nang mukha nito. Naging kaawa-awa at nagsimulang maghabulan ang mga luha.






            "Saan ba kasi nila ako dadalhin! Baka mamaya- sa malayo- malayong lugar at hindi ko na makikita yung anak ko.." Sumikip bigla ang dibdib ko. Subalit pilit kung huwag magpakita nang kahit anumang emosyon sa kanya. Matapos ang ilang saglit, bigla na naman itong napahagalpak nang tawa. "Tara na, hinihintay na ako ni Kathleen.." Pagkuway, baling nito sa isang lalaking nurse.






              Buti pa nga si Kathleen, lagi nitong binabanggit-- "Jhake halika na!" Tawag pa niya  dito. ''Di ba, nakahanda na yung surpresa natin sa babaeng iyon!?" Muli nitong halakhak. Nagsenyas nalang akong tuluyan nang ipasok si Mommy sa loob nang Ambulansiya.







             Masakit mang makitang ganyan ang kanyang kalagayan, kaya lang kasi.. Hindi na talaga normal ang mga kinikilos nito. Labag man sa aking kalooban, kailangan na syang dalhin sa pagamutan. Sabi nang doctor- drug addiction daw!?  Yung tipong si Mommy na ang nagtuturok sa sarili nang matataas na dosage nang gamot sa katawan nito.. Dahil na rin sa pagkakaroon niya nang panic dis-order dati- dati pa noong dalaga pa sya.






             Magmula noon, hindi na pala nawala iyon sa kanya. Pero, malaki pa naman ang chance na gumaling si Mommy nang tuluyan basta dire-diretso lang ang kanyang therapy. At magtatagal sya rehabilitasyon nang anim na buwan, o higit pa. Depende daw iyon, hangga't hindi umaayos ang kanyang kalagayan.







              Napakurap-kurap ang aking mga mata nang tuluyang kumawala ang aking mga luha. Lalong lalo na nang maramdaman ang masuyong paghagod ni Tita Ingrid sa likod ko. Pero mabilis at marahas din lang akong nagpahid nang luha.
Kasalukuyang nakatayo sa tabi ko, habang pinagmamasdan naming dalawang ipinapasok si Mommy sa loob nang naturang sasakyan. "Magiging maayos din ang lahat Shaiane.." Malumanay pa nyang pag-alo sa akin.






           
          Imbes na hindi na sana aabutin nang isang linggo dito sa Maynila, wala akong choice! Hinga ko nang malalim. Kailangan ko munang mag-stay nang ilang araw pa dito, basta hindi ko pa masabi. Sana lang, maiintindihan ako ni Kathleen- muli akong nagpakawala nang buntong hininga. Ni hindi ko man lang syang maharap na tawagan sa sobrang busy ko. Dumagdag pa itong nangyari kay Mommy.. Hilot ko nang sentido, dahil nararamdaman kong napapadalas na namang kumikirot ang ulo ko.







         "Mabuti pa Hija, magpahinga ka na tayo pare-pareho. Lalo ka na at marami pa tayong aasikasuhin bukas.." Pagkuway untag nang aking Tita Ingrid ko. Naka-alis na yung sasakyang magdadala kay Mommy sa mental hospital. Pero, hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Ang totoo niyan, doon ako kila Tita Ingrid nakatira hindi sa sarili naming bahay.






            Wala naman talaga akong balak umalis at iwanan saglit si Kathleen. Kung hindi lang ako naawa din dito sa Tita ko, alam kong marami din syang gustong gawin sa buhay. Kaya pilit na nitong pinapasa sa akin ang pamamahala at pangangalaga sa mga negosyo nang Daddy ko.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon