Chapter 11

1.7K 86 3
                                    

Kathleen pov..

                   "Wow!! Ang ganda naman dito.." Namamanghang bulalas ni Shaiane. Na halos talunin na nya ang sasakyan nang makarating kami sa aming destinasyon. Napapa ngiti nalang ako at napapa iling, halata kasing first time lang nyang maka punta sa ganitong lugar.






             Marahan akong lumapit sa kanya pagka park ko nang maayos nang dala naming sasakyan. Habang naka pamulsa ang aking dalawang palad sa bulsa nang suot kong rip jeans. Nakatutuwa lang pagmasdan nang aking dalawang mata ang tinatanaw nito na kahit dito ako sa lugar na ito namulat at lumaki, hindi ko pagsasawaan..






                 Dumating man ang pinaka matinding dagok sa buhay ko. Itong lugar na ito ang naging comfort zone ko kasama ang mga totoo kong mga kaibigan.






                   Marahan akong napa baling kay Shaiane.. Medyo malakas kasi ang hangin dahilan para malayang nililipad ang  mahabang unat na unat at naka  lugay nyang buhok. Pagka tapos ay inaalon alon ang laylayan nang kanyang suot na dress na taas nang tuhod. Na lihim kong kina buga nang hangin sabay ngiti. Hindi naman kasi talaga match yung kanyang outfit dito sa lugar na pinuntahan namin.






                "Ang ganda naman dito Kate!!" Namamangha parin nitong sabi sabay naka ngiting nag baling sa akin na kina tigil ko. Nahuli nya kasi akong naka titig sa kanya.  At unti unti  kina wala nang pagkaka ngiti sa aking mga labi. Hindi dahil sa nahuli nya ako kundi-- Tama ba yung pagka rinig ko!? Tinawag nya ako sa nickname ko--






                "Shaiane...." Halos hindi lumabas ang tinig ko sa pagkaka bigkas  sa pangalan nito.. Habang hindi ko inaalis ang pagkaka titig ko sa kanya. ''U-ulitin mo nga yung sinabi mo!" Turan ko.  Bahagya pa akong nautal, sana lang hindi nya iyon napansin.. Kaya lang, bigla nalang naglaho ang  masigla nyang awra na nasilayan ko kani-kanina lang. Napalitan iyon nang biglaang pagka lito.






                 "Ahm-" Tikhim nya. Napa kurap kurap pa ang malamlam nyang mga mata. Tila nag iisip nang mabuti kung ano ba yung tinutukoy ko na sinabi nito kanina.. Bigla bigla din ang pag bilis na pagkabog nang dibdib ko nang hindi ko maunawaan. Sa totoo lang matagal ko nang hindi naransan ang ganitong pakiramdam.







                   "Ang ganda dito sa pinagdalhan mo sa akin Kat-- Kathleen." Tila naalala, at pag uulit nya. Pero naiba na, buong pangalan ko na ang binanggit nya.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit nakaramdam ako nang pagka dismaya..Tila naguguluhan naman  sya na naka titig sa aking mga mata. Dahilan para bigla akong napa iwas nang tingin. Namali lang pala ako nang dinig! Lihim nalang akong napa buga nang hangin. Bakit ba kasi nagpapadala ang damdamin ko sa mga naririnig ko? Hindi nga kasi Cindy ang kasama mo!  Tuya nang isipan ko.Naiinis tuloy ako sa aking sarili.





              "Halika na nga at doon tayo.." Aya ko na sa kanya.. Na sinabayan ko pa nang marahas na pag hugot nang malalim na paghinga.Sabay pilig nang aking ulo, para iwaksi kong ano-anong pumapasok sa utak ko.






                Ni hindi ko na sya hinintay na sumagot at nauna na akong naglakad, patungo sa direksyon nang may makitid na daan. Ito lang kasi ang tanging pwedeng dadaanan patungo sa aming lumang tirahan. Na naka tayo pa  sa gitna mismo nang malawak na bukirin na pag aari nang aking ninuno.  At dahil sulong anak ang Mama ko, sa kanya lahat pinamana ang lupaing ito.






                  
               At ang bahay na iyon ay hindi namin binago pa kahit na dumaan man ang maraming taon. Luma nang tignan pero matitibay ang materyales na ginamit. Kaya kahit ilang bagyo at unos ang dumaan at  dumating hindi yun kayang sirain o wasakin--






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon