Chapter 5

1.8K 85 4
                                    

Kathleen pov..

               Maayos ko nang naipark ang sinakyan kong motorsiklo, pagka tapos nun ay in off ko na ang makina tsaka mabilis na nag tanggal nang helmet.. sinipat ko ang suot kong wrist watch at napapa buga nang nang hangin nang makitang late na ako para sa hapunang ito. Dahil pasado alas nuwebe na nang gabi, huwag lang sana akong masermuna ni Mama. Lalo na at--





                Hiniram ko na nga lang itong motorsiklo sa kaibigan kong si Jun para mapa bilis ang uwi at iniwan ko na muna sa bahay nila ang owner type jeep na sasakyan kong pumupuntang farm.. Pansin ko naman ang isang kulay itim na bagong model nang sasakyan  na naka park malapit sa truck na ginagamit namin na mag beyahe nang palay..






                 Napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga nang maalala na ngayon nga pala ang dating nang kapatid ko at- ang girlfriend nito. Pinilig ko ang aking ulo pa iwaksi ang kabang aking naramdaman bago nagpasyang humakbang patungo sa main door nang bahay namin. Pansin kong naka bukas pa ang lahat nang ilaw, ano kayang ginagawa nila--







           Pinihit ko na ang doorknob at hindi iyon nakalock, kaya naman marahan ko na itong binuksan. Muling isinara at ini lock ko na nang tuluyan na akong maka pasok sa loob nang bahay. Dahan dahan akong humakbang patungo sa may sala para ilapag sana ang hawak hawak kong helmet nang may naulinigan akong mga boses sa may dining area.






                  Mga gising pa pala!Turan nang aking isipan. At basta nalang akong pumihit sa direksyon nang may kusina banda at nawala na sa isip ko ang plano kong ibaba ang hawak kung helmet. Tila may sariling isip ang mga paa ko at dire-diretso ang hakbang patungo sa kung saan palapit na palapit ang naririnig kong mga boses.







                  "Ma?" Tawag ko at halos sabay sabay silang napa baling sa akin direksyon. Kasalukuyan palang silang nagsasalo nang masarap na hapunan. Unang napa dako ang tingin ko kay Mama na marahan naman syang napa tayo mula sa pagkaka upo nang sandaling ito. Andito din pala si aling Betty yung tinatawag ni Mama tuwing nagpapa tulong ito sa mga gawaing bahay.. kasalo din sa hapunan---







                Jhake... Bumilis yung kabog nang dibdib hindi dahil sa tagal na panahon ay magkikita na kaming muli nang kapatid ko. Kundi napako ang atensyon ko sa isang babaeng katabi nang kapatid ko mula sa pagkaka upo.. At saktong nagtama ang aming mga mata, para akong natuklaw nang ahas nang sandaling ito at- hindi ako maka galaw..







             "Ahm- Kathleen anak!! Halika na at makisalo kana nang hapunan.." Napa kurap kurap ang aking mga mata nang biglang magsalita si Mama. No, hi-hindi sya.. namamalikmata lang ako! Namamalikmata ka lang Kathleen.. Turan ko sa aking sarili. "Bakit may hawak hawak kang helmet!?" Dun ako nagbalik sa huwisyo nang muling mag salita si Mama.







              Pilit kong binaling ang atensyon ko sa kanya.. Tumitig sya sa akin nang makahulugan sabay baling sa hawak kong helmet na dala dala ko pala hanggang dito sa may kusina.
"Ah- hiniram ko po kasi yung sasakyan ni Jun, napa sarap na naman kasi ang kwentuhan namin sa farm." Paliwanag ko pero matalim parin ang tinging pinukol nito sa akin.







            ''Hi ate.." Biglang turan nang aking kapatid, iniiwasan ko na ngang magawi ang tingin ko sa kanyang direksyon.  Kaya lang no choice naman ako-- "I'm sorry.." Ni hindi ko namalayang naka lapit na pala ang kapatid ko sa akin at bigla nalang akong sinunggaban nang mahigpit na yakap. Napa singhap nalang ako, hindi ko malaman kung gaganti ba ako nang yakap.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon