Chapter 16

1.7K 90 18
                                        

Shaiane pov..

                  Kita ko ang pagka gulat sa mukha ni Kathleen bago pa sya napa iwas nang tingin.







                  "B-bakit naman kita iiwasan.." Patay malisya nyang wika na kina awang nang labi ko.. Bakit kailangan pa nitong mag deny!? Rinig na nga nang dalawa kong tainga--   "Tsaka hindi mo ba alam na masamang makinig sa usapan.." Dugtong pa nya.  Sabay talikod nito at mukhang balak na nyang pumasok sa loob nang kuwarto.. Napa singhap nalang  ako dahil parang piniga ang puso ko sa huling sinabi nito.






                 Gosh!! Masama bang magtanong?  Buti sana kong hindi ako involved dito.. Kaso- totoo namang gusto nya akong iwasan para narin daw kay Jhake at kay Cindy!?  Sino ba kasi ang Cindy na yun- paano kung iisang tao lang pala sila nang laging nilalaman nang panaginip ko!







             Kailangan ko din naman nang  kasagutan sa mga matagal nang bumabagabag sa isipan ko.. Dahil nahihirapan na din ako, sa ilang taon ko nang nararanasan ang lahat nang ito na para bang- nangangapa sa dilim.. Papaano kong dito ko pala mahahanap ang lahat nang kasagutan! Napa kurap kurap ang aking mga mata at kasabay nun ang hindi ko na napigilang paglandas nang masaganang luha sa aking pisngi.







             "I'm sorry..." Hingi nito bigla nang paumanhin nang muli syang napa harap sa akin.. "Sorry sa mga nasabi ko.." Hugot pa nito nang malalim na paghinga.. Ni hindi ako makapag salita sa harapan nito ngayon, dahil kahit anong pigil ko, tuloy tuloy parin ang pag agos nang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam bakit sobrang nasaktan ako sa sinabi nito!






               Samantalang ito naman  walang  humpay sa pag hugot niya nang malalim na paghinga.. ''Tahan na kasi..." Pag alo pa niya na kina ramdam ko nang malamig na hanging humaplos sa aking puso.. Na kina kagat ko nang pang ibabang labi ko. Nakaka inis kasi- dahil lalo lang akong napa iyak nang sandaling ito. 








                "Kathleen please..." Kusa nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon..Hindi ko alam kong para saan yung paki-usap ko na yun nang basta ko nalang inabot ang isang palad niya. Pagka tapos ay mahigpit ko itong hinawakan. Gusto ko ulit banggitin sa kanya si Cindy, gusto kong pag-usapan--







                    "Shaiane- kalimutan nalang sana natin kong anuman ang nangyari nung nagdaang gabi.." May lungkot sa himig nyang wika.. "H-hindi kasi yun tama.." Pagka tapos ay seryoso itong napatitig sa aking mga mata. Alam ko naman yun- alam kong mali,maling mali at nakokonsensya ako para kay Jhake. Pero- kung yung puso ko ang tatanungin, hindi ko pinagsisihan ang lahat. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kong bakit!?






               Masayado na akong naguguluhan sa mga pangyayari, sa pagbabago nang tibok nang puso ko nang ganun nalang kabilis.. Gusto ko din lang naman maliwanagan lahat at pagka tapos nun-- aalis na ako. At hinding hindi na ako babalik dito. I mean- hindi ko alam kong mapapatawad pa ako ni Jhake sa nagawa ko.








             Sa ilang buwan na naming magka relasyon-- andun yung respeto. Gusto nyang malinis akong iharap sa altar.. Tapos sa isang iglap lang, binigay ko ang sarili ko nang buong puso sa taong kakakilala ko lang! At sa isang babae pa--







              "Shaiane!!" Tarantang bigkas nito. Bigla nalang akong nakaramdam nang pag kirot sa aking sentido na sinabayan pa nang pagka hilo.. Dahilan para, muntik na akong mawalan nang balanse, nang maagap akong nasalo ni Kathleen.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon