Shaiane pov..
"Kathleen ano pang ginagawa mo dyan!! Bilisan mo na at tulungan mo kami sa may kusina." Mabilis kong pinahid ang mga luha sabay napa iwas nang tingin kay Jhake pagkarinig nang boses sa di kalayuan. Kung ganun, nakabalik na sya mula sa paghatid doon sa haliparot na Minervang iyon!
Sa palagay ko naman hindi kami kita dito dahil medyo kubli at malago itong halamanan. Kung saan ako naabutan ni Jhake nang basta nalang ako nag walk out kanina.. Alam kung kabastusan yung naging asal ko sa harapan nang Mama nila, kaya lang kasi- hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pigilin ang aking emosyon, gulong gulo na ako sa totoo lang.
"Shai.. Kung kelan naman malapit na yung kasal tsaka ka nag-iinarte nang ganyan!" Pagka rinig sa sinabi nyang iyon ay muli akong napa harap dito. Nagbabantang tingin ang pinukol ko sa kanya. Pag-iinarte pa ba ang tawag dito!? God! Sa palagay ba niya ginusto ko to' tong nararamdaman ko ngayon!! Mahal ko naman sya, kaya lang..
Muli namang naglandas ang aking mga luha halos pigilin ko na ang sariling mapa hikbi. Hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako, parang may punyal na tumarak sa puso ko nang makitang magkasama si Kathleen at Minerva. Napupuyos ang aking damdamin.. Hindi ko ito dapat maramdaman, dahil para saan- diba galit nga ako sa kanya! Kinamumuhian ko sya!!
Hangga't maaari sana, ayoko nang tumuntong sa lugar na ito. Kung hindi lang kailangan ayoko na talagang sumamang tumungo dito-- Pero kahit anong pag-iwas ang gawin mo hindi natuturuan ang puso kong sino ang tinitibok nito. Biglang sabat nang isip ko. M-mahal ko sya? Bumilis bigla ang tibok nang puso ko, sa katanungan kong iyon. Oh God. Matagal mo nang nasagot ang bumabagabag saiyo Shaiane.
No!! Kontra ko kaagad sabay mariing naisabunot ang mga daliri sa aking buhok. Naramdaman ko din ang pag kirot nang aking sentido. "Nag-aagaw buhay na ang iyong Ina, ito nalang ang kaisa isa niyang kahilingan bago man lang niya lisanin ang mundong ito. Mahal na mahal kita Shai at tutuparin ko ang lahat nang pinangako ko sa Mommy mo." Muling nagsalita si Jhake.
Akmang dadaluhan sana ako nang yakap, pero maagap ko syang naitulak nang bahagya. "Please Jhake, gusto ko munang mapag-isa sandali.." Mahina kung turan. Halos ako lang yata ang nakarinig sa sinabi kong iyon. Rinig ko naman ang paghugot nito nang marahas na paghinga.
"Hindi na natin mababago kung anong dapat na maganap.. Alalahanin mo at isipin mo sana ang kalagayan nang Mommy mo." Ewan, pero parang may pagbabanta sa himig nito Bago sya nagpasyang talikuran ako at tuluyang humakbang palayo.
Nayakap ko ang aking sarili at mariing pinikit ang aking mga mata.. Kasabay nang pigil na paghikbi, hinayaan ko nalang nang walang humpay ang pag-agos nang aking mga luha. Bakit ako nasadlak sa ganitong sitwasyon, ang hirap sobrang hirap.. Napa tingala ako pagkatapos, nasilayan ang mga kumikinang at ibat ibang kulay na bituin sa kalangitan.
Cindy. Tulungan mo naman sana akong magpasya. Bigla nalang iyon sumagi sa aking isipan.. Simple lang naman, kung nagdadalawang isip ka may oras ka pa para umatras sa kasal. Pero habang buhay na dadalhin nang iyong konsensya ang pagsuway mo ang kaisa isang kahilingan nang iyong INA. Ngunit kung pikit mata mong tatanggapin ang nakatakda para saiyo-

BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...