Shaiane pov..
Bahagya akong napa ungol at dahan dahang kumilos sa higaan. "Good morning babe..." Hmmnn... Marahan akong nagmulat nang-- Kathleen?? Mga malamlam na mata ang unang unang nasilayan nang aking paningin na tuluyang kina gising nang diwa ko. Kaya lang--
"Jhake!!" Bigkas ko nang mapagtanto ko na ang boyfriend ko pala ang naka ngiting naka tunghay ngayon sa harapan ko.. "Ahm." Tikhim ko pa bago ako tuluyang kumilos at umayos nang upo at sinandal ko ang aking likod sa headboard nang kama. "Morning!!"
Bakit si Kathleen ang unang nakita at pumasok sa isip ko nang matitigan ko ang mga mata ni Jhake? Dahil ba sa pagkakapareho nang mga mata nilang dalawa-- teka-- bigla kong naalala. Ano bang nangyari sa akin kahapon! Pinakiramdaman ko kung kumikirot pa ang ulo ko pero wala na akong maramdamang kahit konting masakit sa aking sentido.. Ano kaya yung nangyari na yun sa akin kahapon? Marahan tuloy akong napa hilot sa aking sentido..
''Kamusta na ang pakiramdam mo babe? May- may masakit pa ba sayo?" May pag aalalang himig nito. Pagka tapos ay marahang umupo sa gilid nang kama. Dun ko lang napansin na bihis na bihis sya at parang may importanteng lakad?
Bigla bigla din akong nakaramdam nang kaba nang maalalang. May balak na pala ito kahapon na uuwi na kami nang Palawan.. Which is, ayoko pa-- hindi pwedeng aalis kami nang ganun nalang! "Ouch!!" Kunway pag arte ko na sumasakit parin ang aking ulo.." Tiyak kasi na kapag ganito yung kalagayan ko hindi sya magpupumilit na uuwi.
"Ba-babe.. baby!" Taranta nyang turan at maagap nya akong dinaluhan.. "Are you alright babe? Dadalhin kana kaya namin sa hospital..." Niyakap ako nito nang mahigpit. Na lihim ko namang kina ngiti nang sandaling ito. I'm so sorry Jhake, pero- gusto ko munang mag stay dito.. Hindi ko maintindihan, tila may nagdidikta sa isipan kung- kailangan ko munang--"
"Papaano-- kita iiwan sandali nyan kung ganyan naman ang kalagayan mo. Nag aalala na ako nang husto sayo---"
"Ahm- aalis ka? Saan ka pupunta?" Sunod sunod ko namang tanong. Na para bang biglang nawala yung matinding sakit nang aking ulo, na hindi naman talaga masakit!
"Sasaglit sana ako nang Maynila, tumawag kasi si big boss. Nagpapa tawag nang emergency meeting.. Babalik din sana ako dito Babe--"
"It's okay.. Ayos lang ako dito Babe." Putol ko naman kaagad sa sinasabi nito. At pakiramdam ko naka hinga ako nang maluwag nang sandaling ito. So, hindi naman pala sya mag aayang umuwi. Ano kayang nagbago sa desisyon nya? O baka narealize na nitong-- may dahilan ang pagsisinungaling nang kanyang Mama..
Bahagya itong napa layo nang katawan para matitigan nya ang aking mukha. "Are you sure na ayos ka lang- na ayos lang sayo na maiwan muna kita-" Hindi pa nito natatapos ang sinasabi nang sunod sunod na akong napa tango bilang tugon. "Okay babe, tatawagan kita, kakamustahin kita parati okay!" Pagsang-ayon na nito na lihim kong kina kagat nang pang ibabang labi.
Bakit ba nakakaramdam ako nang galak sa aking puso na, iiwanan ako ni Jhake sandali. Samantalang- hindi ko pa naman lubusang kilala ang mga tao dito. Pero- pakiramdam ko sobrang panatag ang puso at isip ko.. Bigla namang bumukas ang pintuan nang kuwarto na halos sabay naming kina baling ni Jhake.
Iniluwa mula roon ang seryosong mukha ni Kathleen na kina bilis nang kabog nang aking dibdib na hindi ko maunawaan nang magtama ang aming mga mata..
"Ahm- ayoko sana syang iwanan-" Hugot ni Jhake nang malalim na paghinga. Kasabay nang marahan nitong pag alis sa ibabaw nang kama.
BINABASA MO ANG
"Only For You" (gxg)
RomanceGirl to girl story: Hi guys, by the way I'm Shaiane Cabrera (Macarena Achaga). Namulat sa isang marangyang buhay, hindi ko pa nga hinihingi ay ibinibigay na at sobra sobra pa.. Nakatapos sa pag aaral may propisyon pero ayaw naman akong...
