Chapter 26

1.6K 67 29
                                    

Kathleen pov..


                   "Minerva-- ano bang ginagawa mo.. Tigilan mo nga yan! Lasing ka na.." Saway ko dito..  Sabay maagap na napa iwas nang mukha nang akmang hahalikan sana ako sa labi.. Gusto kong matawa sa pinaggagawa nang babaeng ito, dahil medyo tinamaan na din ako sa iniinum naming brandy. Pero kahit ganun, alam ko pa namang kontrolin ang sarili ko, alam ko pa ang ginagawa ko.







                   Hindi maitatangging malaki ang pagka gusto ni Minerva sa akin matagal na. Kaya lang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay--. Bigla akong natigilan nang marinig ang kanyang pag hikbi. Anyare?? Napa awang nalang ang aking labi..








                  Naramdaman kung  dahan dahan na syang kumilos at umalis sa aking kandungan.. "Uuwi na ako!" Inis pa nitong wika pagka tapos. 







           Napa hilot tuloy ako nang sentido, dahil bigla yata akong naistress. Alam kong napa hiya sya at nasaktan sa pagtanggi ko sa gusto nitong mangyari.. Kaya lang kasi!








                  Hindi ko naman pwedeng pilitin yung sarili ko at lalong hindi ako mapagsamantalang kaibigan. Siya yung basta nalang sumulpot dito sa lumang bahay namin sa bukid kong saan ako namamalagi ngayon.Ilang araw na..  May dalang isang bote na nakakalasing na inumin at gusto daw nya akong bonding..








               Kami lang na dalawa, dahil sabi nito huwag na daw aayain si Jun.  Okay lang naman sa akin, kaya pinaunlakan ko ito. Total mukhang kailangan ko din nang makaka-usap. Hindi ko lang akalain na may ganito pala syang binalak.







             
             Mukhang ang plano nito ay malasing ako. Kaya ganun talaga ang aking pagka gulat! Halos nakalahati  palang namin yung inumin. Bigla bigla nalang itong kumilos, umalis mula sa kinauupuan nitong single couch. Kung saan magka harap kaming masayang nag-iinuman at nagku-kwentuhan nang kung ano ano lang. As in, sobrang bilis nang pangyayari nang walang sabi sabing  naupo siya sa kandungan ko. 







            Pagka tapos,  pinaghahalikan ako sa mukha, tapos sa leeg.. Todo lang ako sa pagsaway, hanggang sa gusto nitong abutin ang aking labi. Lalo naman akong hindi makakapayag! "Bingi ka ba!  Sabi ko uuwi na ako, bakit hindi ka na nagsasalita dyan!?" Pasigaw niyang turan na kina buga ko naman nang hangin.








                 Naka tayo na ito sa harapan ko nang marahan akong nag angat nang mukha. Kita kong marahas  na pinahid ang kanyang mga luha sabay napa iwas nang tingin. Nahiya siguro sa ginawa nito sa akin. "I'm sorry kung... hindi ko naman intensyon na pahiyain kita.." Hinging paumanhin ko dito.   "Kaya lang kasi--."









                "Kaya lang ano!?" Putol nito sa sinasabi ko. Sabay muling napa hikbi. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat nang bigla itong lumuhod sa harapan ko.  "Kathleen naman! Ayaw mo ba sa akin!? Wala ba talaga! Kahit konte man lang.. Gustong gusto talaga kita. Bigyan mo naman ako nang chance.." Sunod sunod nitong turan. At may himig ito nang  pagmamakaawa. Napa kurap ang mga mata at walang humpay ang pag agos  nang kanyang luha. Minerva...








                 Bakit kasi hindi mo buksan yang puso mo sa mga taong handang umibig saiyo. Handang buuin kang muli, hindi yung hinahayaan mo ang sarili mong naka kulong sa nakaraan.  Sa nakaraang, mananatili nalang sa nakaraan...  Sermon tuloy sarili ko.  Epekto na ba ito sa dami nang nainum ko!!  Naka move on na ako kay Cindy alam ko naman iyon sa sarili ko. Matagal ko nang tanggap na wala na sya!









"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon