Chapter 39

1.5K 64 38
                                    

Shaiane pov..


            "Jhake..  Saan mo ba ako dadalhin- bitawan mo nga ako!!" Pilit akong nagpumiglas ngunit tila naubusan na ako nang lakas. "Tita, Ingrid please tulungan niyo po ako, huwag po tayong magpapaniwala sa lalaking yan." Baling ko sa aking Tiya, subalit parang wala itong naririnig.






             Nang basta nalang akong tinalikuran. "Tita!!" Hiyaw ko bigkas. Para humingi nang saklolo. Binuhos ang aking buong pwersa.. Kaya lang, tila wala parin syang ng naririnig nang sandaling nagsimula na syang humakbang papalayo. Papalayo, hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin ko.






            "Bitawan mo ako Jhake! Para mo nang awa." Baling ko uli kay Jhake. Halos magmakaawa na ako nang sandaling iyon.. Habang hilam nang luha ang aking mga mata. Kaya lang  tinawanan lang nya ako. Tawang tagumpay! Tawa nang isang demonyo. 






           "Akin ka na Shaiane. Akin ka lang! Walang sino mang pwedeng mang-akin saiyo, kundi AKO LANG!!" Nanlilisik ang kanyang mga mata. Pagkatapos, walang pakundangang hinawakan ang dalawa kong braso nang sobrang higpit.. Halos mamilipit na ako sa sakit!






           "Tama na, nasasaktan ako!" Tila wala nang pag-asa para ako'y makawala. Kaya napahagulgol nalang ako nang husto at nanalanging sana may mabuting pusong tutulong sa akin. Kathleen.. Lalo lang akong nakaramdam nang kirot, kirot sa dibdib dahil naalala ko ang kataksilan nitong ginawa sa akin.






           "Saan mo ba kasi ako dadalhin.. Please, pakawalan mo na ako.  Ayokong sumama saiyo--







          "Hindi.." Kontra kaagad nito."Sa, ayaw at sa gusto mo- akin ka lang!" Sinimulan nito akong halikan nang marahas sa mukha, habang pilit na umiiwas ang sarili ko sa kanya.







          "Tama na please.. TAMA NA!!"






            "Shaiane!!" Bigla nalang akong napabalikwas nang bangon. Habang pilit na hinahabol ang aking paghinga. "Anak, ayos ka lang ba? kamusta ang pakiramdam mo- sumisigaw ka at nanghihingi nang saklolo. Ano na naman bang nangyayari saiyo?"






             Sunod sunod na tanong ni Yaya Dolores nang sandaling iyon. Habang naka-upo ito sa tabi ko at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Kumilos, tsaka marahang pinunasan ang mga pawis sa aking mukha. Gamit ang tuwalyang kanyang hawak-hawak.






           "Essang asan na ba yung tubig, bilisan mo!" Ma-awtoridad pa nitong utos sa isa pang kasambahay. Sabay lingon sa naka-awang na pintuan nang kuwarto.







           "Inaatake ka na naman nang sakit mo anak.." Malumanay niyang turan, nang muling bumaling sa akin. Habang, hindi magkanda-ugaga sa pag-aasikaso sa akin. Maya maya ay sumulpot na si Essang at may dala dalang isang basong may lamang tubig.






             Maagap na inabot niyon sa akin. Kaagad ko naman itong kinuha. Matapos kong maramdaman ang panunuyo nang husto sa lalamunan. Unti-unting nakaramdam nang kaginhawaan sa dibdib, nang halos masaid ko ang laman nang baso.







            Maagap din lang kinuha ni Essang sa kamay ko ang baso pagkatapos. Marahan naman akong kumilos at muling binalingan si Yaya Dolores. Pinakatitigan ko siya nang husto matapos makaramdam nang pagkalito. Awtomatikong napasinghap nang maalala ang nangyari sa naging panaginip ko. Para kasing totoong-too. Hindi na si Jhake  ang nakita ko nang sandaling iyon, kundi isang demonyo--.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon