Chapter 15

1.8K 94 10
                                        

Kathleen pov..

                   Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay tumigil na ang pagkatok. Ilang saglit pa, rinig ko na rin ang mga yabag papalayo. Tsaka ako napa buga nang hangin at nahuhulaan ko nang si Mama iyon. Siguro tinitiyak lang nito kong tulog na si Shaiane nang ganitong oras..







               Muli kong binalingan  ang payapa nang natutulog na si Shaiane.. Mga ilang minuto akong naka titig sa maamo at maganda nyang mukha pagka tapos ay mariin kong pinikit ang aking mga mata. Bakit wala man lang akong makapa sa aking puso na pag sisisi sa nagawa ko-- pinilig ko nalang ang aking ulo. Pagka tapos ay nagpasya na akong tuluyang lumabas nang naturang kuwarto.







                  Imbes na bumalik ako dun sa sarili kong kuwarto ay wala sa loob kong dumiretso sa may hagdanan. Pumanaog at natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa may kusina. Naka harap sa may lababo,binuksan ko ang faucet at nagsimulang naghilamos nang mukha. Napa singhap pa ako nang dumampi sa aking balat ang napaka lamig na tubig na lumalabas mula doon. Parang yelo kalamig!







                Pagka tapos ay tinungo ko ang banyo para punasan ang  mukha ko nang towel. Tuluyan na akong hindi makatulog kaya naman  naisipan kong magtimpla nang kapeng barako. Bitbit ang mug ay tinungo ko ang aming sala at pasalampak na naupo sa mahabang sofa. Pagka lapag ko nang aking hawak..






             Napapa hilot ako nang aking sentido nang biglang napa isip-  pagka tapos nang nangyari paano na namin papakisamahan ang isa't isa. Ibig kong sabihin-- hindi ko naman pwedeng sabihin sa sarili kong wala lang yun!  Mula nang mawala si Cindy... Nawalan na ako nang interest sa iba, dahil ang puso ko ang buo kong pagka tao pati kaluluwa ko ay sinama na nito hanggang sa huli nitong hantungan.








                Hanggang sa isang araw- nasilayan nang mga mata ko si Shaiane..  Hindi sya si Cindy...  Kusang sumasagi sa isipan ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Mama. Oo iyon naman talaga ang tinatak ko sa aking isipan kaya lang-- yung puso ko kusang tumitibok sa kanya. Argh!!Kahit anong  pigil ko, kahit na pakiramdam ko nagkaka sala ako kay Cindy tuwing palihim kong napapa dako ang aking paningin ko kay Shaiane..






                   Kung tutuusin ilang araw palang mula nang sya'y dumating  dito sa bahay namin. Pero pakiramdam ko ang dami nang nangyari lalong lalo na ang nilalaman nang puso ko. Siguro ang pinakamabuting gawin ay iwasan nalang-- kaya lang iniisip ko palang ako na yung nasasaktan. Oh God- Pinigilan ko naman! Paulit ulit na wika nang aking isipan.








              Pakiramdam ko sumasakit na yung ulo ko, kakaisip nang kung ano ano. Girlfriend sya nang kapatid ko at kung hindi sya dinala dito. Hindi ko sana sya nakilala, hindi sana magugulo yung nananahimik kong puso. Argh!!  Wala din namang kasalanan si Shaiane kong bakit malaki ang pagkaka hawig nila nang yumao kong girlfriend.






                 Pagka tapos-- pakiramdam ko ako din lang ang nagpalala nang sitwasyon. May nangyari sa amin at umpisa palang pwede naman nya akong pigilan. Pero  pinaramdam nitong buong puso syang nagpa ubaya..  Bakit??  Malaking katanungan sa isipan ko nang sandaling ito.







                   Kung ano ano nalang nang sumasagi sa isipan ko hanggang sa naririnig ko na ang pagtilaok nang manok. Hudyat na mag uumaga na tapos bigla kong naalala yung tinimpla kong kape- pag dampot ko nang mug napa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga. Malamig na yung laman ni wala man lang ka bawas bawas.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon