Chapter 20

1.7K 72 8
                                    

Shaiane pov..

                  "Bakit hindi pa kayo dumiretso nang Palawan.."  Buntong hininga nitong turan. Ang Mommy ko-- Hindi ko talaga maintindihan kong mahal ba talaga niya ako. Kung anak ba talaga ang ang turing sa akin-- Bigla akong natigilan, nang bigla nalang sumagi sa isipan ko. Paano kung sa edad kong ito ay lihim palang tinatago na ampon lang pala ako.







           Kaagad ko din lang pinilig ang aking ulo.  Hindi naman siguro.. Hugot ko nalang nang malalim na paghinga.
"Mom! Wala ka bang balak na papasukin kami sa loob nang bahay mo?" Turan ko. At naramdaman ko naman ang bahagyang pagkurot ni Jhake sa aking tagiliran.







               Hindi ba pwedeng magpahinga man lang kami kahit saglit. Kakalabas ko lang nang hospital at nagbeyahe na kami, tsaka plano ko pang kausapin si Tita Ingrid tungkol sa mga naiwang business ni Dad.






                  Alam kong napilitan lang si Mommy nang pinatuloy na kami sa loob nang bahay..
"Sabi ko naman sayo dapat nang hotel nalang tayo." Pasimpleng bulong naman sa akin ni Jhake. Bago kami nag tuloy sa loob. Buti nga sya alam nito ang exact location nitong bahay, samantalang ako-- hindi ko ito matandaan.







             Pasimple ko na lang inilibot ang paningin ko sa loob nang bahay.. Dito kaya sila nakatira ni Dad or dito kaya kami dati-- pilit kong inaalala sa utak ko kung pamilyar ba sa akin ang lugar na ito. Pero nabigo ako, wala talaga akong matandaan! Pakiramdam ko tuloy isa akong stranger sa sarili naming pamamahay..







                "Shaiane wala kang tumor--"  Bigla nalang sumagi sa isipan ko ang mga sinabing iyon ni Kathleen sa akin, pero kaagad ko din lang pinutol ang alaalang yun.  Galit ako sa kanya at hindi ko alam kong kailangan yun mawawala!! Marahas akong napa hugot nang paghinga..







            Inakay ako ni Jhake patungong living room, pagka tapos inalalayan nya akong maupo sa mahabang couch.. Tsaka sya naupo sa tabi ko. Inutusan naman ni Mommy ang kasambahay na mag prepare nang makakain. Pagka tapos ay muli itong bumaling sa aming dalawa.






                "So, balak niyo bang dito magpalipas nang magdamag?" Seryoso nitong turan. Nagka tinginan naman kami ni Jhake nang sandaling iyon.  Iyon ang sinabi ko nung nasa sasakyan kami patungo dito, kaya naman napa tango nalang ako.







                  "Pupuntahan ko po kasi si Tita Ingrid sa bahay niya bukas nang umaga--"






           "Oh- bakit hindi nalang kayo doon tumuloy.. para mapag usapan na ang dapat pag usapan." Halatang pinagtatabuyan kami o baka ako lang. Naramdaman ko naman na parang may kumurot sa aking puso. Hindi man lang ba nito ako kakamustahin kung anong nangyari sa pinuntahan namin.






          Ni hindi man lang ba sya interesado na makilala ang pamilya ni Jhake!? Kahit hindi na si Kathleen, kahit sa Mama nalang nang aking boyfriend--






                Sasagot pa sana ako nang biglang sumulpot yung maid para sabihing naka handa na ang pagkain sa dining.  Bigla naman akong nawalan nang ganang kumain, kaya lang-- kailangan kong saluhan si Jhake.






              "Okay ka lang!" Puna ni Jhake. Nang pinaghila nito ako nang upuan. Pasimple pa itong napatingin sa paligid kung may nakakarinig. Mukhang kami lang namang dalawa ang tao dito. Ramdam siguro nito ang tensyon sa pagitan naming dalawa nang Mommy ko.






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon