Chapter 34

1.5K 84 6
                                    

Kathleen pov..

             Walang mapagsidlan ang sayang aking nararamdaman.. Habang pinagmamasdan ang payapang mukha na ngayo'y himbing na himbing parin sa pag-tulog na si Cindy- si Shaiane na pala sya ngayon. Pagtatama ko. Pagkatapos, awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang marahan akong lumuhod sa harapan nito.





             I love you so much.. Buong puso kong bigkas  sa sarili, nang masuyo kong hinaplos ang mukha nito. Ingat na ingat upang hindi sya maistorbo. Gagawin ko lahat nang aking makakaya, upang walang sinuman ang maaring makakahadlang pang muli sa pagmamahalan naming dalawa.





              Ngunit hindi parin maiiwasang sumagi sa aking isipan ang mga nangyari noon. Dahilan upang kusang pumatak ang mga luha ko nang sandaling ito. Pero mabilis ko din lang pinahid, mabilis na pinilig ang ulo ko pagkatapos. Hindi ko na dapat yun alalahanin pa, dahil lahat nang iyon ay bahagi nalang nang masalimuot na nakaraan. Nang aming pinagdaanan.





            Na kung tutuusin, yung sampung-taong lumipas ay parang kahapon.. Kumbaga isa nalang siyang masamang panaginip- isang bangungot. At ngayo'y nagising na ako, kapiling ko parin sya. Habang buhay na magsasama..





            Marahan akong dumukwang, para gawaran sya nang masuyong halik sa noo. Sa tungki nang kanyang ilong, tsaka mabilis na dampi nang halik sa labi. Bago nagpasyang tuluyang lumabas nang aming kuwarto. Para tumulong sa paghahanda nang almusal sa ibaba at para makapag-usap din kami ni Mama.





            Simula kasi nang bumalik akong kasama si Shaiane may limang araw na ang nakalipas. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos ni Mama. Inilaan ko kasi muna ang buong oras at aking atensyon kay Shaiane. Alam kong nahihirapan syang mag-adjust at ramdam kong medyo naiilang ito at naninibago din syempre.





           Tsaka, ewan ko ba! Pero may pakiramdam akong kailangan talaga naming makapag-usap ni Mama. Hugot ko nang malalim na paghinga, matapos kong marahang isinara ang pintuan nang naturang kwarto. Nagsimulang humakbang patungong hagdanan nang makasalubong ko si Lyka sa may pasilyo. Nginitian ako nito sabay bati nang magandang umaga. Kaagad naman akong tumugon. Mukhang inutusan yata sya ni Mama para makapag linis dito sa itaas.





           "Siya nga pala." Untag ko dito nang biglang may maalala. Akmang lalagpasan na sana nito ako. Pero kaagad naman syang napahinto pagka-rinig sa akin.. Humarap at seryosong napatitig sa aking mukha. "Huwag mo munang istorbohin si- Ate Shaiane mo ha, ako nalang ang mag-aayos nang aming kuwarto pagka gising niya.." Turan ko at paliwanag. Nabilis naman syang napa-tango bilang pagtugon.





           "Tsaka, si Mama ba nasa kusina?" Dagdag kong tanong. Opo lang naman ang sagot nito. Bago ako tuluyang tinalikuran. Okay! Tugon ko nalang sa isip ko, tsaka muling humakbang. Bumaba ako nang hagdanan at dire-diretsong kusina. Nadatnan kong abala si Mama sa paghahanda nang aming agahan.





           Hindi ko naman malaman ang gagawin nang sandaling iyon, natitigilan--. Kung papaano ko ba sya babatiin, napakamot tuloy ako nang batok sabay lihim na napabuga nang hangin. Hanggang sa naisipang magtimpla muna ako nang kape. Kita ko sa aking peripheral vision nang pasimple itong napasulyap ito sa akin. Bago pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Kaya lihim ulit akong napabuga nang hangin, dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.





           Kaya naman, tinapos ko muna ang paggawa nang kapeng barako. Bago nagpasyang lapitan ito..






           "Ma- balak ko ho sanang ipaayos yung bahay natin sa may b-bukid." Panimula ko nang paksa. Doon kasi kami dati nakatira bago ko nakilala si Shaiane.. Doon kami nakabuo nang maraming pangarap para sa aming kinabukasan. Kaya may plano akong mag-stay muna kaming dalawa doon. Pansamantala lang naman!





"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon