Chapter 30

1.5K 89 19
                                    

Kathleen pov..

                  "Paano mo nagawa sa akin ito! Sa amin ni Cindy..." Tiim bagang kung wika. Matalim ang tinging pinukol ko kay Mommy Sussane, habang nanatiling nakakulong sa aking bisig ang aking pinakamamahal. Kitang kita ko kung papaano sya mamuntla nang sandaling iyon at nagsimulang maglumikot ang kanyang mga mata.







                    "A-ano bang pinagsasabi mo hija!? Kasal ngayon nang a-anak ko, huwag ka sanang mag-iskandalo.." Anak!? Ngayon palang huli kana sa sarili mong bibig, dahil nag-iisa lang naman ang anak mo!!  Gigil na gigil ako sa totoo lang, gusto ko na syang sugurin- saktan. Lalo na at patay malisya parin siya.. Bakit hindi nalang kasi niya aminin ang totoo! Ang katotohanang si Cindy na girlfriend ko at ang babaeng yakap ko ay iisang tao lang!!






                  "Paano mo nagawa lahat nang ito! Alam ho ninyo kung gaano ko kamahal ang inyong anak!" May panunumbat kung bigkas.. Alam niya yun, saksi sya sa lahat nang pagdurusang aking dinanas. Na para na din akong pinatay nang ang buong akala ko patay na siya, patay na si Cindy nang hindi ko man lang siya nakikita pa kahit kailan--.






                "Pwede bang itigil mo na yang kahibangan mo ate! Nakakagulo  kalang--"






              "Huwag kang sumabat sa usapang ito dahil walang kang alam!!" Inis kong baling kay Jhake. Habang nanlalaki' ang mga mata nang sandaling iyon.. Siguradong sigurado na ako na tama lahat nang hinala ko,  dahil napagtali tali ko na !! Ang masakit lang at hindi ko matanggap sa sarili, bakit- ganun nalang ba kalaki nang kasalan ko para tuluyang itago sa akin si Cindy!?







                    "A-ate.. Sorry!" Mabilis akong nag-angat nang mukha at kita ko si Lyka na nakatayo sa aking harapan.  Si Lyka yung teenager na kasalukuyang namamasukan dito sa amin bilang kasambahay.  kinakabahang nilalaro laro ang mga daliri sa kamay.  Kasalukuyan kasi akong nasa living room, naka upo sa may sofa ang sobrang lalim nang iniisip. 





            Iniisip ko ang mga sinabi ni Shaiane.. Gusto nitong itakas ko sya, nang sa ganun hindi matuloy ang kasal nila nang kapatid ko!? Ramdam ko at kitang kita ko sa kanyang mga mata na may mabigat syang problema..  Pero hindi naman kasi ganun kadali ang hinihingi nito, kaya hindi ako nakakibo. Hindi ako nakapag-isip agad. Hanggang sa makaalis na sila nang kapatid ko- hindi na kami nagkaroon nang pagkakataon para makapag-usap.






                Bukas na ang araw nang kasal at- paulit ulit paring naririnig nang utak ko ang mga sinabi nito.. Pero nagtatalo parin ang puso at isip ko.. "Ate- yung isang vase kasi sa kuwarto mo nabitawan ko.. Hindi ko naman sinasadyang- bigla nalang dumulas sa kamay ko." Paliwanag nito at nagsimula nang naghabulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagpaalam kasi itong maglilinis sa aking kwarto, kaya lang wala ako sa sarili na basta nalang napa oo..






                "Anong vase yun!?" Taranta ko namang turan nang kaagad pumasok sa isip ko yung binigay ni mommy Sussane at mabilis na napa tayo sa aking kinauupuan.. Shit!  Huwag niyang sabihin na yung-- Cindy..  Bigla ding kumabog nang husto yung dibdib ko at dali daling humakbang patungong hagdanan.






              "Ate yung ano po-" Hindi naman nito masabi sabi ang gustong sabihin. Habang naka sunod sya sa aking likuran..  "Yung kulay gray na may takip!" Napasinghap nalang ako nang sandaling marinig ang sinabi nito at napapamura sa  isip. My God!  Sa dinami rami nang mababasag niya bakit yun pa!






               "Ano ka ba naman Lyka.. Bakit hindi ka man lang nag-ingat--'' Hindi ko tuloy napigilang sabi.. At hindi na ako nag-atubili nang mabilis kong tinulak ang pintuan nang aking kuwarto.. Lalong napa singhap nang makitang nagkalat sa sahig ang basag at pira-pirasong vase.  Kaya lang, biglang nanlamig ang buo kung katawan at hindi makapaniwalang- bakit walang laman ang loob niyon!? As in wala!  Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa aking nakikita.. Typical na vase lang sya.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon