Chapter 10

1.8K 73 4
                                    

Kathleen pov..

Ako man ay sobrang nagulat, sa biglaang paglabas ni Shaiane sa loob nang banyo na-- walang kahit anumang saplot sa katawan!? Dahilan para matuod nalang dito sa aking kinatatayuan at dinig ko ang tibok nang aking puso. Hindi ko kasi naagapan ang paglabas nito matapos kong inayos ang pagkaka hawi nang kurtina dito sa may bintana.






"A-anong-- n-nakita mo ba-?" Nauutal at nanlalaki ang kanyang dalawang matang turan. Habang naka tayo ito at naka harap sa akin. Mahigpit na yakap ang sarili para siguro hindi mahulog ang tuwalyang tanging tumatakip ngayon sa kanyang kahubdan. O-Oo, kitang kita ko kanyang kabuuan, ang magandang hubog nang kanyang katawan at kong papaano nya balutin ang basang basa pa nyang balat nang towel-- "Kathleen please.. magsalita ka naman!" Ha? Hindi ako maka kibo basta naka titig parin ako sa mukha nito.






Nang matauhan ay, marahan at pasimple kong tinikom ang bibig kung bahagya palang naka awang habang hindi ko parin nai-aalis ang paningin ko sa kanya nang sandaling ito. "Kathleen anak, lagi mong isasa isip na magka-ibang tao sila, huwag na huwag ka sanang magpapa dala sa bugso nang iyong damdamin. Si Cindy ang mahal mo at ibang tao si Shaiane." Bigla namang sumagi sa isipan ko ang mahigpit na bilin sa akin ni Mama na dapat palagi ko itong tatandaan.. Pasimple tuloy akong napa hugot ako ang malalim na paghinga sabay pilig sa aking ulo.






Hindi ko naman kinakalimutan ang bilin nyang iyon- at hanggat maari gusto ko din sanang iiwasan si Shaiane. Kaya lang-- wala si Jhake, umalis at itong isa mukhang nakakaramdam nang pagka boring dito sa bahay. Sobrang mapilit pa- Kaya pina alam ko din kay Mama ang pagsama nito sa akin sa farm.






"Kumain kana pagka tapos mong magbihis.. Hihintayin nalang kita sa ibaba- kailangan ahm- fifteen minutes.." Pag iiba ko sa usapan at malamig kong pakikitungo sa kanya. Gusto kong iwasan ang bawat katanungang lumalabas sa bibig nya, baka kasi hindi nito magustuhan ang maisasagot ko. Lihim pa akong napa buga nang hangin, dahil pakiramdam ko kinakapos ako nang hininga. Nakaramdam din ako nang alinsangan samantalang malamig naman ang panahon. Hayy! Ano ba itong nangyayari sa akin!






Kesa kung ano pang sumagi sa isipan ko, wala sa loob kong basta nalang akong nagmarcha na ako patungo sa may pintuan-






"Kathleen nag uusap pa tayo..." Damn... Pigil nito nang saktong nasa tapat na ako nang pintuan at bago ko pa mahawakan ang doorknob.. Mariin tuloy akong napa pikit at napa lunok, buti nalang saktong naka talikod na ako sa gawi nito. Ano bang gusto nyang pag usapan- yung nakita ko sa kanya! Na kitang kita nang dalawang mata ko ang manapaka gandang hubog nang kanyang katawan? Na mukhang hindi na maiaalis sa isip ko.






Hindi ba talaga nya ako titigilan! Ang totoo dinadaga na ang dibdib ko pero pinilit ko paring pinakalma ang puso ko.. Pinakalma ko nang husto ang sarili ko, bago ako pumihit at humarap muli sa kanya. "Shaiane... Ano naman ngayon kung nakita ko ang katawan mo- pareho naman tayong babae.." Kunway napa kibit balikat ako at sinabayan ko pa nang pag ngisi. Na parang wala lang sa akin kung anumang nakita ko. Kaagad naman itong napa iwas nang tingin dahilan para isang pilyang idea na pumasok sa isip ko.






Sinadya kong tumikhim nang malakas para agawin ang kanyang atensyon at muli itong nagbaling sa akin.. Dahan dahan kong hinubad ang suot kong itim na leather jacket. Pagka tapos ay basta nalang binitawan at nahulog sa carpeted na sahig. Kitang kita ko din kong paano nya iyon sinundan nang tingin.






"Para wala kang masabi at maging fair sayo, willing akong ipakita sayo ang katawan ko.." Seryoso kong litanya pero sa loob loob natatawa ako na kinakabahan ako sa sarili ko. Kung ano ano na kasing pinagsasabi ko.. Muli naman syang nag angat nang mukha at naningkit ang kanyang mga mata.







"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon