Chapter 18

1.5K 81 8
                                    

Kathleen pov..

               "Shaiane, kumalma ka nga..." Bigla nalang nya kasi akong sinugod. At ang labis na kina gulat ko, ay galit na galit ito habang pinagbabayo ako sa dibdib. "Shaiane!" Pilit kong pag awat.. Masakit, dahil  gigil na gigil sya,kaya ang ginawa ko  ay kaagad akong kumilos. Niyakap ko sya mula sa kanyang likuran nang sobrang higpit. Yun lang ang naisip kong paraan para patigilin ang kanyang paghi- hysterical.







               "B-bitawan mo nga ako! Bitawan mo--" Pilit  naman itong nagpupumiglas. "Kate- ano ba!!"Pero wala akong balak para sya ay pakawalan, kaya lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka yapos ko sa kanya..






                Bakit ba sya nagkaka ganyan!? Wala naman akong maisip na masamang ginawa  sa- Bukod sa nangyari sa aming dalawa at sa pinagtapat ko tungkol kay Cindy.  Ginawa ko lang naman ang sa tingin kong tama.  Para narin sa ikabubuti nang lahat, para  magtigil na si Mama sa pangungulit sa akin na kailangan ko syang iwasan. Para tumigil na din itong si Shaiane sa kakausisa kung bakit kailangan ko iyong gawin sa--
"Bitawan mo ako sabi e!"






           "Tama na! Masasaktan ka lang sa ginagawa mo." Nagngangalit ko na ding wika..  Buti nga at habang yapos ko sya ay maagap kong naibalot ang nagdugo nyang sugat dahil sa pagkaka pwersa nang kanyang swero. Gamit ang dala dala kong panyo.






          Alam kong hindi na dapat ako andirito, dahil sabi nang utak ko, kailangan ko na syang iwasan.. Kaya lang- hindi ko na din maintindihan ang sarili ko ang puso ko. Magmula nang may nangyari sa aming dalawa  ay ayaw nang  paawat at  nakakaramdam ako nang pangungulila sa kanya na alam kong hindi tama..






             "Kathleen please.. ayaw na kitang makita pa!" Kung kanina ay pilit syang nagpupumiglas, ngayon tila naubusan na sya nang lakas.  Narinig ko din ang kanyang paghikbi na kina pikit ko naman nang mariin. Hindi kami dapat nagkakasakitan nang ganito-- "Umalis kana, umalis ka na at gusto ko ito na sana ang huli nating pagkikita..''
Paulit ulit na akong pinagtatabuyan kasabay nang pag hikbi nito.






                Shaiane.. Hugot ko nang malalim na paghinga. Heto na nga at sya na mismo ang humiling sa aking lumayo, tama lang naman dahil pag gumaling na sya nang tuluyan- malabo na kaming magkikita pang muli.. Kaya lang, may gusto lang akong malaman mula sa kanya na bumabagabag sa aking isipan.






            Nagpasya na akong tuluyan syang pakawalan nang sa tingin ko ay kumalma na ito.. Napapa hugot tuloy ako nang malalim na paghinga.Pagka tapos ay masuyo kung hinaplos ang pisngi nitong basa nang luha. Para kasing  may sariling isip ang palad ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Na kina angat naman nang kanyang mukha at nagtama ang aming mga mata.






           "I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi ang tungkol kay--" Hindi ko palang natatapos ang gusto kong sabihin nang bigla itong napa iwas nang tingin.. Nagpasya nalang akong alalayan sya nang marahan upang bumalik muli sa kanyang higaan.  Kahit na ayaw sana nitong magpa hawak, base narin sa reaksyon nang kanyang katawan.. Na lihim ko nalang kina buga nang hangin.






                "Shaiane.. m-may gusto lang sana akong malaman- kung may nangyari ba sayo dati- I mean aksidente ganun--" Panimula ko.






          "Ano bang pinagsasabi mo!" Kontra naman nito kaagad. Matalim ang tinging pinukol nito sa akin. Pagka tapos nitong naupo sa ibabaw nang hospital bed habang nakatayo ako sa harapan nya.






         Matapos nyang nawalan nang malay kahapon ay isinugod  namin sya dito sa pinakamalapit na hospital sa aming bayan.. Lahat na yata nang test ay ginawa sa kanya.






"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon