Prologue

192K 3.9K 965
                                    

PROLOGUE

This story is a work of fiction. Any resemblance to persons, living or dead, or places, events or locales is purely coincidental. The characters are productions of the author's imagination and are used fictitiously.

The scenes are sensitive and not suitable for young readers. Read at your own risk.

PANAY ANG LINGON ko sa likod. Kanina ko pa nararamdaman na parang may sumusunod sa'kin pero sa bawat paglingon ko ay wala naman akong makitang tao.

Inayos ko ang suot kong school uniform at napahigpit ang hawak ko sa bag.

Wala akong mahagilap na tricycle sa labas ng university kanina kaya nagpasya akong maglakad kahit malalim na ang gabi. Pero ngayon ko pinagsisisihan na naglakad ako.

Madilim sa kantong nilalakaran ko, walang katao-tao at medyo malayo pa ang bahay namin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napatigil ako nang makarinig ng kaluskos. At sa paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong armadong lalaki.

Napaatras ako. Ang una kong naisip ay ang tumakbo. Kilala ko ang mga kalalakihang ito dahil araw-araw kong nakikita ang mga ito sa loob ng university. Bodyguard ito ng nag-iisang anak ng mayor sa bayan namin.

"A-Anong kailangan niyo?" Lakas loob na tanong ko.

"Sumama ka sa amin. Hinihintay ka ni Boss Randy." Tugon ng isa.

Si Randy ay ang nag-iisang anak ng mayor. Limang taon ang agwat nito sa akin at pareho kami ng university na pinapasukan. Bulakbol ito, spoiled at mahilig sa gulo kaya hindi nito matapos-tapos ang pag-aaral ng kolehiyo.

And Randy is my suitor. Kahit hindi ko ito pinapayagan ay nanliligaw ito sa akin. Araw-araw akong sinusundan at kung anu-ano ang binibigay sa'kin na hindi ko naman tinatanggap. Sa ilang linggo na panliligaw nito ay hindi ako nakatiis. Kinausap ko ito at sinabing wala pa akong balak magka-boyfriend. Na mas gusto kong mag-focus sa pag-aaral lalo pa at scholar lang ako sa university na pinapasukan ko.

Lalo akong napaatras nang humakbang ang isang lalaki patungo sa akin.

"Hindi ako sasama sa inyo." Mariing tanggi ko.

Ngumisi lang ang isa at marahas akong hinila. Nagpupumiglas ako pero patuloy lang ako nitong hinihila at pabagsak akong pinapasok sa loob ng kotse.

"P-Pakawalan niyo ako. Please." Pagmamakaawa ko pero parang walang narinig ang mga ito.

Dinala ako ng mga ito sa abandonadong building. Pinapasok ako sa isang medyo madilim at maliit na kuwarto. At doon ay nakita ko ang nakangiting si Randy.

Lumapit ito sa akin at kapagkuwan ay hinaplos ang pisngi ko.

"My beautiful Ysabelle." He murmured as he caressed my cheek.

"B-Bakit mo ako dinala dito?" Natatakot na tanong ko.

Ngumiti ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Para kunin kung ano ang dapat ay sa akin. Anak ako ng mayor at wala akong gusto na hindi ko nakukuha, Ysabelle. Wala kang karapatang bastedin ang isang tulad ko at kung sa tingin mong makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka." Ngumisi ito at inilapit ang bibig sa leeg ko. Dinilaan nito iyon.

Nagpupumiglas ako pero mahigpit akong hinahawakan ng dalawang bodyguard nito.

"P-Pakawalan mo ako dito. M-Maawa ka, Randy." Nanginginig ang labing pakiusap ko.

"Of course, babe. Papakawalan kita kapag natapos na ako sa'yo." Tugon nito at kinabig ako.

Idinikit nito ang katawan ko sa katawan nito at nanayo ang mga balahibo ko nang ikiniskis nito ang sarili sa akin, pinapadama ang nasa pagitan ng mga hita nito.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon